P R O LO G U E

Magsimula sa umpisa
                                    

"AHHH!" Napatili ako nang gumalaw 'yung cabin. Akala ko malalaglag na ako pero noong matanto kong bumababa na pala 'yung buong wheel, napa-sign of the cross ako nang wala sa oras.

"Lord! Amen! Amen!" Kamuntikan na akong mag-devotion dahil sa labis na kasayahang nararamdaman ko at noong natapos na nga ako sa pagpapasalamat sa itaas ay bigla akong nakaramdam ng matinding kalungkutan at pagkalito.

Napatingin ako sa may window at nakikita ko pa rin iyung syudad. Bakit parang may mali?

Hindi ko alam kung ano ang mali sa mga nakikita ko dahil hindi pa rin naman ako tuluyang nakakababa.

Nasa kalagitnaan pa lang sa pagbaba ang cabin pero kahit na ganoon, nakakaramdam pa rin ako ng biglat sa loob ng puso ko.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero baka nga dahil ito sa mga bagay na hindi ko na kayang maalala. Kagaya ng kung sino ba ako.

Ganito pala ang pakiramdam nang mawalan ng memorya.

May gusto kang matandaan na mga bagay pero hindi mo magawa.

May gusto kang bigkasin ng mga salita pero hindi gumagalaw ang iyong bibig at dila.

Parang may void sa loob mo. Parang may black hole na kapag nag-dive ka roon ay hindi mo mare-reach 'yung ground. Mahuhulog ka lang ng walang hanggan.

Sa tansya ko, nasa eight o'clock pa rin ng umaga ngayon.

At siguro, buong magdamag akong naroon sa itaas.

Pero bakit?

At paanong nangyari 'yun?

Tinignan ko ang sarili ko.

Nakasuot ako ng kulay pink na cocktail dress.

Naka-Roxka heels din ako pero wala akong dala na kahit ano.

Wala akong kuwintas pero may dalawang earings ako.

Hindi ako gaanong katanggkarang babae at maikli din ang buhok ko. Hanggang leeg lang.

Sa tingin ko, payat naman ako at medyo morena rin ako.

Jusko! Sino ba kasi ako?

"Oh!" Nagulat ako ng kaonti nang magbugkas na 'yung pinto ng cabin. Nasa ibaba na pala ako.

Bago ko tinangkang lumabas, sumilip-silip muna ako sa bawat gilid.

Baka kasi may lumabas na mga goons at dakpin pa ako. Mahirap na!

Mukhang nasa loob ako ng isang theme park. At ang nakapagtataka lang ay iyung buong lugar, walang tao!

Nagtataka ako kasi kung walang tao rito, sino ang nagbaba ng ferris wheel?

At teka lang! Ba't ako lang yata mag-isa ang bumaba! Ang buong akala ko pa naman, marami kaming na-trap doon sa itaas!

Jusko, ang creepy talaga ng mga nangyayari!

At first, nawala 'yung alaala ko at ngayon, walang tao rito sa ginagalawang paligid ko!

Inuna kong ilabas 'yung kanang paa ko. Nag-tiptoe ako nang tatlong beses habang nakapikit pero bigla rin naman akong natigilan nang may bigla akong narinig!

"Huy ano ba! Umaalis ka nga diyan! P*ta, sagabal ka eh!" Napadilat ako nang mata habang nakayuko.

Nanginig ako nang makita ko 'yung tinatapakan ko!

Nakatapak ako sa puting linya ng isang pedestrian lane!

Takte! Paanong!

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko 'yung napakalaking ferris wheel na nilabasan ko kanina!

At gulantang na gulantang ako kasi 'yung ferris wheel na nasa loob lang kanina ng isang theme park, ngayon ay nasa gitna na ng kalsada!!!

Bigla akong napalingon sa palid. Natataranta na ako! Dahil nawala na 'yung presence of mind ko dahil sa mga kaganapang nangyayari sa paligid ko, hindi ko na namalayan na tumawid na pala ang napakaraming tao papunta sa direksyon ko.

Sa dami nila, nahila nila ako papunta sa kabilang sideline!

"Waaaaa!" Bigla akong napasigaw nang makita ko ang mga pagmumukha nila. Hindi naman sa mukha silang mga goons pero lahat kasi ng taong dumaan sa pedestrian lane ay may suot na puting maskara! Maskara na walang butas sa ilong, bibig at mata. Plane na lang na maskara!!!

At hindi lang 'yun basta-basta puting mga maskara kasi parang digital 'yun! Noong hindi pa ako sumisigaw, elipsis pa lang ang naka-display sa mga maskara nila. Tatlong tuldok! Pero noong nakita nila ako, nagbago 'yung naka-display roon sa mga maskara nila. May iba na tuldok lang ang naka-display at may iba naman na question marks!

May bata, may matanda, may lalaki, may babae! Pero hindi kita ang mga mukha nila kasi may takip na digital na maskra!

Mabilis akong tumayo at tumakbo.

Takbo lang ako ng takbo palayo sa kanila.

Wala na akong pakialam kung madapa man ako!

Basta makalayo ako sa kanila!

My God! Naiiyak na ako!

Lumingon ako pabalik at nakita kong nakatingin lang 'yung mga taong naka-maskara sa akin.

'Yung ferris weel ay ay naroon pa rin sa gitna ng daan.

Sa bawat gilid ko naman ay nakatirik ang mga nagtatayugang buildings na gawa salamin ang labas. May dumadaan ding mga sasakyan sa highway na nasa kanan ko lang at mas lalo akong nagulantang kasi kagaya ng mga taong nakita ko kanina ay may suot ding puting maskara ang mga nakasakay sa loob.

Ano ba kasing nangyayari?

Ano ba!!!

Sino ba ako?

Saan na ba ako?

Anong klaseng lugar 'to?

Hinihingal na ako at naiiyak na rin. Pinigilan ko ang sarili kong huwag manghina pero unti-unti pa ring bumagal ang pagtakbo ko nang may napansin ako sa peripheral vision ko.

Nakita ko sa mga salamin ng buildings ang reflection ko!

At katulad ng mga taong nakita ko kanina ay may suot na rin akong puting maskara.

Sa mga unang segundo, wala pa akong nakita sa mask ko pero noong sumigaw na ako ay napuno ang display ng sandamukal na punctuation marks!

Tang*naaaaaa!

* * *

MEMORIE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon