[12]♕Just Us

2.1K 61 4

Hana's POV.

Nainom ko na lahat ng gamot. Kailangan ko ngayon maglinis ng katawan kaya lang may lagnat ako kaya napagpasyahan kong mag-half bath nalang.

Bakit ba kapag nakakainom ako ng alak palagi akong nagkakasakit? Aish. Ang arte ng katawan ko.

Aish. Bakit ba kahit anong nangyari kagabi wala akong maalala? Paano kung...waaaahhhhh. Kakahiya talaga to.

“Hana?! ”

“Bakit ba?!” sigaw ko pabalik sakanya. Langya talaga to.

“Bakit ba kasi ang tagal mo? Halos isang oras ks na jan no? ” reklamo niya. Isang oras na ba? Ang oa nito. Aish.

“Patapos na po!”

“Bilisan mo na, alam mo nman na may lagnat ka! Kailangan mo magpagaling ayoko na kayang mag-alaga sayo. Tch” saad nito.

Ang pangit talaga ng ugali nito. Akala ko pa naman ay concern siya saakin hindi pala. Aish. Ano ba aasahan ko sa mokong yun?

Lumabas na akong ng cr. Kailangan ko magbihis. Ang lamig ng panahon. Saan ba kami magpapasko? Aish. Bakit ba kasi nagkasakit pa ako?

Bumaba na ako. May pinapanood pa kasi ako.

“Hanniel, di ka ba magluluto? Gutom na ako. ” wika ko sakanya. Ang sakit naman ng ulo ko.

“Meron ka pa bang masakit? ” tanong niya saakin.

“Yeah! Ang sakit ng ulo ko. Pero I can manage pa naman.

“Sa restaurant nalang tayo. Tapos pa-check up tayo. ”

“Check up lang walang tayo. ” saad ko sakanya.

“Oo na magpapacheck kang mag-isa. ” wika niya.

“Ano kaba joke lang yun. Ito naman ang bilis maniwala. ” sabi ko sakanya.

“Tara? ” alok nito saakin.

“Saan? ”

“Kakain. Tch. ” sabi nito. Aish. Makakalimutin talaga ako.

Nakalimutan mo ba? O may inaasahan kang iba?

Aysus! Ang pangit nito. Kakain na po ako pero parang hindi pa gutom ang utak ko kakaisip na mga bagay na hindi pwede.

“Sasama ka ba? ”

Naibalik ang huwisyo ko ng sumigaw siya. Pumasok na ako sa kotse. Ang awkward. Walang gustong magsalita sa aming dalawa. Langya. Nakakabingi tong katahimikang ito. Buti nalang mabilis kaming nakarating sa isang korean restaurant. Wait...

“Korean food lahat ng food dito, right? ”

“May korean Restaurant ba na Filipino food ang mga menu? ”

“Aish. ” tinarayan ko nalang siya.

Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. May naramdaman akong kakaiba. Bakit niya ba hinahawakan?

Magkahawak ang kamay namin habang papasok sa loob. Ano bang nangyayari sakanya? Teka... bakit parang di ko yata tinatanggal yung kamay ko sa kamay niya? 

Pilit kong tinatanggal yung kamay ko pero mas lalo pa niya hinigpitan ang ang pagkahawak nito.

“Mr. and Mrs. Curtis, long time no see. ”

“Your right Mr. Reyes. What are doing here? ” tanong ni Hanniel sa matandang kausap niya.

“I'm just visiting my son.” wika ng matanda.

Casanova's  WifeRead this story for FREE!