x32: Frustrations

[ADRIAN's PoV]

'calling...

dhie♥'

Dhie.. Si CJ yata toh. MHIE at DHIE tawagan nila eh diba?

Dahil hindi nagigising si Chelle at patuloy pa rin 'tong cellphone nya sa pag-ring, sinagot ko na ang tawag. Hindi nga lang ako nagsalita agad kasi di ko naman alam ang sasabihin ko sa lalaking toh.

"Mhie??" nagtatakang umpisa ni CJ.

Potek. Di ko pa rin alam kung anong sasabihin ko. "Uhh EHEM.."

"HEY, WHO'S THIS??" parang nagpanic si CJ nang marinig nya ang boses ko.

"Ano, si Adrian toh.."

"Ah... Si Rachel?"

"Natutulog.."

"W-WHAT??" nagpanic na naman sya. Masyado bang nakakagulat ang sagot ko? Parang natutulog lang si Chelle eh?

"SABI KO, TULOG NA SYA. Nakainom sya eh. Nilubos uminom kasi susunduin mo raw sila." paliwanag ko.

"Tch.. Uhm, nandito na pala ko sa tapat ng condominium building mo so pakigising na lang sya."

At agad na nya kong binabaan. Di man lang ako hinayaang sumagot ba. Tss. Ang galing lang din ng timing nya noh? Kung kailan ko nanakawan ng halik si Chelle eh tsaka pa sya tumawag. Para syang yung ipis kanina, ISTORBO.

Binalik ko na ang cellphone ni Chelle sa jeans nya. Tinignan ko syang muli sabay hawak sa isang pisngi nya. Marahan ko syang tinapik.

"Chelle, gising na.. Wui Chelle.."

"Mm.." tumagilid sya ng higa paharap sakin.

"Chelle.. Nandyan na ang magaling mong sundo kaya gising na.. Wui.. Chelle ko.."

Minulat nya ng unti ang mga mata nya at tinignan nya ko.

Mabilis kong inalis ang kamay ko na nasa mukha nya. "Chelle.. Nasa labas na si..si CJ."

"Si CJ?!" narinig nya lang ang pangalan ng lalaking yun eh napabangon na sya. Tsk. Hinilot nya ang ulo nya kasabay ng pagsinok. Sinisipon na rin sya, dahil siguro sa pag-iyak nya kanina.

"Kaya mo ba tumayo?" tanong ko sakanya.

"Mm.. Oo naman noh.. Psh.." tumayo sya at medyo nangangapa sa pagbalanse kaya inalalayan ko sya. "Ay teka.. Ang baby ko.." T//3//T

Lalapitan nya pa sana ang anak namin para buhatin yun pero pinigilan ko sya.

"Ako nang bahala sakanya Chelle. Ayusin mo na lang ang gamit nyo.."

Tahimik na sumunod si Chelle. Ako na ang bumuhat kay Andy at sabay kaming lumabas ng unit ko.

Si Chelle, halatang nasobrahan sa inom. Maya't maya hinahatak ko sya kasi wala syang direksyon kung maglakad.

Nang nasa elevator na kami, nagising si Andy. Naalimpungatan yata nang makita nyang nasa ibang lugar na sya.

Pagkalabas naman namin ng building, agad naming natanaw si CJ na nakasandal sa kotse nya. Gabing-gabi eh naka-formal attire sya.

Nagulat na lang ako nang tumakbo si Chelle. Mula sa tabi ko eh pumunta sya kay CJ. Para syang bata na sabik yakapin ang lalaking yun. Nagbubulungan pa sila habang magkayakap at kita kong tumatango si Chelle..

Ano ba toh.. Hindi ko na maitago sa sarili ko..na nasasaktan ako ngayon sa nakikita ko..

Tsaka lang ako lumapit sakanila nang lingunan ako ni Chelle. Sinalubong nya ko para kunin sakin si Andy. Pero ayaw lumipat sakanya ni Andy eh. Kumapit pa nang mahigpit sa leeg ko itong bata.

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!