Hindi Akin

7.9K 66 7
                                    

Masakit ba ang mag-mahal?
Masakit ba ang magselos?
Masama ba ang umasa?
Masama ba ang maging tanga?

Aaminin ko na nasasaktan ako
Sa bawat pagdampi nang mga palad niya sayo
Sa bawat tingin na iginagawad niya sayo
Sa bawat palitan niyo ng mga salita na unti unting bumabaon sa dibdib ko.

I'm happy for the both of you

Pero di ko maiwasang makaramdam ng selos sa kaloob-looban ko
At di ko maiwasang makaramdam ng kirot sa puso ko
Paano eh, mahal ko ang taong nagmamahal sa kaibigan ko

Alam kong common na ang ganitong plot sa mga libro
Minsan napapasabi pa akong "ano bato, wala na bang ibang storya na mapipilian dito? "
Pero alam niyo, when love strikes nga naman diba
Ang sakit-sakit pala sa feeling na may mahal siyang iba

Tuwing nakikita ko kayong sweet sa isa't-isa
Ang sarap sabihin 'Friend hinay hinay lang naman oh,
Durog na durog na kasi itong puso ko,

Parang isang  pitik nalangmawawasak na talaga ito"

Wala ni isang salita
Wala kayong maririnig sa bibig ko kahit na isang letra
Dahil isang ngiti nalang ang maibibigay ko sa inyong dalawa
Isang ngiting may bahid na palang luha

Hindi ko masabi ang nararamdaman ko sayo
Hindi lang dahil nahihiya at natatakot ako
Bakit ba naman kasi ako susugal kung alam kung matatalo ako sa laro
At isa pa baka ang kahahantungan pa nito ay gulo

Parang masokista na ako kung tawagin
Akalain mo araw-arawin ba naman ang sakit na hindi ko kailanman hiniling
Pero wala akong magagawa kahit na naisin
Kasi ito ang kapalit ng pagtingin na hindi rin naman kailanman magiging akin.

MGA TULA PARA KAY CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon