Dedicate ko sayo :) dami mo kasing comment dito sa story na toh. thanks :)

Update na po. Thanks sa lahat ng bumoto. Hahaha. Kayo yung inspirasyon ko para magsulat at magUpdate kahit busy overload na ako . read. and enjoy.

-----------------

Chapter 56

-----------------

Biglang bumukas yung pinto kaya napatingin naman ako. Si Chris. 

" Ngayon na lang kita ulit nakita na nakaganyan. " sabay ngiti niya sa akin.

" Namiss ko lang " sabi ko

Tapos ngumiti ulit siya.

" Pwede umupo? " tanong niya. Tumango naman ako at nakiupo nadin.

" Alam mo dapat kitang pasalamatan kasi kung di dahil sayo hindi ako mapapansin ng mga tao. habang buhay na lang akong invisible sa kanila " -Ako

" Wala yun "

" Gusto ko na talagang bumalik si Daniel " reklamo ko

" Babalik din yun. Kaso di pa ngayon " 

" Haaay. "

" Oh bakit? "

" Gusto ko ganto ulit ako " sabi ko sa kanya.

" Edi gawin mo gusto mo. Wala naman masama. Maganda ka na naman eh. Wag mo lang toh susuotin " sabay tanggal niya nung eyeglasses ko.

nginitian ko siya. 

" Oh diba? Maganda ka pa din. Mas bagay na sayo yang damit mo dati " paliwanag niya

Ngumiti na naman ako.

" Tara labas na tayo " yaya niya pero umiling ako.

" Sige " tapos lumabas na siya. 

Humarap na naman ako sa salamin.

Haaay. 

Di ko na alam gagawin ko. Tsk. Tapos malapit na yung Prom night. Wala yung gusto ko makapartner. :/

2 weeks na lang. 2 weeks na lang bago dumating yung dapat pinakamasayang araw ng buhay ko. Yung si Daniel ang maging 1st at last dance ko sa prom night.

Lumabas ako . Habang naglalakad ako. Nakita kong tapos na yung movie. Kaya hindi na muna ako bumaba para puntahan sila. 

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!