Chapter 6: Ouch!

632K 15.1K 2.6K
                                    

Chapter 6: Ouch!

2 weeks ang lumipas, lalo akong nag kaka gusto kay kevin, ang sweet kasi niya tska lagi niya kong pinapatawa. Kulitan, asaran, tapos foodtrip pa lage.

Si miggy? ayun aso't pusa pa din kaming dalawa. Lagi akong inaasar, parang hindi ma kukumpleto yung araw niya na hindi ako naiinis. Tapos minsan naman tahimik kapag kinakausap ko. Lakas ng saltek eh! Ewan ko ba sa bakulaw na yan! pero medyo naging close din naman kami kahit minsan asar ako sakanya.

Sabado ngayon at ang swerte ko wala kong pasok, walang problema. Pag baba ko ng kwarto kumakain na sila kuya, luh? hindi man lang ako hinintay ng mga to? ang sama. gutom much?

"hoy kuya! miguel, hindi nyo lang ba ko aayain kumain?"

"princess akala namin tulog ka pa eh, tara kain ka na."

"oh ang aga mo ata miguel? walang pasok ngayon sabado, bakit bihis na bihis ka?"

"pupunta kami ni kuya sa mineski taft, may tournament kasi eh, maglalaro si idol kevin."

"waaaa talaga? kuya sama ko?"

"ok sige, mag bihis ka na. 10:30 Mag sisimula yun."

"okey ^__^"

Ayoko pumunta sa mga ganun, pero makikita ko si Kevin, Gusto ko kasi siya makita na nag dodota eh, ano kaya itsura niya? sumisigaw din kaya siya kapag nag lalaro? eh yung miggy na yun kaya andun? ahhh! bakit ko ba siya iniisip?

Umalis na kami sa bahay, gamit namin yung kotse kaya mabilis kami naka puntang mineski taft. Malaki siyang computer shop, Siguro mga 100+ na computer yung andito. Maganda siya, maganda yung mga computer at upuaan, malamig tapos ang daming tao lagi na naglalaro, mga dota player.

Ang dami na agad tao, nung dumating kami lahat napa tingin samin, lalo kay kuya.

"Oh andito pala si ace eh."

"Uyyy maglalaro ba yan? nako baka matalo tayo nyan."

Wow sikat din pala si kuya? akala ko si miggy at kevin lang. Ayos din pala mag dota, sisikat ka bigla. Nakita ko kasi may page sina miggy at kevin, at aba 85k yung likes. Hindi naman sila sikat nun ah? Puro nag dodota yung mga nag likes, pero meron ding mga babae, sabagay gwapo naman sila pareho eh.

"ate ayun si kuya kevin oh." nakita ko agad si kevin, waaaa ang gwapo niya, naka fit syang damit, wow ang macho niya talaga ^0^

 naglakad ako papalapit kay kevin kaso may isang bakulaw na humarang sakin.

"Hoy bakulaw, tumabi ka nga!"

"bakit andito ka?"

"sinama ako ni kuya eh, tabi nga pupuntahan ko si Kevin."

"tss wag kapumunta dun, hindi mo ba nakikita kasama nya yung girlfriend niya?" huh girlfriend? eh puro mga lalaki kasama ni kevin kanina nung nakita ko, tinabig ko agad si miggy para makita ulit si Kevin,

O_O

may katabi siyang babae, at ang lapit nila sa isat isa. Mamaya bigla silang nag kiss sa lips, smack lang pero..

OUCH! </3

Bakit? bakit ganun, kung kelan gustong gusto ko na si kevin, eto pa makikita ko? bakit niya ko binigyan ng motibo para gustuhin siya, sabi pa niya he likes me din. Pero bakit ganto? parang sakit sa bangs naman neto. Hindi naman sa OA ako pero kasi sabi niya gusto ka niya tapos all of a sudden may kasama siyang ibang babae? parang feeling ko na betrayed ako.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon