Ngayon ay nasa kusina sila ng mga Scott, tahimik na nakaupo at humihigop ng mainit na tsaang ipinahanda ni Margaret sa kanilang kasambahay. Nakaupo si Aaron sa kabisera ng lamesa habang nakatayo si Margaret sa tabi nito. Si Luis at ang ina at magkatabi sa kaliwang bahagi ni Aaron. Si Erica na kalong si Viper ay katabi naman ni Virgil. Sa kanang bahagi ni Aaron ay si Quinn, Siege, Ella at Dean.

"So, apo ba namin itong batang ito?" Si Aaron na ang bumasag na katahimikan. Sabay na napatingin ang mag-inang Bergante kay Aaron.

"Apo? Paano n'yong naging apo ang apo ko?" Tanong ni Imee. "Ang alam ko ay ulila ng lubos si Crystal. Di ba, nak?" Paghingi ng kompirmasyon nito kay Luis. Titig na titig si Luis kay Quinn.

Hindi niya maalis ang tingin sa asawang matagal nang hindi nakasama. Ang asawang umiwan sa kanya. Napayuko si Quinn, para siyang napapaso sa mga titig nito. Hindi niya matiis na titigan ang mga mata ni Luis. Hindi niya kayang titigan ang lungkot at sakit na nakikita dito. Lungkot at sakit na siya ang may gawa.

"I'm sorry po, Tita." Si Virgil. "Ako na po ang magpapakilala sa inyo. Siya si Pherimae Quinn Alvaro Scott na kilala n'yo bilang Crystal Camino, ang nag-iisang Prinsesa ng Scottsdale Empire. Siya yung nawawalang anak ng mga Scott na nilalait-lait ni Mr. Go. " Pagtatapos ng pagpapakilala niya kay Quinn sa mga-ina. Tiim bagang si Luis.

Parang isang bombang sumabog ang bagong kaalaman sa mukha niya. Nanliit siya. Tumayo si Luis at binuhat ang anak at hinalikan ito sa noo at mahigpit na inakap.

"Just remember son, Tatay loves you." Inakap niya ito ng mahigpit, ibinalik ang bata kay Erica at lumakad palabas ng kusina. Nataranta si Quinn. Ganun din ang ibang kasama nila. Mabilis na tinawag ni Imee ang anak.

"Luis! Luis, anak! Bumalik ka dito!" Tawag ng ina sa kanya. Kumaway lang siya habang patuloy ang paglalakad palabas hanggang sa hindi na nila ito nakita nang lumiko ito papunta sa malawak na sala ng mga Scott. Hinabol siya ni Virgil.

"Bro! Luis! Ano ba?!" Nakasigaw man pero alam mong hindi ito galit. "Saan ka pupunta? Chance mo itong makasama uli ang asawa mo ngayon ka pa ba aalis? Akala ko ba mahal mo? Bakit mo tatalikuran?" Sunod-sunod nitong mga tanong sa kanya.

"Okay na yun, Bro. I know she'll be okay. Ibinalik ko na ang kinuha ng walanghiya kong stepfather. Patay na rin siya. Magiging maaayos na si Crystal... or Pheri whatever her name is. Makakaya na niya ang sarili niya." Tinapik tapik ni Luis ang balikat ni Virgil.

"Ano to, Bro? Gaguhan lang? Ilang taon kang mukhang tangang hanap ng hanap sa kanya tapos ngayong nasa harapan mo na siya tsaka ka aatras? Ang gago mo kamo, Bro." Inis na sinuklay ni Virgil ng kamay ang buhok niya. Gusto niyang suntukin ang katangahang umiiral sa kaibigan ngayon. "Bumalik ka nga doon? Ayusin mo at buuin mo ang pamilya mo. Sa palagay mo ba tama itong ginagawa mo?" Muling hirit niya ng mga tanong dito.

"Naku, ayos lang, Bro. Hindi na niya ako kailangan. Nandiyan na pala ang tunay niyang mga magulang tapos napakayaman pa pala niya, hindi na niya ako kailangan." Isang malakas na suntok ang binitawan ni Virgil na tumama sa pangahan ni Luis.

"Ay! Kuya Virgil!" Sigaw ni Brielle na sumunod pala sa kanila. "Siege! Siege! Dean! Tulong! Bilis!" Natarantang hingi niya ng tulong sa asawa ay kaibigan nito. Mabilis na dumalo si Siege at Dean, halos magkasabay pang dumating ang dalawa. Napatda pa silang pareho.

"Baki.... Anong nangyari?" Nakita ni Siege na nakatayo si Virgil sa harap ni Luis habang ang huli ay nakaupo sa sahig sapo-sapo ang panga nito.

"What happen?" Tanong ni Dean.

"Bayaw, bakit?" Si Siege.

"Gago eh! Nahawaan na yata ni Go sa pagiging gago." Singhal nito. Ipanapagpag nito ang kamay na ginamit sa pagsuntok kay Luis.

Since You've Been GoneOù les histoires vivent. Découvrez maintenant