Chapter 20

3.2K 50 0
                                    

"SO, JEREMIEL..." Umupo si Cassiel sa tapat ng kinauupuan ni Ariel. Katabi naman nito sa upuan si Jeremiel, ang isa pang anghel na bumaba rin sa mundo ng mga tao.

"Welcome sa mundo." Nginitian niya si Jeremiel na panay ang libot ng tingin sa paligid.

"Cassiel, mukhang namamangha pa rin siya," malakas lang sa bulong na saad ni Ariel.

"Ganyan din ang hitsura mo noon," sagot niya. "Ang ipinagkaiba n'yo lang, siya tahimik. Ikaw mainit ang ulo."

Napailing naman si Ariel. "Kung ikaw ang nasa kalagayan ko noon, na hindi malaman ang nangyayari sa sarili, baka maintindihan mo kung bakit ako galit noon."

Bahagya siyang natawa. "Si Jeremiel nga, nabasa sa ulan. Mukha tuloy basang-sisiw. Jeremiel, ayos ka na ba? Wala bang masakit sa 'yo? O kakaibang pakiramdam?"

"Nanginginig ako," nangangatal na saad ni Jeremiel. "Hindi ko alam kung bakit."

"Giniginaw ka kasi malamig," marahang paliwanag ni Cassiel. "Ariel, patayin mo na iyong aircon. we don't need it. Tutal naman ay malamig na."

Tumalima naman si Ariel.

Ibinalik niya ang tingin kay Jeremiel. "Congratulations on your arrival at good luck sa trabaho mo."

"Salamat," nakangiting sagot ni Jeremiel.

"And what will you be?" tanong naman ni Ariel nang makabalik na ito.

"A music teacher. And you?" balik-tanong ni Jeremiel.

"Mamumundok." Bahagyang napangiti si Ariel na ikinatawa naman ni Cassiel. "Tumatawa ka diyan."

"Bumabanat ka na rin kasi." Pigil pa rin niya ang pagtawa.

"I have to," depensa kaagad ni Ariel. "Kung hindi ko gagawin' yon, mahahalata ako. We have to blend in. Kaya ikaw, act like a normal person should dahil kung hindi..." Umiling na lang ito.

"Huwag mong takutin si Jeremiel," saway ni Cassiel.

"Sinasabi ko lang," ani Ariel na nagkibit-balikat at naupo na sa kinauupuan nito kanina. "Mabalik tayo sa 'yo, Cassiel, bago pa man dumating si Jeremiel ay may pinag-uusapan na tayo. At ikaw, Jeremiel... makinig kang mabuti at huwag kang tutulad dito kay Cassiel."

"Ariel," saway uli niya sa kapwa anghel.

"You were saying that you kissed a woman," patuloy ni Ariel.

Mabilis na napabaling si Jeremiel kay Cassiel.

Napangiti naman siya. "Yes, I kissed her," pag-amin niya. "Because I love her." Katahimikan ang naisagot nina Ariel at Jeremiel doon. Kaya nagpatuloy siya. "Pinilit kong pigilan. I wished for the Keeper to erase her memories pero habang ginagawa ko iyon, dumating si Emie para hawakan ang pakpak ko at sabihin na mahal niya ako."

"So, it's real?" tanong ni Jeremiel. "When your lady love sees your wings it means that you both love each other."

"Yes," simpleng saad ni Cassiel. "Hindi rin kasi kayang burahin ng Keeper ang memorya ni Emie kaya naisip kong tama nga ang nararamdaman ko at totoo ang nararamdaman niya para sa akin."

Isa iyon sa mga hindi puwedeng gawin ng mga Keeper—ang burahin ang memorya ng mga lady love ng mga anghel. Ang mga lady love naman ang tanging may kakayahang makakita sa tunay na anyo ng mga anghel.

"Isn't it wonderful?" tanong ni Jeremiel. "At least you know that she loves you and you love her back. Isn't love a wonderful feeling?"

Napangiti na lang si Cassiel habang si Ariel naman ay napailing pero makikita ang ngiti sa mga labi. Totoo naman kasi ang sinabi ni Jeremiel. Walang makakatalo sa pakiramdam ng pag-ibig dahil kahit silang mga anghel na walang ibang alam na pakiramdam o pisikal na damdamin ng mga tao ay nakakaramdam ng pag-ibig. Iyon nga lang ay limitado ang pag-ibig ng mga anghel sa pag-ibig ng isang kapatid, magulang, at anak.

Ngunit ang nararamdaman ni Cassiel kay Emie ay bago sa kanya. Iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng higit pa sa dapat niyang maramdaman para sa isang kapwa. Pinilit niyang iwasan iyon dahil mali, dahil dapat ay pantay-pantay lang ang pagmamahal na ibibigay niya sa bawat tao. Marahil iyon ang kasabihan ng mga tao na, 'tao lang ako, nagkakamali rin.'

"Ano na ang balak mong gawin?" basag ni Ariel sa katahimikang naghari sa kanila.

"Honestly, hindi ko alam." Napayuko na lang siya.

"Bakit hindi mo alam?"

"Hindi ko naman kasi pinlano na maramdaman ito. Alam mo naman ang plano ko, 'di ba?" Sumulyap siya kay Ariel.

"Kaya nga tinatanong kita," balik-tanong nito. "Masusunod mo pa ba 'yang plano mo? Dahil kung oo, nasabi mo na ba sa babae na aalis ka din balang-araw? Na aalis ka din kapag natapos mo na ang gagawin mo dito?"

Umiling na lang si Cassiel at napapikit. "Hindi ko kaya kasi alam ko na masasaktan na naman siya. Katatapos ko lang ayusin ang buhay niya, sisirain ko din pala."

Muli silang natahimik.

Mayamaya ay tumayo na si Ariel. "Cassiel, mas maganda siguro kung sasabihin mo na sa kanya bago pa mas lumalim 'yan. Bago ka pa makasakit ng iba." Lumakad na ito papalapit sa duffel bag.

"Saan ka pupunta?" nagulat na saad niya.

"Sa trabaho ko. Parang nasabi ko na sa 'yo 'to noong isang araw pa."

Tumango na lang siya. "Ingat ka at magawa mo sana ang trabaho mo nang ligtas."

"Salamat." At tuluyan nang nagpaalam sa kanila si Ariel.

Naiwan namang nagkatinginan sina Cassiel at Jeremiel.

Binasag lang ni Jeremiel ang katahimikan sa simple ngunit mahirap sagutin na tanong: "Ano ang pakiramdam nang sinasabi mong 'pag-ibig'?"

Ngumiti siya at tinapik sa balikat si Jeremiel."Masaya. Masarap sa pakiramdam. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon."�3RK|� 

Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon