THE SEARCH IS NOW OVER

2 1 0

Hi! It's me again, Kate.

Still remember my story?  Ako si Kate. Yung babaeng hinahanap si James. Yung hinahanap si James na hindi naman alam kung yun nga talaga ang pangalan niya. Yung Kate na nahulog sa taong dalawang beses niya palang nakita.

Yup. It's me!

---

"Talaga bang pag-ibig na 'to?
Talaga bang nahulog na ako?"

Paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko. I can't get over about what happened last time.

Napadpad na naman kasi ako sa STEM building para puntahan ko ang mga kaibigan ko doon. After class noon at madaming mga nakapangsports wear dahil araw yun ng mga try-outs para sa darating na intramurals.

Kaliwa't kanan ang mga naglalaro. Naka P.E ako noon, wala akong balak na magtry-out although marunong naman akong magchess, magvolleyball, magbasketball (G vs.G), magbadminton, tumakbo at marami pang iba. Actually, pinipilit ako ng adviser ko pero ayoko talaga eh. Bukod sa tinatamad, ayokong panuorin ako ng mga beshies ko.

So eto na nga. Nagpunta ako sa mga beshies ko. At sa tagpong 'yon, nasa ground sila naglalaro ng volleyball. So, edi ako, nakisali. Hindi sila nagtatry-out, laro-laro lang kumbaga. Nasa gilid lang naman kami ng ground dahil yung mga nagtatry-outs, nasa gitna.

Napagod ako sa kakalaro ng volleyball kaya naman nakisali naman ako sa badminton. Naiinis ako nun sa shuttlecock dahil hindi ko na siya makita. Bukod kasi sa sobrang liwanag ng panggagalingang part, malabo na kasi talaga ang mata ko. PS. Waley akong salamin.

Nung minsang tinry kong titigang mabuti at habulin ang shuttlecock, jusko!  Kamuntik-muntikan na akong madapa dahil dun sa bato. That buti nalang napigilan ko ang katawan ko kundi plakda ako.

Tawa ng tawa yung bestfriend ko. "Bes, may nakakita ba?", tanong ko sa kaniya.

"Wala naman."Sagot niya habang tumatawa.

Umupo muna ako para magpahinga tsaka makaiwas sa kahihiyan. Edi ayon, sa hindi ko inaasahang tagpo, napatingin ako sa third floor.

Hindi ko alam pero kahit malabo ang mata ko, siya agad ang nakita ko. Nakatingin sa akin, besh.

Oo, tama. Tama. Si James 'yon. Mula sa ground, kitang-kita ko ang nga singkit niyang mata, ang matangos niyang ilong, ang maganda niyang jawline at pati na rin yung pulang bench and bath na panyong hawak niya.

Feeling ko noon, ang tanga-tanga ko. Marahil nanonood siya sa amin kanina. Siguro napanood niya ako nung muntik na akong madapa. Kainis! Pangwattpad ang story ko besh. Hayup na 'yan!

Nakatingala lang ako at pinagmamasdan siya sa corridor. Hindi ko mapigilang hindi tumingin sa kaniya, eh. Ang gwapo niya. Inamers!  Hanggang sa umalis na siya dun, pumasok na yata siya room nila which is hindi na namin matanaw.

Tumayo ako at nilapitan yung bestfriend ko. "Bes, ipapakita ko sa'yo si James."

"Sinong James?", tanong niya.

"Yung James na hinahanap ko. Yung tinatanong ko kung kilala mo."

"Ahh oo! Yung crush mo? Teka? Nasaan ba?" Lumilingon-lingon pa siya.

"Tara, punta tayong canteen!" Pag-aakay ko sa kaniya.

Sumama naman siya. Malapit kasi sa canteen yung hagdanang ginagamit kadalasan ng mga Jr. High.

"Wait... Maghintay tayo ng mga bababa." Sambit ko sa kaniya habang nakatingin sa hagdanan.

"Iisa-isahin natin?" Tanong niya.

"Kung kinakailangan", buong loob kong sambit sa kaniya.

"Japag may nakita kang singkit, matangos ang ilong, makinis ang mukha at maganda ang jaw line, siya na 'yon." Dagdag ko pa.

The Search is Now OverWhere stories live. Discover now