13 ~ Turn On

445K 12.9K 3.1K
                                    

A/N: Very very light lang ang bs dito. Btw, girls, how was your Valentine's Day/Date? 😎😊

Chapter Thirteen

NABIBIGATAN na inalis ni Karen ang braso na nakayapos sa tiyan niya. Medyo madilim sa buong silid kung nasaan siya. Hindi niya makita ang labas dahil ang malapad na salaming bintana ay natatakpan ng makakapal na kurtinang kulay beige. Nang muling bumalik sa tiyan niya ang brasong inalis ay tuluyan niya nang binalingan ang lalaking katabi niya.

Sleeping peacefully, Colton Altaraza's arm wrapped around her waist territorially. Her head place above his chest making it her pillow for long hours probably. His small sounds of snoring making her smile. Under the white bed sheet are their naked bodies. It feels so warm. It's feels like she meant to be on his arms, fitting perfectly around it.

So, this is what it feels like to wake up beside Colton Altaraza after a steamy night with him? Dreaming about that she really meant for him...even in reality, she's not.

Ilan pang minuto ang ginawa niyang paninitig sa gwapong mukha ng binata bago unti-unting sumiksik sa utak niya na hindi iyon tama...hindi tama ang lahat ng ginawa nila at ang namagitan sa kanilang dalawa! Everything was a mistake!

Sa kanyang pang-gigilalas ay wala sa sariling inilayo niya ang sarili kay Colton dahilan kung bakit nabulabog ang mahimbing nitong pagtulog. He lazily squeeze his eyes before turning to her. His sleepy dark eyes starting to lose her sanity, again.

"What is that?" He sleepily asked with the tone of raucousness on his damn voice.

Paulit-ulit niya munang kinumbinsi ang sarili na magalit sa sitwasyon nila at sa ginawa niya bago pa siya tuluyang makapagsalita.

"I n-need to leave—"

"For fucking what reason?" Colton shifted his position annoyingly, tumagilid ito ng higa, he is now facing her, trying to reach her hand but she pushed herself away.

Alam niyang kapag nahawakan siyang muli nito ay mababali na naman ang desisyon niyang lumayo dito. Sobra-sobra na ang epekto sa kanya ni Colton, madampian lang siya ng balat nito ay para na siyang maamong tupa na susunod sa anoman ang naisin nito.

"You know that...everything was a mistake, Colton. What happened between us was a big mistake—"

"Who told you?"

Pinanlisikan niya ito ng mga mata sa isipin na para dito ay hindi mali ang ginawa nila. What is it then? He's in a relationship! He's getting married! And they had sex! Can someone please tell her that it was not a mistake?

"You're getting married!" She frustratedly said, almost shouting at him.

Ang emosyon niya tungkol sa bagay na iyon ay mukhang hindi niya na mapipigilan pa. Ang pagngitngit ng saloobin niya ay kayhirap iwaglit.

"K..." Suyo nito at muling umusog para tuluyan na siyang maabot, kung uurong pa siya ay mahuhulog na siya sa kama.

Hinuli nito ang mga kamay niyang nakakuyom na nakahawak sa kumot na nagtatakip sa kahubaran niya. Sa kaunting liwanag na bumabalot sa kanila ay pansin niya ang malapad na dibdib nitong nalalapatan ng maninipis na balahibo. Ang kumot na pinaghahatian nila ay ang siyang nagsilbing takip naman sa pribadong bahagi ng katawan nito.

"Hindi ko gusto na sumira ng relasyon...pero..." Hindi niya na matuloy ang sasabihin dahil mabilis na naglandas ang mga luha sa kanyang pisngi. "S-sorry... Sorry talaga..." Humihikbing sabi niya.

Muli ay ikinulong siya ni Colton sa mga bisig nito kaya lalo lang siyang napaiyak. Dapat ay naiwasan niya na ito pero bakit ang hirap-hirap gawin ng bagay na iyon? Bakit kahit alam niyang mali ay sige pa din siya sa pagpayag na makalapit ito sa kanya?

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon