Trey's POV

It's been a week since I sarted courting her. And I don't think she's affected. It's always fail. Always! Kung hindi pa siya kumakain bad mood siya. Ba't ba siya ganun? Kain siya ng Kain. Wala pang 5 minutes gutom na agad siya. Hindi naman siya mahirap. Ganda nga ng Cellphone ng babaeng yun eh. 4 ata phone nun eh. Isang iPhone 5s yung bagong labas tapos Galaxy Note 3 meron pa siyang isa iPhone 4s tapos isang phone ng Sony, yung Xperia Z ata yun. Basta paibaiba ng phone yung babaeng yung. Sabi ni Aubrey siya daw mismo bumibili nun gamit ipon niya sa Allowance niya eh. Magkano kaya allowance nun sa isang araw? Matanong nga minsan.

Nandito ako ngayon sa Living Room namin kasama si Riley, isa sa BestFriends ko. Granacist din yan. Kaya kilala niya si Clair.

"Ano na Trey? Ano nang balak mo kay Clair?" tanong saken ng uggok kong kaibigan habang nagloloptop ako.

"Wala. Magiging kami rin naman na nun after 1 week eh." confident kong sabi. Hindi niya alam yung tungkol sa Deal

"Sus, confident masyado? Kala mo naman talagang sasagutin. Eh napaka cold nga nung babaeng yun."

"Huh! Tignan lang natin! After 1 week magiging kami na!"

"Taas ng confidence! Hahaha! Sige Oo na lang Trey Andrei, oo na lang"

"Pero change topic. Alam mo bang namumula siya tapos bumibilog mukha niya. Alam kong bilog talaga mukha nun pero mas bumibilog lang eh."

"Tapos?"

"Basta ang galing ng facial expression na ginagawa niya."

"Baka naman mailove ka jan Trey?" nakangising tanong niya

"Spell the word ASA! Hahaha! Kahit kailan hindi ko magugustuhan ang Patay Gutom na Mayamang babaeng yun!" Hahaha! Ano ako? Magkakagusto dun sa babaeng yun? Grabe lang ha!

"Wag kang magsalita ng tapos Trey. Baka bukas makalawa inlove ka na kay Clair"

"Tsk. Pare, ang korny!"

Napaisip ako. Impossible namang ako magkagusto sa isang tulad niya diba? I mean, oo may itsura siya pero hindi siya maganda. Sakto lang, may appeal, kaso flat. Maliit. Bastos. Nagmumura. Walang Manners kahit mayaman. Matakaw. Walang kabusugan. Now, tell me kung anong good traits nya? Diba wala! Paano ko ngayon siya magugustuhan? Oh, wala kayong masagot no!

30 minutes had passed nang umalis si Riley sa room ko. Naalala ko hindi ko pa pala inaadd si Clair sa Facebook maadd nga.

Sinearch ko siya sa searchlist ng facebook. Hindi ko siya mahanap. ang nakalagay 'No Result of Claire Dela Vega.'

Tawagan ko na lang kaya siya.

Calling Claire Baby ♥

Wag nyong pansinin yung nakalagay sa phone ko. Si Aubrey naglagay niyan, alam naman nila yung tungkol sa deal.

'Hello?' inosenteng tanong niya 'Sino eto?'

'Baby hindi mo ako kilala?' parang nagtatampong sagot ko

'Ay, sorry Trey, hindi ko nakita yung caller I.D. I mean, hindi ko pa pala na save number mo. Hehe'

'Ouch. Grabe ka naman Claire. Okay nga pala. Online ka ba ngayon?' tanong ko sakanya

'Sa Facebook? Oo.'

'Anong facebook name mo?' tanong ko ulit

'Clair Jaxine Dela Vega' maikli niyang sagot

'Eh bakit nakalagay no result found?' tanong ko ulit

'Text mo na lang ako. Baka magising pa sila Tito eh. Sige Bye Trey Andrei!' yan ang sinabi niya bago ako bumaba

Are you, The One? (On-going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!