Pasensya na (One shot)

16 1 0

Pasensya na.

Pasensya na kung makulit ako. Hindi ko naman talaga sinasad'yang maging makulit. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko sa tuwing na kikita kita.

Pasensya na kung sobrang nakakainis ako. Kahit na alam kong inis na inis ka na sa akin, lapit pa rin ako ng lapit sa'yo. Pero kasi,...gusto kita eh.

Pasensya na kung selos ako ng selos. Haha, nakakatawa lang dahil nagseselos ako gayong WALA namang TAYO.

Pasensya na rin kung mukha na akong baliw sa'yo. Oo, pasensya na. Hindi naman ako baliw sa'yo, eh. Baliw na baliw lang.

Hay, crush! Kelan ka ba magiging akin?

Tssk. Napakaassumera ko naman yata ng taon kung mag-aassume akong may gusto ka rin sa akin, 'no?

Pero malay ko ba?

Tandang-tanda ko pa nung halos isumpa mo ako dahil natalo kita sa jolens, many years ago. Tandang-tanda ko pa nung sinuntok mo ako sa braso ng napakalakas sa 'di ko malamang dahilan.

Hays, ano ba namang memorya 'to?! Napakasama naman yata.

Ay! May naalala pa ako.

Naaalala ko pa pala yung pinahiya mo ako sa mga kaklase natin nung 3rd Year High School tayo. Sinabi mo sa harap ng mga kaklase natin na 'di mo ako gusto.

Sino ba naman kasing nagsabi na gusto kita nung mga panahong 'yon?

Yung letter ba? Jusko, kyah! Hindi ako gumawa nun, ah. Ipinangalan lang yata sa akin. Promise, hindi talaga ako 'yon.

Bakit ba kasi ngayon ko lang napagtantong gusto na pala talaga kita?

Bakit kasi ngayon lang nalaman ng isip ko ang laman ng puso ko?

Bakit kasi kung kelan mahuhuli na ang lahat, saka pa mangyayari 'to?

Pasensya na.

Huy, crush! Balita ko ikakasal ka na, ah! Masaya ako para sa'yo. Ipapanalangin ko nalang na mabaog ka sanang hayop ka! 'Di biro lang.

Ibang klase ka rin 'no? Talagang hindi mo talaga ako gusto. Ginawa ko na ang lahat ng kaya ko para mapansin mo, pero sh*t! Hindi mo pa rin ako napansin.

Sarap mong sakalin! Alam mo ba 'yon? Puro kawalanghiyaan lang ang pabaon mo sa akin. Puro sugat at pighati lang ang dulot mo sa puso kong hayop ka!

Teka nga---- masama bang mag-assume na hindi mo itutuloy ang kasal mo at pupuntahan mo ako dito sa puting tahanan ko at aamin sa akin na gusto mo rin ako?

Malabong mangyari pero pwede na rin. Assume lang naman, eh. Ang hirap nga lang.

Hoy, ikaw! Bantayan mo 'yang magiging asawa mo, ha? Sasampalin kita ng bonggang-bongga kapag sinaktan mo 'yan. Promise, matatakot ka kapag nagawa ko 'yon.

Hoy! Hindi mo na lang ba ako dadalawin dito? Hindi mo ba talaga alam or wala kang pakialam sa akin kaya ayaw mo akong puntahan?

Oy, pasensya na ah. Pasensya na sa lahat-lahat ng kaabnormalang nagawa ko sa buhay mo. Pasensya na sa panggugulo.
----

"Lynds! May bisita ka!" Sambit ni Ate na nakasilip sa pinto.

"Ha? Sino namang bibisita sa akin?" Tanong ko.

"Ikaw lang naman Ate ang meron ako, eh. Tsaka si Anikka na beshy ko." Dagdag ko.

"Lalaki siya. Jet daw ang pangalan."

Gusto kong sampalin at iuntog ang sarili ko sa pader para magising sa isang panaginip.

Ikaw? Gagawin 'yon? Hahaha, 'di ko inexpect.

Hindi ko alam kung bakit pero parang galing ka na sa kasal mo. Hindi mo ba talaga tinuloy ang kasal mo para sa akin?

Wrong move.

Hindi mo na dapat ginawa 'yon. Hindi na. Hindi na dapat.

Huli na ang lahat, Jet. Hindi ka magiging masaya sa akin. Bakit naman kasi ikakasal ka na nga, iniwan mo pa siya.

Ipinagpalit mo lang naman ang pangmatagalang kasiyahan sa wala.

Two weeks nalang ang itatagal ko, Jet. Two weeks.

Akala ko simpleng sakit lang 'to gaya ng sinabi ko sa'yo at sa mga friends kunno ko.

Pasensya na , ha? Hindi ko masabi sa'yo yung totoo.

Pasensya na kung ilang araw o oras nalang, mawawala na ako sa mundo.

Napakamalas ko nga, eh. Bakit kasi ngayon lang nangyayari ang lahat ng  'to kung saka mamamatay na ako? Ang unfair.

Pasensya na.

Pasensya na kung hanggang dito nalang. Hindi ko na makayanan ang sakit, eh. Hindi na rin ako magtatagal.

Basta ang tatandaan mo, mahal na mahal kita. Hindi ko naman akalain na pareho tayo ng nararamdaman. Hindi ko naman akalain na may Jet sa buhay ko na ayaw akong mawala.

Pasensya na.

Mahal na mahal kita. Dadalhin ko 'to hanggang sa kabaong, libingan at langit kung sa langit man ako mapupunta.

Salamat sa lahat. Sa sakit, sa kilig, sa pagmamahal at sa lahat-lahat. Mahal kita. Malaya kang maghanap ng iba, ha?

Mahal, mahal na mahal kita.  Sobrang mahal. Itatago mo 'tong sulat ko ha? 'Wag mong iwawala 'to. Mumultuhin kita kapag winala mo 'to.

Jet, paalam.

Pasensya na.

Hanggang dito nalang.

Basta, MAHAL NA MAHAL KITA.

PAALAM.

----

Jet

"Hannah! Ang mommy mo? Ready na ba?"

"Nagbibihis na po. Daddy? Ano po 'yang hawak mo?"

"Ahh.. wala 'to."

"May nang-away ba sa'yo, Daddy?"

"Wala anak... Bakit naman?"

"Umiiyak ka po kasi, eh."

"W-wala anak. Tears or joy lang 'to. Tears of joy dahil binigyan si Daddy ng happy family."

"Oh, honey? Anong nagyari sa'yo at umiiyak ka?"

"Hannah, anak? Mauna ka na sa sasakyan."

"Opo, Daddy."

"Ang ganda naman ng misis ko."

"Tse! Ilang taon mo na ba akong binobola?"

"Hindi naman kita binobola, eh."

"Bakit ka ba umiiyak kanina? Don't tell me, mamamatay ka na? 'Wag Jet! Hindi ko kakayanin."

"Anong mamamatay ka d'yan? Hindi no."

"Eh bakit nga?"

"Binasa ko ulit yung sulat."

"Anong sulat?"

"Edi ano pa? Edi yung sulat mo."

"Ayy..."

"Akala ko kasi talagang mawawala ka. Salamat kasi lumaban ka kahit imposible ng gumaling ka noon. Salamat kasi mahal mo na pala ako noon palang."

"Pasensya na. Pasensya na kung napahirapan pa yata kita. Yung lecheng sakit kas---"

" Mahal kita. Mahal ko kayo ng anak natin. Salamat dahil nagpakatatag ka. Salamat sa paglaban, Lynds"

"Ikaw ang dahilan ng paglaban ko, Jet. Nabuhayan ang mga dugo ko nung sinabi mong mahal na mahal mo ako at papakasalan mo ako kapag gumaling na ako. Ikaw ang dahilan ng lahat. Salamat, honey!"

"Mahal na mahal kita at ng anak natin."

"Ako din, Jet. Pasensya na. Pasensya na kung mahal na mahal kita, ah. Pasensya na kung mahal ko kayong dalawa ng anak ko. Pasensya na."

The End.






Pasensya naWhere stories live. Discover now