"Ah kaya pala mukhang lutang ka dyan eh. Kim kapag nasa Japan kana, dun mo na lang alalahanin ang lahat okay? Sa Japan ka na lang magdrama kasi mas maganda ang view dun. Sa ngayon, magsaya muna tayo." Yulie

Mga 12:30 umuwi na rin sila. Pero nagpaiwan si Earth, nasa may terrace namin kami. Nakatingin lang ako sa malayo, siya naman nakatingin sa may gate namin.

"Earth hindi ka pa ba uuwi? Inaantok na ako." sabi ko sakanya

"Ah Kim may ibibigay sana ako sayo eh" sabi niya

"Oh edi ibigay mo na."

May kinuha siya sa bag niya tapos inabot sakin ang isang-- hmm? Tingin ko frame ito na nakagift wrapped.

"Para san naman to?" tanong ko sakanya

"Hmm, wala. Gusto ko lang ibigay sayo yan. Buksan mo" sabi niya

Kaya naman binuksan ko. Nagulat naman ako sa nakita ko sa frame. Collage siya. Yung parang before and after. Yung first picture na nasa left side is stolen shot nung 1st year highschool ako, naka-eyeglasses akong makapal, tapos nakapigtails, pawis na pawis pa nga ako. Nasa soccer field ako neto, eto yung time na hinabol ko si Nash para ibigay ang lunch na ginawa ko para sakanya pero di ko siya naabutan. Tapos ang 2nd picture naman na nasa right side is stolen shot pa rin, tumatakbo ata ako nito, kasi whole body siya tapos yung itsura ko parang tumatakbo nga, siguro eto yung time na sinabihan ko si Nash ng "i love you" nung akala kong natutulo siya tapos sinagot niya ako ng "i love you too". Eto yung time na, tinapunan ko sya ng damo sa mukha niya tapos hinabol niya ako.

"U--uh? Pa--pano mo nakuha tong picture? Wala naman ako nito sa facebook ko ah." sabi ko saknaya

Ngumiti siya. "Sa facebook mo, wala. Pero sa camera ko, meron. Madami." sabi niya

O_O "Ohmygad! Earth stalker ka talaga noh? Tss. Bakit mo naman ako kinukunan ng picture ah? Wala ka bang magawa sa buhay mo?" ako

"Haha, wala nga. Bored ako eh, kaya ikaw na lang ang pinagtritripan ko."

"Che! Tumigil ka nga." tapos may naramdaman akong envelope na nakadikit sa likod nung frame. Kukunin ko na sana--

Pero pinigilan ako ni Earth.

"Ah Kim pwde bang basahin mo yang letter kapag nasa Japan kana?"

"Huh? Bakit naman sa Japan pa? Aba matinde!"

"Hindi, sige na. basta! Sa Japan mo na basahin yang letter, ok?"

"Ah osige."

"No cheating Kim ha, pag sinabi kong sa Japan, sa Japan na."

"Oo nga po, kulit mo Earth." 

Earth's POV

Nakauwi na rin ako sa bahay namin. Pinalayas na ako ni Kim, sabi niya kasi inaantok na daw talaga siya. Ayoko pa talagang umuwi pero umuwi na rin ako para makatulog na siya, kasi maaga pa ang flight niya bukas.

Gusto niyong malaman kung paano ko nakuha yung pictures ni Kim? Syempre, tama siya, stalker nya ako. Nakilala ko siya nung palaro sa school namin, nasa field kami nun. Kaming mga soccer players nakaupo lang, kasi kakatapos lang ng game namin. Next game is yung basketball, isa si nash sa basketball players, dumaan sila sa harap namin. Tapos may babaeng sigaw ng sigaw ng "Nash Tyson Ahn". Sa lahat ng nagkakagusto kay Nash, yung babaeng sumisigaw lang ang pinaka-pinaka obsses.

Nung game na nila Nash, sa game 2 medyo semplang sila. Kaya yung babaeng obsses kay Nash ay nagalit. Ang ginawa niya? Syempre, pumunta siya sa gitna ng court. Tapos sinigawan niya yung mga kalaban ng team nila Nash. Marami ngang natawa dun eh tapos pinag usapan siya. Napahiya ata siya, tapos dali daling tumakbo paalis nung court, sa pagtakbo niya, natumba siya. Tapos nahulog ang eye glasses niya, tapos ako ang nakapulot. Binigay ko sakanya ang eyeglass tapos tumingin ako sa ID niya, ang babaeng yun pala ay nagngangalang Kimeeko Villanueva.

Simula nun, parang nagkaroon ako ng interest sakanya. Kaya lagi ko siyang kinukunan ng picture. Walang araw na hindi ko siya kinukunan ng picture. Pero syempre, lahat ng pictures, stolen shots lng.

Alam kong nahahalata niyong may gusto ako kay Kimeeko, pero si Kimeeko, hanggang ngayon, hindi pa rin nahahalata yun. Manhid ata siya eh. Kung hindi man siya manhid, siguro ayaw niya lang i-assume na may nararamdaman ako para sakanya.

Kendra's POV

Hay salamat naman at nakauwi na ako. Syempre, si nash ang naghatid sakin sa bahay. Balita ko, aalis na si Kimeeko girl, at syempre natutuwa ako. Dahil wala na akong kaagaw kay Nash. Pag kasi tuwing may importanteng event, pinupuntahan niya talaga si Kimeeko, nakakainis lang!

I'm so thankful na tinulak ako ni Kimeeko girl sa may hagdanan, sa ginawa niyang kagagahang iyon edi nagalit sakanya si Nash. How stupid nerdy girl! Edi byebye ka ngayon. Sana nga hindi na siya bumalik.

Masyado na ba akong nakakainis? Wag kayong mag-alala, worth it yan. *winks*

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Where stories live. Discover now