Chapter 49: Fuschiang Pag-ibig. Track 01

86K 1.5K 354

Chapter 49: Fuschiang Pag-ibig, Track 1

Kung fan ka ng Silent Sanctuary at meron kang album nila.. alam nyo kung anong first track don. Medyo relate lang ang meaning ng kantang yon sa chapter na 'to XD

As always, comment and vote pag nagustuhan XD

--

NEXT DAY

Nakareceive sina Barbs ng text galing kay Vivien the other night. Nakabalik na raw sila ng Pinas at papasok kaagad bukas.

Naexcite naman silang tatlo kahit papano. Actually naiinggit sila kay Vivien kasi hindi nito dinanas ang sh*tty feeling na dulot ng mga nangyari nung sembreak. Kung alam lang nila ang nangyari kay Vivien nung Halloween Ball.. kaso hindi.

"Oh my God Viv you look so pretty!!" masiglang greeting ni Janine sa kaibigan nang pumasok ito sa classroom. All smiles si Vivien.

Lumapit naman sina Barbs at Rocky sa pwesto ni Vivien. "Hoy teh!" masaya na rin si Rocky. "Kamusta Italy? Masaya ba?"

"'Twas fun! Sana kasama ko kayo dun! Mag-eenjoy kayong kumain, lalo na si Barbs!"

"Sige mang-inggit ka pa!! Okay lang.. basta may sasayad sa palad ko na pasalubong. Hehehe.."

"Mamayang lunchbreak na lang yung pasalubong nyo, nilagay ko kasi sa locker."

"E di napanis yon!!!" react ni Barbs.

"Chill lang, B! Basta mamaya!" she flashed a smile.

"Hey, may nagawa ka na bang essay?" tanong ni Rocky. "Mamaya na yung deadline!"

"O talaga? Teka.. may nagawa ata ako.." hinanap nya ang notebook nya sa bag. "Meron na! Irerewrite ko na lang ulit."

Magsasalita pa sana si Rocky nang makita nyang papasok na sa classroom si Wes. "Ooops. Gotta go. May masamang hangin na paparating," at nagmamadali syang bumalik sa desk nya.

Wes sighed, dadramahan na naman sya ni Rocky. Imbis na magreact dun, nilapitan na lang nya sina Vivien at nangamusta. Mukhang okay naman ang trato sa kanya ng SASSA, hindi naman sila hostile towards him, except kay Barbs na hindi nya mapoint out kung anong reaction tungkol sa kanya. Since the Halloween Ball parang devoid si Barbs sa kung anong emosyon. Ewan nya.

Simula pa lang yan ng araw. The rest.. bahala na.

--

LUNCHBREAK

As promised, binigay na nga ni Vivien ang mga pasalubong nya sa barkada. Tuwang-tuwa sila sa mga nakuha, generous kasi si Vivien.

"Teka, nasan si Chester?" tanong nya kina Barbs. Sya na lang kasi ang hindi nabibigyan ng pasalubong.

"Kausap ata si Ms. Medina," supplied Barbs. "About sa IP namin."

November na kasi, at eto na ang panahon ng oral defense ng mga investigatory project nila. Nang mag-sink in yon kay Rocky.. "Sht. IP. I almost forgot." Ka-group nga pala nya si Wes.

"Kelan kayo nakaschedule?"

"Kami nina Cyrus next week," walang kamalay-malay si Vivien na nainis si Barbs.

Nagkwentuhan pa sila about sa Italy experience ni Vivien nang sumigaw bigla si Barbs...

"Hoy Lean!"

If I FallRead this story for FREE!