Banat (Batch 16)

463 8 3

Dahil hindi ako makatulog kahit kailangan, at dahil sa ayoko ring mag-isip ng update sa stories, at dahil ang may gawa nito ay tulog na, at dahil.....basta!

BANAT # 114

June 7, 2014

Para raw ito sa GAGAWA ng Trailer ng BANAT (kug meron man)

Excited na ako.

Sa BANAT trailer na gawa mo.

Isa lang hilng ko.

Hindi ko kailangan maimpress dito.

Basta kay Xian pasado.

Pag nangyari yun magpapakilala ako. Y

un ang iyong premyo.

BANAT # 115

June 7

Aba Amazing!!!

Pagmamahal ko sa'yo super-expialidocius.

Walang halong hokus-pokus, di din circus.

Promise I'm serious.

Parang integral calculus.

Kahit ang makita ka ay miraculous.

Utak ko lutang parang may hydrosephalus.

Sa ganda mong may pagka-mysterious.

Talo mo pa ang rich and famous.

Kaya sa banat ako'y push lang ng push.

Baka sakali ikaw maging aking muse.

It's you, I don't wanna lose.

Pag nangyari papako na lang sa krus.

Hope I could fit in your yellow shoes...

Banat # 116

June 7, 2014

Pang ilang banat na ba?

Di na mabilang pa.

Dati akala ko sapat na.

Hindi pala kasi parang naadik na.

Eto paraan maipakita, mapadama.

Iyong halaga higit pa sa pera o kahit ginto pa.

Paggising ikaw agad naaalala,

sa pagtulog hanggang panaginip pa.

Ganito pala talaga,

Layo mo man ilang libong milya.

Sa isip at puso para ka lang kasama.

Banat # 117

 June 7, 2014

Aba SPG!!!

Ang sarap siguro pag sa higaan ikaw ang katabi.

Malamang magdamag di mapakali.

Yakap ka ng buong higpit habang hinahalikan iyong labi.

Pangalan mo mamumutawi.

Sa bawat sandali dulot ay luwalhati.

Iindak sa saliw ng musika at tayo'y magiging isa.

Saksi ang mga dingding at bintana sa bawat impit na salita.

Nagdudulot ligaya.

Hanggang init humupa.

Pwde bang humirit ng isa pa???

Banat # 118

June 8, 2014

SPG daw???

Sa kalagitnaan gabi, ako'y nagising.

May naramdaman kasi akong mahirap pigilin.

Pinipigilan lalong umiigting.

Sa pagmamadali muntik madapa.

Kulang na lang liparin ko na.

Bakit ba kasi ngayon nadama.

Pwede namang mas maaga di ba?

Teka lang baka kayo ay napapaisip na.

Hindi ito bastos ano ka ba! 

Sadya lamang madrama.

Pinapangako ko hindi na kakain ng madaming mangga,

nang hindi mag-c.r. at pagtulog maantala...

NOTE: Alam kong nagbabasa ka, wahahahahaha! 

BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!