Chapter 71 Magkalimutan Na Tayo (The broken bestfriend)

15.6K 287 6
                                    

Mesaiyah's Point of View

I'm walking fast through the hallway of school, everyone are busy for the incoming recognition and commencement day next week.

I took a heavy deep sigh. Mahirap iwanan ang school kung saan marami kang memories na nabuo. Naupo muna ako sa isang bench na nagkalat dito sa school at nangalumbaba.

Napatingin ako sa lalaki na nagdaan, si stranger pala. Hindi man lang ako pinansin. Pakialam ko nga ba kung hindi niya ako pansinin? Napatingin ako sa circular tree. Si stranger na naman? Tiningnan ko lahat ng tao na nakapaligid sakin. Ipinikit ko ang aking mata at ginulo-gulo ang sarili.WAAAH! Hindi 'to pwede! Bakit lahat ng taong nakikita ko ay puro mukha niya! WAAAH! I can see his face anywhere! Nababaliw na ata ako! Hallucinating is dangerous but thinking him like crazy is more dangerous.

"Oy. Anyare sayo? Bakit ganyan mukha mo?" buti nalang dumating si Maysel para iligtas ako sa daydreaming na'to.

"Baliw na ba ako?"

"Hah?!"

"Nakikita ko ang mukha niya sa lahat ng taong nakikita ko. Baliw na ako." imbis na sumagot ng maayos, tinawanan niya lang ako.

"Whahahahahahahahaha! Okay lang 'yan! Ganyan talaga kapag..inlove!" may pagkamalambing at may pagkadahan-dahan niyang sinabi ang last word na inlove.

"I'm not inlove."

"Namimiss mo siya."

"Lagi na siyang nasa isip ko. Gusto ko lagi siyang nasa tabi ko kaya nakikita ko ang mukha niya kahit saan."

"Umamin kana kasi."

"No. Hindi ako aamin."

"At bakit naman? Hahayaan mo ang sarili mo na mabaliw?"

"Oo."

"Kahit hindi ka na umamin. Baliw kana talaga!"

"Teka? Ano 'yung nagtitimbunan na yon? Anong meron don?" kunot noong tanong ko habang tinuturo ang mga estudyanteng nagtitimbunan malapit sa may circular tree pero nagkibit balikat lang siya. Tumayo ako para makiisyoso sa nangyayari. Sumingit ako para makita ko pang mabuti kung ano ang pinagguguluhan. Si kosuri at isang estudyanteng babae dito pala. Teka? Kosuri?

"You son of a bitch! You stole my boyfriend!!" namumula na ang mukha ng babae at halatang nagpipigil ng galit na kahit anong oras ay sasabog na ito samantalang parang walang pakialam si Kosuri sa sinasabi ng babae.

"Proof?" nakataas ang kilay niyang sagot.

"I saw you kissing him! Fck you! Bitch whoever you are!" sumisigaw na sabi ng babae na nakita niyang kahalikan ni Kosuri ang boyfriend niya. Nakapameywang na lumapit si Kosuri sa mukha ng babae na para bang halata sa kanya ang pagiging veteran sa pakikipag-away na easy lang ito para sa kanya.

"He said. He didn't love you anymore. You're an ugly chakadoll in the garbage! Ew!" sinampal nung babae ang pisngi ni Kosuri dahil sa sinabi nito.

"Woah!" reaction ng mga nakakakita. Isang napakalakas na sampal ang binawi ni Kosuri sa pisngi ng babae at kasunod nito ay sinugod na nung babae si Kosuri at sinabunutan niya ito. Masyadong malakas si Kosuri, nakakaawa 'yung babae para kalabanin pa niya kaya aawatin ko na sana nang makita kong parating si stranger. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Hinila ni stranger si Kosuri sa braso kaya natigilan ang lahat pati na ako. Saan kaya nila balak pumunta?

"Ouch!" napatingin ako kay Maysel na katabi ko pala. Hindi ko nalang siya pinansin kundi napagdesisyunan kong yayain na siya papunta sa room despite of the fact na wala namang ginagawa dun. Gusto ko lang takasan ang mga tingin ng tao sakin. Para bang tinitingnan nila kung ano ang magiging reaction ko sa nakita ko.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon