PROLOGUE

   
Ano ba ang ginagawa sa isang school?
  

   

Homeworks and Lectures
Activities
Projects
Recitations
and Exams





Nakakastress nga minsan pero okay lang. Yan naman talaga ang buhay ko.. Ordinaryong estudyante pa din naman ako na kailangang mag-aral...



Family Life ko? Ayun! May nanay at tatay na lagi sa trabaho pero close kaming tatlo.. Mayaman din kami. Ahm Di ko alam kung gaano kayaman pero.. lagi kami sa social page ng mga diyaryo, magazines at pati sa TV at marami kaming malls,school at kung anu-ano pa. Un nga lang, never pa akong pinayagan ng parents ko na mag-appear sa kahit na anong magazines.

  

Nga pala! Mas close ako sa lolo ko. Pareho kasi kaming mahilig sa martial arts at gun firing. Hobby namin niyan.. Normal life? Yes indeed! Normal Rich Kid Life! At least normal pa din. Bakit pag mayaman ba hindi normal?



Iyon ang akala ko, inakala kong magiging normal ang takbo ng buhay ko. Until my parents died at ma-stroke naman si Lolo. Parang feeling ko ng panahon na iyon sobrang malas ko na. Buti na lang hindi natuluyan ang lolo ko. But talk about what is worst? Sa edad kong 19, ako na agad ang mamamahala ng mga negosyo namin eh.





Okay na sana..tanggap ko na, wala na sila at paralisado na si Lolo. Napapag-aralan naman siguro ang negosyo hindi ba?

  


Pero may problema ako, I found out that my parents and lolo is managing a school. A school for gangster? Grabe lang! Tapos malalaman ko na sila Papa at Lolo ay leader ng World’s Largest Gang!  Shoot! At eto pa! Ako daw dapat ang gagawin nilang next leader? Saan nanggaling yang idea nilang yan? Baka gusto nilang iumpog ko sila sa pader!



But what the heck?! Nalaman kong may manganganib kapag huminde ako! As if naman makaka-hinde ako kung may mapapahamak? E kung bigla nila rin akong patumbahin? As in ung wala ng bangunan? So, ang ending? Nag-enroll pa din ako sa school ko.. Ang Gangster Academy. Pero naman? How could I survive with this life?


Ano ba ang ginagawa sa isang school?



Homeworks and Lectures
Activities
Projects
Recitations
and Exams.





But in my school?  There is a big difference.
  

   
Ang homework ay ay death threats
Ang activities ay suntukan at bugbugan
Ang projects ay gang fights
Ang recitations ay barahan at bastusan
at ang exams?




pakikipaghabulan kay kamatayan?! Tell me! Maka-graduate pa kaya ako ng buhay?

Gangster Academy: Book 1Basahin ang storyang ito ng LIBRE!