SWORD

7 1 0

Ako si Mr. Harry Oh.Siya naman si Ms.Michaela Paz.

May lahi akong Chinese. Siya naman, may lahing German.

Secretary ko siya sa kumpaniya namin. I'm the company's President.

Hindi ko alam pero ang init lagi ng ulo ko sa kaniya. Ang lamya niyang kumilos. Hindi siya marunong lambingin ako. Si Daddy kasi ang pumili ng secretary ko. Baka daw kasi magloko lang ako at gawin kong babae ko ang secretary ko. Maigi na daw na siya ang kikilatis sa magiging secretary ko.

And, fuck! Mukang hindi siya nagkamali sa pagpili ng secretary ko.

Nakakadis-appoint lang na sa tuwing pupunta siya sa office ko, lagi nalang siyang nakayuko.

Hindi ito ang ineexpect kong mangyayari. Ang ineexpect ko, ang magiging secretary ko ay yung tipo ng wild na babae.

Yung tipong alam kung paano ako pasasayahin at paaamuhin. Yung babaeng alam punan ang needs ng pagkalalaki ko.

Pero, for Pete's sake. Ibang-iba talaga siya sa inaakala ko. Kabaliktaran siya ng expectation ko.

Gusto ko na siyang sisantehin. Gusto ko na siyang palitan sa pagiging secretary niya. I want someone new. I need someone new.

Pero in the end, lagi akong talo. Hindi ko siya magawang sisantehin. Hindi ko alam kung bakit pero unting-unti akong napapangiti sa mga magagandang ikinikilos niya.

Kung minsan, nagdadala siya ng sinigang na hipon at kaldera na siya namang paborito ko.

Lagi rin siyang nakasuot ng navy blue na damit, favorite color ko 'yon. Minsan pa, nagdala siya ng chess. Mahilig daw akong magchess. Lalo na kapag bored ako noon sabi ni Mommy kaya naman, hinihiram ko 'yon at sabay kaming naglalaro.

Kahit na busy ang sched ko, hindi pa rin kami lumiliban sa paglalaro noon. Narerelax ako kapag naglalaro ako kasama siya.

Everytime naman na halos hindi na ako umuwi dahil sa dami ng ginagawa ko, hindi niya ako iniiwan kahit na sabihin kong umuwi na siya. Binibigyan niya ako ng kape at mga pagkain.

Minsan na ring tinitigan ko siya. Kahit na nakayuko siya, feeling ko kilala ko na siya noon palang. She looks familiar.

I even asked her kung nagkita naba kami noon. Ngumiti lang siya at umiling-iling.

There's something wrong with her. But then, ang cute niya pa ring tingnan. Damn, I think, gusto ko na siya.

Hindi ko pa talaga sure kung gusto ko na siya or naaattract lang ako sa mga bagay na pareho naming gusto.

"Sir, Coffee?" Tanong niya ng may hawak na dalawang tasang kape sa magkabilang kamay niya.

"Sure." Tipid kong sagot saka niya inilapag sa table ko ang isang tasa ng kape.

Inabot na ako ng madaling araw dito sa office ko. Kailangan ko kasing matapos yung report para sa presentation bukas.

Bahagya kong hinilot ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Malamang dahil 'to sobrang pagkakababad ko sa computer.

Bigla na lamang 'tong lumapit sa akin at hinilot ang ulo ko kasama ng mga balikat ko.

"Wait.. Why are y---"

"Sir, let me do this for you."

Hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya. Narerelax ako sa paghilot niya sa balikat ko. Dahil doon, medyo hindi ko na dama yung pagod ko. Natapos ko rin ang ginagawang kong report.

Hindi ko alam pero, hindi ko ramdam ang pagod ko kapag nand'yan siya. Lahat ng ginagawa niya, nakakaturn-on. How am I going to fire this lady if I want her to stay beside me?

SwordWhere stories live. Discover now