Chapter 49: Fuschiang Pag-ibig. Track 01

Magsimula sa umpisa
                                    

Agad namang napatingin si Lean kay Barbs.. at dun lang nya napansin si Vivien. He was shocked to see her again. Yung last time kasi.. ang cold ng approach nito sa kanya.

"Hoy ka rin!" kunwari di sya naiilang na lumapit sa mga estudyante. "Bakit ka absent kahapon?! First time yun ah!"

"Katamad pumasok sa klase mo! Boring!!"

Lumipat naman ang atensyon ni Lean kay Vivien, na may binabasang notes. "Naks, nakabalik na pala si Ms. Italy! Pasalubong ko?" he tried his best to be jolly.. baka kasi sya lang ang nagbigay ng meaning dun sa approach sa kanya ng estudyante last time.

Tinignan sya nito at.. yun na naman. Ngumiti sa kanya si Vivien pero kagaya ito nung ngiti sa kanya last time, ni hindi umabot sa mga mata nya.

"Eto Sir," inabot nya ang isang keychain na hugis-bota, ka-hugis ng Italy. "Cute naman yan ah! Wag na magreklamo!"

"Hindi naman ako nagrereklamo!" iniwasan nyang dumaplis sa balat nya ang mga daliri ni Vivien. For some unknown reason he got scared. Hindi dahil sa alam nyang may mali, kundi alam nyang sya ang may kasalanan sa maling yon. "Thank you for this, Vivien. Gagamitin ko 'to."

Vivien remained unfazed. "Okay lang po kahit hindi. Maliit lang naman yan eh."

Mas natakot tuloy sya. Hindi ba maramdaman nina Barbs na may nagbago kay Vivien? O sya lang talaga ang nag-iisip nun?

Nalipat ang atensyon nilang lahat kay Chester, na mukhang distracted.

"Hey, okay ka lang?" tanong ni Janine. Hinawakan nya si Chester nang mahigpit sa kamay.

"Yeah. Yung sa IP lang namin," pero hindi talaga sya mapakali.

Minutes later nawala ang awkwardness sa table na yun, thanks sa korning joke na binitawan ni Lean. May ilan sa kanila na nakakaramdam ng kung ano, pero they opted not to point it out. Pampasira lang kasi ng mood.

-

ROCKY'S POV

Medyo okay na ko ngayon. Well.. narealize ko na para akong engot sa asta kong 'to. Kaso kasi.. nakakainis talaga. Lalo na pag nakikita ko si Wes. Gustung-gusto ko syang sapakin.

18 days na since that happened. I'm still mad at him for what he did. Sino bang matutuwa don, diba? Sino ba sya para ipusta ako? Boyfriend ko ba sya? Tss. Tapos.. sasabihin nyang may gusto sya sakin. Are you fcking kidding me?

"Psst."

Si Barbs yon, magkasama kami ngayon dito sa Computer Room. May pinapakuha kasi si Sir samin na booklets.

"Bakit?"

"Kinausap mo na ba si Wes?"

Not again. Eto talagang si Barbs walang magawa sa buhay! Kahit medyo tahimik sya ngayon, nagawa pa nyang tanungin ako.

"Ganun pa rin. Teka, tapos mo na ba yung essay mo?"

She shrugged. "Don't change the topic."

"Sinagot ko naman yang tanong mo. Walang pinagbago."

"Psh arte! Next week na rin ang oral defense nyo oy! Di pa rin kayo nag-uusap!"

Sht. Oral defense nga pala.

I totally forgot about that. Well more of binaon ko sa limot. Ayoko talaga isipin yon, kasi that means more interaction with that @ss. "Alam ko. Now if you'll excuse me.. gagawa pa ako ng essay."

Tinignan nya ulit ako ng masama, tapos iniwan na rin ako. Haaayy.. kelan ba matatapos to?

-

Bakit ganun? Minsan nang-iinis ata ang tadhana, kung ano pa yung ayaw natin, yun pa ang inilalapit. Badtrip talaga.

If I Fall (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon