♥♥Fourteen♥♥

Rye's POV:

"Mukha kang zombie!!!" Umirap ako kay Shasha saka umupo nalang sa upuan ko.

"Hahahaha! Grabe. Di ka ba natulog ng isang taon?" Isa pa itong si Gigi.

"Tss.. wala kayong pakealam." Walang gana kong sabi at saka tumungo nalang.

"Wow! Ang taray ni atih! Hahaha" nailing nalang ako sa kanila.

Napuyat ako. Obvious ba? Tss..

Dahil yun sa paghihintay kay Lee. Putek na yan, pero walang lee na nagpakita kanina, wala yata akong tulog dahil sakanya eh.

At saka. Naglakad ako papasok, mula sa bahay nila Lee (dahil dun nga ako natulog) hanggang dito sa school. Buti nga at meron akong uniform sa bahay nila Lee eh, kundi mas lalo lang akong mahihirapan.

"San pala si Evan? Bakit hindi ka niya hinatid?" Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Venice.

"Hindi siya pumasok..." mahinang sabi ko.

"Huh? Why?"

"Pinuntahan niya si Vanessa. Ewan ko nga kung anong meron sa babaeng yun para puntahan siya ni Lee, at umabsent pa si Lee para sakanya ah! Wow!" Hindi ko mapigilang hindi mangitngit sa inis dahil sakanila. Di ako bitter ah? Hindi.

"Anong meron sakanya? Simple lang. Mahal siya ni Evan! At ikaw? Hindi ka niya mahal" Napapikit ako ng mariin sa sinabi ni Gigi.

"Gigi! Ang harsh mo!" Saway ni Apple kay Gigi.

"Tama naman yun, Apple eh." Bulong ko pero alam kong narinig nila.

"Apple. Alam mo kasi, mas okay na yung katotohanan na masakit, kesa naman paasahin natin siya diba? Ayokong mas masaktan siya sa huli." Sabi pa ni Gigi.

Tama naman siya. Tama naman na hindi ako mahal ni Lee at si Vanessa talaga ang mahal niya. Mahirap tanggapin, pero yun ang totoo, kaya pipilitin kong tanggapin yun... kahit ang sakit sakit.

"Awww.. Tamara..." yinakap ako ni Venica.

"Kahit naman hindi ka mahal ni Lee.. andito lang naman kami diba? Gagabay sayo. Nandito lang kami kapag kailangan mo ng masasandalan." Ani ni Shasha.

I am so lucky na may kaibigan ako na ganito..

-

"Lol! Saka alam niyo ba? May napatalsik nanaman na katulong si Gigi! Wahahahaha! Napakabad talaga nito." Napatawa ako sa sinabi ni Apple.

"Grabe Gigi! Ano bang ginawa nung katulong sayo?! Hahahaha" tanong ko.

"Kasi naman! Ang tamad tamad tapos ang tanga-tanga! Sabi ko pengeng juice, ang binigay eh coffee?! Nakakainis yung ganun." Napatawa nalang kami sa sinabi niya.

Spoiled brat talaga itong si Gigi kung itatanong niyo. Iisa kasing anak na babae at bunso pa! Tatlo yung kuya niya at yeah.. ini-spoiled din siya ng mga 'to. Sabi nga niya. Siya ang 'prinsesa' ng bahay nila at pamilya.

"Hey! Si Evan yun diba?!" Bigla namang kumalabog ang puso ko sa sinabi ni shasha at napatingin sa tinuro niya.

Yeah.. si Lee nga.

Papunta siya samin.

"Girls? Pwede bang mahiram muna si Rye?" Napalunok ako sa sinabi niya at umiling. Kumunot naman ang noo niya.

ayoko naman kasing sumama sakanya. Parang masasaktan nanaman ako pag sumama ako sakanya.

"Evan. Im sorry pero pwede bang umalis ka na? Hindi namin ipagkakatiwala ngayon sayo si Tammy dahil baka paiyakin mo nanaman siya at saktan. You jerk." Nanlaki ang mata ko.

"Gigi..." saway ni Venice pero hindi tumigil si Gigi.

"Shoo! Go away! Pumunta ka dun sa mahal mong hilaw, vanessa ba pangalan nun? O punta ka na dun sa vanessa mo." Sabi pa niya at sinukbit na ant handbag niya. Tumingin siya samin at... "Let's go girls..." sumunod naman kami sakanya.

Nagka-eye to eye pa kami ni Lee habang papalayo kami sakanya.

Im sorry...

-

"What?! Ayoko kuya! Ayoko!" Malakas na sigaw ko kay kuya.

"Si mamita ang nagsabi na dun ka na mag-aral." Umiling ako sakanya at pinunasan ang luha ko.

Pinapapunta niya ako sa Canada. Sabi daw ni Lola ay dun na ako magsesenior high.

"I don't want to study there! Gusto ko dito! Mahihirapan lang tayo sa pagaayos ng kung ano ano para sa pag-aaral ko!" Napapikit ng mariin si Kuya at hinilot niya ang sintido niya.

Napabuntong hininga ako.

Ayoko dun, bukod sa mahihiwalay ako sa mga kaibigan ko.. pati na din Lee..

"Ayoko. Kahit anong sabihin niyo. Ayoko.." mahinahon na sabi ko at dali-daling pumunta sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama at saka umiyak na nt umiyak.

Ibinuhos ko na lahat ng sakit sa iyak ko ngayon. Tulad ng kay vanessa at Lee...

*Riiiiiiiiiing*

Napabangon naman ako ng may tumawag.

Tinignan ko ang cellphone ko para malaman kung sino ang tumatawag.

Mamita calling....

Huminga ako ng malalim at sinagot nalang ang tawag.

"Hello?"

[TAMARA RYECELLE! ANONG SINASABI NG KUYA MO NA AYAW MO DITO SA CANADA?!] Bungad agad sakin.

Tsk..

"Mamita... ayoko talaga, besides, senior high na ako. Ano pang worth ng paglipat ko dyan kung huli na?" Mahinahon kong sabi.

[TAMARA! KELAN KA PA NATUTONG SUMAGOT NG GANYAN?! HA?!]

Napatapik ako sa noo ko. This.. ganyan talaga si mamita, gusto niya lagi na siya ang masusunod

"Mamita.. please..." Pagkumbinsi ko pa.

[NO! LILIPAT KA DITO! WHETHER YOU LIKE IT OR NOT! O BAKA GUSTO MONG HINDI NALANG MAG-ARAL?!]

Aish.. I hate this.

"Please mamita.. sa college nalang ako lilipat dyan. Pwede ba yun?" Narinig ko naman ang buntong hininga niya.

[BAHALA KA!]

"Mami---Aish! Binaba na!"

inis kong hinilamos ang kamay ko sa mukha ko.

What the fuck is that? Bakit sunod sunod ang problema ko?

-

"TALAGA!? SINASAGOT KO NA AKO?!" Halos mabaliw ako sa sobrang saya.

Yes! Sinasagot na ako ni Lee!

"Yeah.. besides, nakikita ko naman na mahal mo ako." napangiti ako sa sinabi niya.

"Yes! Thank you!"

Pero alam ko na ako lang ang masaya..

Nakangiti siya pero alam kong peke lang yun.

Nakayakap ako sakanya pero alam kong ang gusto niyang kayakap ngayon ay si Vanessa.

Kasama niya ako ngayon pero alam kong napipilitan lang siya.

Magkasintahan na kami pero alam kong naaawa lang siya.

Siya yung tinitibok ng puso ko pero ang tinitibok ng puso niya ay iba.

Mahal ko siya...

Pero hindi niya ako mahal.

Pero umaasa ako na may pag-asa pa. Na baka mahalin niya din ako.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

I LOVE YOUBasahin ang storyang ito ng LIBRE!