1

18.3K 224 21
                                                  


Birthday Blues

The moment I opened my eyes from sleep, nadama ko agad ang pamilyar na sakit ng ulo na nararamdaman ko lang tuwing birthday ko.

Hay, birthday ko na naman. Parang kailan lang, kasasakit lang ng ulo ko at heto na naman.

Tinatamad na isinandal ko ang aking likod sa headboard ng kama ko. I hugged my huge cuddly buddy Kero, as in Kero keroppi. Then I sighed with a heavy heart.

Birthday Blues Syndrome. That was what I called my annual terminal disease. I wondered when I would be healed from it. Actually, hindi lang birthday blues ang mayroon ako. I also had Christmas Blues, New Year Blues, and most of all, Valentine's Day Blues.

"Hija," nakangiting bungad ni Mommy sa pinto ng kuwarto ko.

I sighed again. Here we go. The usual stinking scenario on my every birthday.

Lumapit siya sa akin at may ibinigay na maliit na velvety box. "Happy birthday, baby." She gave me that familiar birthday kiss and hug.

"Thanks, Mom," nakangiting sabi ko.

"Ano'ng plano mo sa araw na ito?" tanong niya nang pakawalan ako.

"The usual?" I answered.

Napatda siya. "Ibig sabihin, wala ka na namang date?"

I pouted. Did she really have to point it out and rub it in?

"My God, Kat! You're already—"

"Sshh," dagling putol ko sa sasabihin niya. I hated hearing my age.

"Baby, have you ever heard of the word 'boyfriend'?"

"Mom, have those boyfriends ever heard of 'ME'?" pabirong sab i ko.

Bumadha sa mukha niya ang simpatya. It was that facial countenance I hated the most. Kapagkuwan ay niyakap uli niya ako. "Oh, baby, I'm sorry."

I winced. "Mom, I'm okay."

Pinakawalan niya ako. "Hindi talaga ako makapaniwalang hanggang ngayon ay hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Ang ganda-ganda mo, anak. Look at you, you have a pretty face, nice skin, slender body, and great hair. Ano pa ang hahanapin ng mga lalaki? Nakapagtataka talaga," wika niya. Masuyong hinaplos niya ang aking mukha.

I looked at her incredulously. "Do you honestly don't know, Mom? Hindi mo ako pinayagang mag-boyfriend habang nag-aaral ako. Sobrang higpit mo noon."

Really, my mother seemed to have a split personality. Minsan, malatigre siya sa kahigpitan at kasungitan. Minsan naman, sobrang bait at lambing.

"Na tama lang naman dahil pag-aaral muna dapat ang inuuna bago ang pakikipagnobyo," nakataas ang isang kilay na wika niya. Mukhang patungo na naman siya sa other half ng kanyang pagkatao.

"Kaya nang maka-graduate na ako, wala nang natirang guys sa akin. Taken na silang lahat," maktol ko.

"You are exaggerating things, Katharina. At ako pa ang sinisi mo samantalang ikaw itong napaka-mapili. Natatandaan mo pa ba na inayawan mo ang lahat ng mga inireto ko sa iyo?"

Hayan na. She was calling me by my whole name. She was halfway her tiger self.

"Mommy, alam mo namang ayoko ng inirereto. Napaka-lousy naman ng love story na nagsimula sa pagrereto. When I meet someone special, I want it to be totally unplanned, an accidental meeting." Biglang nag-pop up sa isip ko ang mga paborito kong romantic flicks at romance novels.

A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon