@Thirty (Part 3 Finale 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

" Na ang selfish mo! "

" What? ako pa talaga? "

" Yes ikaw at wala ng iba! "

" bakit naman? " napaupo na si May sa tapat nito.

" Kasi isang beses lang nagkamali sayo si Ed kinalimutan mo na ang lahat ng pinagsamahan nyo. Including your friendship!"

"Mac he betray me at sinabihan ko siya na kung hindi maiiwasan matukso. Matukso na siya sa iba huwag lang sa babaeng delulu na iyon! He broke his promise.. my trust!"

"Yun lang May ang babaw!" napailing na lang si Mac.

"Ano mababaw doon? Hindi aKo kagaya ni Elisse na kahit ilang beses kang nagkamali willing siyang patawarin ka pa rin!"

"Okay fine, yung sa amin ni Elisse guilty ako doon but im willing to change at yung pagkakataon na yun hindi pinagkait sa akin ni Elisse because she loves me!"

"So ibig bang sabihin nun hindi ko Mahal si Ed? Ganun ba yun?"

Napangiti si Mac dahil sa bibig ni May mismo lumabas ang pangalan ni Ed.

"No May, I know you love him. Kasi sa dami nang naging Ex mo siya pa rin ang bukang bibig mo. Kung baga sa lahat siya lang great love. Ang problema mo takot ka!"

"Takot ako saan?" nagtataka tanong ni May.

"Takot kang patawarin siya tapos maulit uli!"

"That's exactly my point once a cheater always a cheater!"

"May mali, natatakot ka kasi baka magaya ka lang sa mama mo na ilang beses sinaktan ng biological father mo!"

"Paano mo nalaman yan!?" nagulat siya sa sinabi ni Mac.

"Sorry hindi ko gusto manghimasok pero kasi si Elisse so worry about you. She doesn't want to settle down until your not okay. Ayaw ka niyang iwanan at damhin ang pagpasok mo sa pagiging matandang dalaga. She wanted you to realize first na masayang magmahal at hindi puro sakit. But the problem is pati relasyon namin apektado na. Hindi kita sinisisi May kasi maski man ako I want you to be happy na rin kagaya namin. Pero hindi manyayari yun kung ikaw mismo ang pumipigil sa kasiyahan mo! " mahabang paliwanag ni Mac.

" Gaga talaga si Elisse nagpropose ka na hindi siya umoo. Samantalang ang tagal na niyang hinahantay yun! "

" Mahal ka ng kaibigan mo, kaya dapat mahalin mo rin ang sarili mo. Hindi lahat ng lalaki kagaya ng papa mo. Iba si Ed hanggang langit ang pagmamahal nun sayo at alam mong hindi niya kasalanan yung nakita mo. Aware ka na may gusto si Hershey sa kanya at balak niya talagang agawin ito sayo. Wala lang nagawa si Ed noon dahil nilagyan Hershey ng drug ang inumin niya. Ginamit mo lang excuse yun nakita mo para hindi ka masaktan pero ang ending mas nasasaktan ka... Kayong dalawa ni Ed!"

Doon tuluyang tumulo ang luha ni May na agad naman pinunasan niya. Nahihiya siya kay Mac at naiinis siya sa sarili na ngayon niya lang napagtanto ang mga bagay bagay.

" Proven na talaga May na ang lahat ng matalino sa academic ay bobo pagdating sa pag-ibig. At ikaw buhay na buhay na patunay nun!"  inasar pa siya ng utak niya.

Biglang tumunog ang ang doorbell nagkatinginan sila ni Mac.

"May ini-expect ka pang bisita ng ganitong oras?"

"Wala na, kahit nga ikaw hindi ko ini-expect na darating ka!"

"Baka si Elisse na yan!"

"I don't think so, never yun nagdoorbell, mang wasak pa ng pinto pwede pa!" sagot ni May habag nakatingin sa pintuan.

MayWard Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon