Pagod ka na ba?

389 1 0
                                    

Kung mahal mo siya at pagod ka na. Walang problema... Edi magpahinga ka. Wag yung hihiwalayin mo agad siya kasi pakiramdam mo pagod ka na. Minsan kasi may ibang dahilan talaga kaya nasasabi mo yung salitan 'pagod ka na.

Siguro isa na sa mga rason ang malaking pagkakaiba ng ugali niyo. Sa kilos, pananalita, pag-aaral, trabaho, kinakain, pinapanuod, pinupuntahan atbp.

Pero eto nalang ang tandaan mo... Pag pagod ba hiwalayan agad ang solusyon? Bakit hindi mo alalahanin ang lahat?

Kung paano ka niya napasaya noong panahong malungkot ka...

Kung paano ka niya dinamayan noong ikaw ang iniwan...

Kung paano ka niya binigyan ng dahilang magmahal ulit nung nasaktan ka...

Kung paano ka niya inintindi sa kabila ng mga masasakit na nasabi mo sakanya...

Kung paano siya nakinig sa'yo noong panahon na wala kang mapag sabihan ng problema...

Kung gaano ka ka-espesyal sa kanya kasi mahal na mahal ka niya...

Naaalala mo pa ba? Okay naman kayo diba? Ang saya nyo nga e, diba? Nagkataon lang talaga siguro na madaming gumugulo sa isip mo kaya naisipan mong makiap hiwalay kasi akala mo yun yung madaling paraan para mabawasan ang mga problema mo.

Hayaan mo, wag ka na malungkot. Inaantay ka niya ngayon at iintidihin ka. Mag-usap kayo at lawakan mo ang isip mo. 'Wag mo din pairalin ang init ng ulo mo para magkainitindihan kayo. 

Tandaan mo... Kung pagod ka na, magpahinga ka lang at wag ka susuko.

Kasi mahal ka naman niya e. Mahal na mahal

Credits to: Lester Cuizon Hernandez

I'm just bored...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon