SEARCHING FOR JAMES

0 0 0

Ako si Kate.

Hindi ako madaling mahulog.
Hindi ako madaling magkagusto sa isang tao.
At lalong... hindi ako marunong paganahin ang puso ko.

Pag-ibig?

'Yan yung isang bagay na tinatawan ko lang. Naranasan ko na 'yan sa loob ng pamilya at kaibigan pero.... sa taong tinatangi ko???

Hindi pa.

Eh, wala naman akong tinatangi NOON, eh. Let me repeat..."NOON"

Oo, tama. Noon.

Dati-rati, wala akong amor sa pag-ibig na 'yan. Akala ko nga dati, katangahan lang 'yan, eh. Hanggang sa....

Dumating si JAMES sa buhay ko. I mean, sa mga mata ko.

Hindi ko sure kung James nga talaga ang pangalan niya. Narinig ko lang kasi nung may tumawag sa kaniya nung minsang naglalakad kami sa hallway kasama ng mga kaibigan ko. Papunta sana kami sa Canteen noon.

Noong una ko siyang nakita, tumigil ang mundo ko. Bigla akong napangiti.  At ang mga mata ko, nakatingin lang sa kaniya. At bumilis ang tibok ni hampas-lupang heart ko. Hindi ko na rin nakalimutan ang mukha niya. In fact, hindi siya maalis sa isip ko.

Kung ilalarawan ang mukha niya, kamukha ni Ji Soo na artista sa Korea. Matangos ang ilong niya, matangkad, singkit ang nga mata niya, ang ganda ng labi niya, ang ganda ng jaw line niya at ang katawan niya, hindi payat pero hindi rin mataba. Yung katamtaman lang, yung katawan ng mga karaniwan sa mga sporty guys.

Senior high student ako, Junior high siya. Grade 11 ako at mukhang Grade 10 naman siya. Nasa ibang building ako at kamalas-malasan, napakalayo pa. At ang matindi pa nito, nasa pinakataas ang room nila which is 3rd floor. Ang pinakamasaklap pa nito, bawal magpunta ang mga Senior high school student sa 3rd floor. Sakop kasi ng Junior high school ang buong 3rd floor at lahat ng room sa ibaba noon, room na ng STEM students. Eh, HUMSS ako, malayo talaga.

Ang duga nga lang talaga dahil yung mga Jr. High, nakakarating sa mga buildings, hallways, rooms, and faculties ng mga SHS samantalang kami, hindi namin sila mareach.

Para silang mga artista na protektadong-protektado ni Manong Guard.

The 2nd time I saw him, ganun na ganun pa rin ang naramdaman ko katulad nung una. Ang iba nga lang ngayon, lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. 2months na rin ang lumipas simula nung huli ko siyang nakita. Kung saan ko siya nakita noon, doon ko rin siya nakitang muli papunta rin ako sa canteen noon.

Nakauniform siya, polo, slocks at may jacket. Ang ganda ng jacket niya, Navy blue which is my favorite color.

Napukaw ng atensyon ko ang nakasulat sa likod ng jacket niya.

"*Insert our school name and symbol*   TAEKWONDO"

Goshhh! Varsity ng Taekwondo si James. Ang lakas ng dating niya, putek! 

Mabilis siyang nawala sa paningin ko. Nung maramdaman ko kasing haharap sa parte ng kinaroroonan ko, umiwas na ako ng tingin. Nang muli akong humarap sa kaniya, nakita ko siyang umakyat sa hagdan kasama ng mga kaibigan niya yata.

Para akong baliw noon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala ako sa katinuan para makipag--usap ng matino.

Nung uwian na, tanong ako ng tanong sa mga kaibigan kong STEM kung may kilala silang JAMES na Jr. high. Ang kaso,... wala raw.

Pagkauwi ko naman sa bahay. Agad kong binuksan ang facebook ko at nagsearch ng nagsearch ng James ang pangalan. Kaso, sa sobrang dami ng James ang pangalan, hindi ko rin siya nakita.

Tinry kong tingnan ang friendlist ng kakilala ko na Jr. High sa school namin, baka kasi may naligaw na James na pangalan doon, eh. Hindi ko naman siya matanong dahil hindi na kami close. Peymus ang gaga, eh! Hindi na namamansin. -_-  Wala rin talaga.

Hindi ko pa rin siya nahanap.

Mapapa- "TANGINA" ka nalang talaga dahil hindi mo mahanap ang hinahanap mo. Inamers. Napagod lang ako dun, ah. Haha.

Ang sakit kaya sa part na ni hindi ko alam ang totoong pangalan niya, ang facebook name niya, ang twitter, IG at ang pinakamalupit, dalawang beses ko apalng siya nakikita, pero alam ko na sa sarili kong....

NAHULOG NA AKO SA KANIYA.
MAY GUSTO NA AKO SA KANIYA.
AT GUMAGANA NA ANG PUSO KO DAHIL SA KANIYA.

at ang PAG-IBIG na tinatawanan ko lang noon,...

Puta! Eto na nga yata talaga yun. PAG-IBIG/ PAGMAMAHAL / LOVE .

Eto na nga 'yon. Ang kaso,...ako lang.
Ako lang yung umiibig, nagmamahal at nagla-love. The feeling is not mutual.

Ni hindi niya nga ako kilala, eh. Ni hindi niya nga alam ang pangalan ko at ni hindi niya alam na nag-eexist ako sa mundo, eh.

Saklap nga lang, hulog na ako pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Hays, ang dali kong nahulog sa kaniya. Sobra. Hindi naman ako ganito, eh. Pero ngayon, siya na lang halos iniisip ko.

Hindi naman ako ganun kadesperada para tanungin siya kapag nakita ko ulit siya kung anong pangalan niya. Dalagang Filipina pa rin, ako. Never ko sigurong gagawin na ako ang unang mag-approach sa isang lalaki kahit na sa pagkakataong dumating ang araw na makita ko ulit si James, kahit na siguro gustong-gusto kong 'tong gawin.

Ngayon?

Dalawang Linggo na ang lumipas simula nung huli ko siyang nakita.

Still counting ang peg ko.

Still searching and still waiting the right time to see him again.

Still waiting the right time to tell him,...

"Uy,James! Ako nga pala si Kate! Alam mo, mahal kita! Mahal na mahal. Nabihag mo ang puso ko ng agad-agad. Hindi ko sinasadya pero eto na ako ngayon, natuto ng magmahal at hindi na tinatawanan ang sinasabi nilang PAG-IBIG. Sana pansinin mo ako. Sana magustuhan mo ako. Sana... sana..."

Ang kaso,... ayokong mag-approach. Hindi ako desperada. At ayokong mamulat sa katotohanang, it is just me. Ako lang ang nahulog, nagmahal at masasaktan sa bandang dulo.

But, anyway... Hahanapin pa rin kita.... Hindi ako susuko...

At MAMAHALIN PA RIN KITA, kahit na...
HINDI MO AKO KILALA.


Still searching for you.
And still...SEARCHING FOR JAMES!.

--End--

SEARCHING FOR JAMES (One Shot)Where stories live. Discover now