CHAPTER 17

1.2M 32.9K 8.1K
                                    

CHAPTER 17

NAPATIGIL SA paghakbang si Ivy ng marinig ang pamilyar na baritonong boses na 'yon kasabay ng malakas na pagkabog ng puso niya. It's him! Her heart is pounding so fast, she feels like she's going to have a heart-attack.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin, nagdarasal na sana hindi siya pinaglalaruan ng mga taenga niya, umaasang tama ang pandinig niya, na nasa harapan nga niya ang binatang isang linggo ding hindi nawala sa isip niya.

Ang walang buhay niyang mukha ay nagliwanag ng magtama ang mga mata nila ng binata. Walang emosyon ang mga mata nito pero nakaramdam pa rin siya ng nag-uumapaw na kasiyahan na nakita niya ito sa wakas pagkalipas ng isang linggo.

"Mauna na ako." Anang Abogada na nasa tabi niya pero hindi niya ito pinansin. Wala dito ang atensiyon niya kundi nasa lalaking nakatayo hindi kalayuan sa kaniya.

Hindi niya maalis ang titig niya sa binata.

"Andrius..." pilit niyang pinipigil ang panunubig ng mga mata niya, "Mí corazoncito..."

Hindi na niya kayang pigilan ang sarili. She wanted to be cold towards him because its easier that way for both of them but she couldn't contain herself. Tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa ng binata, nawala sa isip niya ang kasalanang nagawa niya rito at ang galit nito sa kaniya. Mahigpit niya itong niyakap at ayaw na niyang pakawalan pa ang binata.

Pero binaklas nito ang pagkakayakap niya rito dahilan para magising siya sa katutuhanan.

"Sorry." Kaagad siyang dumistansiya sa binata, "masaya lang akong makita ka."

Gusto niyang lumayo sa binata tulad ng gusto nito pero hindi siya tuluyang nakalayo dahil hawak nito ang magkabilang pulsohan niya.

"What the hell are you doing here in the precinct?" Nakatiim bagang nitong tanong habang madilim ang mukha.

She tried to smile at Andrius but failed. "Admitting my crimes."

"And why the hell would you do that?" Hindi maipinta mukha nito. "Bullshit, Ivy. Pagkatapos mong magainungaling sakin, ngayon ka pa ba susuko?"

Bumagsak ang balikat niya. "Kasi ayokong madamay ka sa gulo ko." Mahina at malumanay ang boses niya. "You were there, you saw me, but you stayed silent. I don't want you to be an accessories to the crime." Huminga siya ng malalim para doon kumuha ng lakas ng loob at tapang para harapin ang binata at sabihin dito ang buong katutuhanan. "Sa tingin ko kasi, ito lang ang paraan para kahit papaano, mabawasan ang galit mo sakin at makabawi ako sayo."

Mas lalong humigpit ang hawak nito sa kamay nito na nagpangiwi sa kaniya sa kirot na nararamdaman. "Mabawasan ang galit ko at makabawi ka sakin? How would you know that? Ako ba, ikaw, para masabi mo 'yon? I didn't ask you to do it, Ivy. Hindi ko sinabi sayong pumunta ka rito, because God knows how much I want you to stay away from this place—" bigla itong napatigil sa pagsasalita ng makitang nakangiwi ang mukha niya.

Then his eyes settled on her slightly swollen wrist. His blank face turned dark and his eyes dilated. "Anong nangyari sayo?" Lumipat sa braso niya ang pagkakahawak nito sa kaniya habang sinusuri ang pulsohan niyang namamaga. "Why is your wrist swollen?"

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Ahm ... It doesn't really hurt much—"

"Hindi ako nagtanong kung masakit." Nagtagis ang bagang niya. "Ang tanong ko, bakit namamaga ang pulsohan mo?" Mas lalong nagdilim ang mukha ni Andrius. "Did Sanford did this to you?" Gumagalaw ang panga nito.

Umiling siya. "No. Wala siyang ginawang masama sakin. Naipit lang ako kasi may nag-away doon sa selda kagabi. I was trying to break them apart, without using too much force, but I end up hurting myself."

POSSESSIVE 20: Andrius SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon