P.S. pwde din magpadedicate yung iba dyan :))

be sure na nakafan kayo kasi hindi ko madededicate kung hindi

UPDATE :))

-----------------

Chapter 54

-----------------



Nagulat kami lahat sa expression ni Toby, tumayo siya at pumunta sa labas.

Lahat sila nagtinginan sa amin.

" bakit nagalit yun? " tanong ni Chris

" wag mo sabihing . . . " Hindi na natapos yung sasabihin niya kasi nakisingit si sir Ashton

" may gusto sayo si Toby? " -sir ashton

" wa-wala " sabi ko. Hindi naman siya sa akin may gusto kundi kay Trance. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin yun dahil baka lalong magalit sakin si Toby diba?

" Meron, dont you see? he acted like that , so it means may gusto siya sayo " sabi ni Bea. 

Natahimik na lang ako.

" Alisha, im sorry. Hindi ko naman alam na may gusto sayo si Toby, ayan tuloy magiging magkagalit pa kayo. " Tumayo siya at pupunta ata sa labas pero pinigilan ko.

" Ako na ang kakausap " sabi ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo at pinuntahan si Toby.

Andun siya nakaupo sa may tabi.

" Toby " tawag ko kaya tumingin siya sa akin.

" Sorry " 

" Hindi naman ako galit sayo. Kay Trance ako galit " 

" Toby, wala naman malisya yun eh " 

" Wala nga, pero gusto ka niya alisha "

" Pero i dont like him "

" Bakit ba hindi niya ako mapansin? " 

" Ilabas mo lang, makikinig ako " at umupo ako sa tabi niya.

" Alisha, Bakit kasi kailangan ko pa magkagusto sa kanya. Bakit kasi nakilala ko pa siya. " 

Niyakap ko siya ng mahigpit. Just comforting him.

" Alisha, hindi ko na kaya. Mahal ko si Trance " 

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!