Ang dami niyang inorder na pagkain, mga good for four persons pa.


"Hmm.. What about a dinner date tonight?" Alok niya.


"Ahh.." Hindi ko alam ang isasagot ko ngayon.


Can please someone help me!?


"I will take your silence as a yes" Putol niya sa pag-iisip ko.

Ugh! Paano ba ako makakaalis sa sitwasyon kong to?


.
.
.




Isabel's POV...


"Uy.. Saan ang lakad natin?" Tanong ni Ate Yna na kakarating lang galing duty.


"Ahh.. Magbabakasyon lang sa Batangas" Tugon ko.


"Eh.. Ikaw lang? Hindi mo kasama sila Diana?" Saad nito.


"Ahh.. Hindi, busy ang schedule ni Diana and si Ysabelle naman nasa Pampanga" Sagot ko naman.


Sa totoo hindi ko alam kung busy ba si Diana dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako nagrereply sa huling message nito sa akin at hindi na rin naman ito nagtext ulit sa akin.


"I see. Ingat nalang at pasalubong ha? Sya nga pala nagpalit ka na pala ng Ob gyne mo? Ayaw mo na ba ulit kay Doc. Salvacion?" Dagdag na tanong nito.

"Ahh.. Oo, nagpalit na ako ng Ob gyne pero hindi naman sa ayaw ko kay Doc. Ate kaya ako nagpalit" Sagot ko rito.


Hindi na ako nagbigay ng rason kung bakit dahil baka itanong iyon ni Ate kay Doc.

Nakakahiya naman gagawin ko pang sinungaling si Doc. Salvacion.


"I see.. Kamusta naman ang first semester?" Pag-iiba niya ng usapan.


"Gaya noong nagdadalang tao ako kay Ysabelle mga morning sickness rin" Sagot ko.


"Basta follow mo lang ang bilin ni Doc, okay" Remind nito.


"Yeah.. Alis na kami" Saad ko bago sumakay ng kotse.


"Sige, ingat kayo" Tugon nito bago ko isinara ang pinto ng kotse.


...


"Manang si Ysabelle po?" Tanong ko kay Manang Gina. Pagkapasok ko palang sa aming tahanan.

"Nako. Anak nasa Pampanga siya noong nakaraan araw pa. Sa makalawa pa siguro ang uwi nun" Tugon nito.

Umalis ito ng hindi man lang pinapaalam sa akin ni Diana?

Wow..

"Eh.. Si Diana, Manang, Asan?" Tanong ko pa rito.


"Ayun.. Nagmamadaling umalis ulit kanina siguro papasok sa opisina. Hindi nga ito umuwi kagabi kahit ang bilin niya sakin na iluto siya ng nilagang baka" Sagot nito.


"Ano po ulit yun Manang?"



"Ang alin? Yung hindi umuwi si Diana kagabi?" Tanong nito.


I'm not the only one (ToLine) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora