CHAPTER 37

35.7K 1K 34

ZHARLIE'S POV

Eto tulala at gulong gulo yung utak ko….habang  pababa diba nga galing ako sa pinakataas ng school?

Haist Bat pa kasi sinabi ni lavander yun? Napaisip tuloy ako!! kung sino ba talaga ung mga magulang ko? may magic din ba sila katulad  ko? bat wala na sila ngayon? At higit sa lahat sino ba talaga ako?? sino ba talaga si Zharlie Mae Lasquez?

Arrgghhh! Grabe gusto kong malaman lahat ng sagot sa tanong koginulo ko  naman yung buhok ko kakaisiip!

*toink*

Arayyyyyyy! Ang sakit ng noo ko langya naman

Eh? Bat nasa harap ako ng hd room? Ano ba yan  bat dito ako dinala ng mga paa ko? aish siguro panahon na rin na malaman ko kung sino talaga yung magulang ko…kung sino ba talaga ako..

Agad ko namang binuksan yung pituan at nagulat ako ng nakita ko yung anim sa loob anong ginagawa nila dito? Hay yaan na ngabAng mahalaga malaman  ko yung tungkol sa magulang ko

ICE'S POV

Nagulat naman kaming lahat ng pumasok bigla si Zharlie mukha naman ding nagulat si Zharlie na makita kaming anim dito exept lang siguro kay Kira …. Alam niya kayang pupunta dito si Zharlie?

“oh Zharlie anong kailangan mo?” nakangiti pang saad ni kira

“may gusto lang sana akong malaman kira… alam ko may alam ka  tungkol dun” seryosong saad ni Zharlie ..nakakapanibagong ganto kaseryoso si Zharlie

Ano naman kaya yung gusto niyang malaman?

ZHARLIE'S  POV

“may gusto lang sana akong malaman kira… alam ko may alam ka  tungkol dun” seryosong saad ko kay kira bigla naman itong sumeryoso

“gusto ko sanang itanong kung….. sino ba talga yung mga ….. magulang ko?? kung sino ba talaga ako?” mukha namang hindi nagulat si kira sa tanong ko pero yung anim halatang nagulat

“sabi ko na kaya ka pumunta dito ay dahil dun …. O sige siguro ito na rin yung tamang  panahon para sabihin ko to sayo…” sabi nito at sinenyasan akong umupo kaya agad naman akong tumabi kay Ice kasi yun lang yung available chair

“so…. sisimulan ko na…ang mga magulang  mo ay sina Arlie at Zhac…. sina  Arlie at Zhac ang pinaka malakas na wizard sa mundo na ito noon….. pero ang ina mong si Arlie ay isa sa mga kasapi ng mga dark wizard” yung nanay ko isang dark wizard?

“d-dark wizard? Bakit?" takang takang tanong ko

“ ang ina mo ay anak ng dating reyna ng mga dark wizard… kaya ayun nga… parating nagkakaroon ng digmaan sa pagitan ang dark wizard at good wizard kaya ang mga magulang mo noon ay matalik na magkaaway…ang ina mo ang nakakuha ng mahika ng fire at water samantala ang ama mo naman ang nakakuha ng mahika ng air at ice” kaya naman pala ganun kalakas ang mahika ko dahil na rin sa mga magulang ko

“so yun nga… parating nagiging magkatungali ang ina at ama mo at hindi nila namalayan na may nabubuong pagtitinginan na silang  sa isat isa ..pinigilan ng ina mo ang kanyang nararamdaman dahil alam niyang pinagbabawal umibig sa isang good wizard ang mga dark wizard...... "

"pero ng umamin si Zhac kay Arlie ay hindi napigilan ni Arlie na umibig na talaga dito... parati silang patago kung magkita at kung may digmaan man ay nagkukunwari na lang sila na nag aaway …masaya na silang dalawa kaso nga lang nalaman ng ina ni Arlie ang tungkol sa ugnayan nila ni Zhac sa kagagawan na rin noon ni Cyprus” Cyprus? Narinig ko na yun dati Ah! Sabi nga pala ni Jane noon na si Cyprus ang hari ng dark wizard

“Cyprus? Diba siya na ngayon ang hari ng dark wizard??” sabat naman na tanong ni Duster tumango naman si kira

“oo sya nga..sya ang may kasalanan kung bakit naudlot ang pagmamahalan nina Arlie at Zhac …..sa sobrang galit ng ina ni Arlie ay kinulong ito sa eskwelahan ng dark wizard at hindi ito pwedeng lumabas …pero gumawa ng paraan si Zhac upang magsama sila ni Arlie at hindi ito nabigo naisama niya ito sa school ng good wizards …hindi naman umangal ang mga good wizard tungkol dun...masaya na sana talaga sila ng …nabalitaan ni Arlie na namatay ang kanyang ina at pumalit si Cyprus sa pwesto nito …labis ang galit ni Arlie kay Cyprus dahil alam nitong sya ang pumatay sa kanyang  ina”

grabe  sama ng ugali ni Cyprus  dahil sa kanya nauudlot ung kasiyahan ng ina at ama ko

“nung si Cyprus na ang naging hari ng dark wizard ay ninais din nito ang mahika ng iyong magulang Zharlie kaya nag karoon ng digmaan pero bago nagkaroon ng digmaan ay sinilang kana Zharlie at sa kagustuhan nina Arlie at Zhac na wag kang mapahamak ay pinadala ka nila sakin sa mundo ng mga mortal” si kira yung nagdala sakin sa mga mortal?

“eh ikaw din ba ang nagpangalan sakin?” agad na tanong ko

“hmmmm.. ang mga magulang mo ang nagbigay nun sayo at inilagay ko na lang sa isang panyo para iyon ang maging pangalan mo at agad kitang matagpuan” ahhhh…… kaya pala

“pero pagkatapos kitang idala sa mga mortal ay naabutan ko na lang na nakahiga sa lupa sina Arlie at Zhac sabi ng iba ay nagsakripisyo sila para sa buong school ..tinalo nila ai Cyprus pero dahil sa mahikang nagamit nila ay nanghina sila at agad pumanaw pero inahabilin ka nila sakin” napakabuti naman pala ng aking ina at ama nagsakripisyo sila para sa eskwelahan …kaya dapat ayun din yung gawin ko pero teka

“tekabkung natalo na ng mga magulang ko si Cyprus bakit hangang ngayon ay buhay pa ito???” agad na tanong ko

“simple lang … hindi namatay si Cyprus nuon sa laban nila ng mga magulang mo … nakatakas ito at muling tinayo ang eskwelahan ng dark wizard… kaya nga lang .. nabuhay sya pero halos naubos ang mahika niya kaya Zharlie …..Ice, Duster, Mark at Chad mag ingat kayo lalo kana Zharlie…dapat hindi kayo makuha ni Cyprus dahil kukuhain nito ang mahika niyo “nagsitanguhan naman kami …

Ngayong nalaman ko na kung sino ang mga magulang ko at kung pano sila nagmahalan ay parang naging kumpleto na ko ….

Ngayon ang kailangan ko namang isipin ay dapat hindi ako makuha ni Cyprus at dapat maging malakas ako para sa school.

-----------------+++++++++----------------

A: ayan alam na kung sino talga ang magulang ni zharlie!!! 

* wattygirl10*

SCHOOL OF MAGICS [Editing]Where stories live. Discover now