♥♥Fifteen♥♥

"Tayo na kaya pwede ba Rye? Wag ka ng nagbibigay nitong mga chocolates at flowers." Binalik niya sakin ang toblerone at three red roses. Mukhang hindi nanaman niya nagustuhan ang bigay ko sakanya.

"Sayo na yan. Wag mo ng ibalik oh." Pakiusap ko sakanya.

"Ang panget tignan, Rye. Na ikaw ang nagbibigay ng mga ganitong bagay sakin."

"Eh ano? Ikaw magbibigay ng ganito sakin? kelan pa yun? Alam ko namang hindi mangyayari yun." Napatapik naman siya sa noo nya.

Tama naman ako diba? Hinding hindi mangyayari yun, sa panaginip ko, pwede pa yun mangyari. Pero sa reality.. never.

"Aish. Bahala ka na nga dyan." Naiiling na sabi niya at saka siya umalis. Iniwan niya ako.

Napangiti nalang ako. Sa pag ngiti ko, kasabay yun ng pagpatak ng luha ko.

Dalawang linggo ng nakakalipas ng naging kami pero ganyan pa din siya.

Napakacold... alam ko namang ayaw niya sa relasyon namin, pero ang sakit lang kasing tanggapin.

Napabuntong hininga nalang ako at pinulot ang bulaklak at chocolate na tinapon niya kanina bago siya umalis.

Hinding-hindi nga yata niya ako kayang mahalin higit sa kaibigan.

Pinunasan ko ang luha ko at saka umalis na din.

-

Napapikit ako ng sumalubong sakin ang napakasarap na preskong simoy ng hangin. Kasabay ng hangin ay nililipad nito ang buhok ko.

Naglalakad ako papauwi.

Ayoko kasing makita ako ni Lee.. sabi kasi ni Gigi, nakita daw niya si Vanessa at Lee kanina sa cofde shop. Siguro ay nagdedate.

Ayoko namang sirain ang makakapagpasaya sa mahal ko.

Ayokong maawa siya sakin at piliin nalang na maging miserable sakin dahil naaawa siya sakin.

"Need a ride?" Halos mapatalon naman ako sa gulat ng may magsalita sa gilid ko.

Si Bobby.

Di nalang ako nagsalita at saka sumakay nalang sa kotse niya.

"Himala yata hindi ka kasabay ni Evan?" Ang daldal talaga ng lalaking ito. Ayoko na ngang pag-usapan ito eh.

Huminga ako ng malalim.

"Kasama niya si.. V-vanessa."

"Oh.. is that so?" Tumango ako sakanya. "Balita ko, kayo na?" Tumingin siya sakin at saka binalik din agad ang tingin niya sa daan.

"O-oo.."

"Eh bakit pumayag ka na mag-kasama sila ni Vanessa? Hindi ka ba nagseselos?" Pumikit ako ng mariin.

Kaya ayokong sumasabay sa lalaking ito eh. Sobrang daldal. Napakamalisyoso pa.

"N-nagseselos syempre.."

"Oh yun pala eh. Bakit mo sila hinyaaan? Alam mo namang mahal na mahal pa ni Evan si Vanes--"

"STOP THE CAR!" Putek. Hindi ko na makayanan si Bobby.

"Huh? Tammara--"

"I SAID, STOP THE CAR!"

"Okay okay.. sheez." Agad naman niyang inihinto ang kotse.

Inalis ko na ang seatbelt ko.

Akmang aalis na ako ng hinawakan ni Bobby ang braso ko.

"GET OFF ME!" Sigaw ko.

I LOVE YOUBasahin ang storyang ito ng LIBRE!