Ayaw Ko Nang Humugot

25 1 0
                                    

Ayaw ko nang humugot

'pagkat puso ko'y kumikirot,

sa kalungkuta'y nababalot,

mga alaala'y hindi malimot,

at lalo lang sumasalimuot.


Ayaw ko nang humugot

dahil luha ko'y lumalapot,

diwa ko'y tila nilalapirot,

ang ulirat ko'y nababagot,

at animo'y may ikinatatakot.


Ayaw ko nang humugot

at 'di na rin sisimangot

upang ang ligaya, 'di malagot.

Ibabaon na lamang sa limot

ang mga bangungot.

A Poem A Day Keeps the Stress AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon