NIKKI'S POV.
isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nag aayos ng maleta.
Kagabi pa ako nakapag ayos ng mga gamit ko.Kusa akong napaupo sa kama.
Agad akong napahawak ako sa tiyan ko.
"Baby?Ayos ka lang naman dyan dibah?"Napangiti ako ng bahagya.hindi ako nag iisa.Andyan pa naman ang baby ko.Sa kanya ko na lang ibibigay lahat ng pagmamahal ko.
Biglang may kumatok sa pinto kaya napatingin ako dun.
"Hey princess..Ayos na ba lahat?"Tanong ni kua.Tumango lang ako.Nginitian niya lang ako.Tumayo na lang ako at hinila na ang maleta ko.
kinuha naman agad yun ni kua sakin kaya napangiti ako.
"Ayos ka lang ba?Hindi ka ba nahihilo?"Tanong ni kuya.Agad akong umiling at ngumiti.
"Hindi naman ako pinapahirapan ni baby"Ginulo lang ni kuya yung buhok ko.saglit akong tumingin sa kabuoan ng kwarto ko.mamimiss ko tong bahay namin..
Sumunod na lang ako kay kuya na pababa ng hagdan.Naabutan namin si mom na nag aabang sa labas at parang naiiyak..
"Mom?bakit ka po--"Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin..
"Mamimiss kita princess...Mag iingat ka dun huh?"Paalala ni mom..Tumango lang ako.
"opo mom..Mag iingat po ako"Nakangiti kong sabi kahit na hirap na hirap akong ngumiti dahil until now naaalala ko pa rin yung nangyari.
Ano ka ba nirvanna....Bakit mo ba siya iniisip?Hayss...
"Ingatan mo ang prinsesa namin leo..Kung hindi"
"Ako na pong bahala sa kanya tita"Sabi ni leo na nakangiti sakin.
"Aalis ka na talaga"Malungkot na sabi ni mom.Ngumiti lang ako ng pilit.
"Babalik naman ako dito mom..."Sabi ko.Babalik ako kapag okay na ako.Babalik ako kapag nakalimutan ko na siya na kahit magkita kami hindi ko siya makikilala.
"Mamimiss ka ni mommy"
"Mamimiss rin kita princess"Sabi ni kuya na bigla na lang ako niyakap.Pinilit kong maging matatag kahit sa harap nila.
"Wag nga kayong umiyak.Di pa ako mamamatay..Aalis lang ako..Tsaka no worries..Babalik ako...Babalik ako kapag okay na ako.."Sabi ko..Pinahid lang ni mom yung luha niya..
"Love ka ni mommy...Babalik ka huh?"Tumango lang ako..
"Let's go ni--Nirvanna"Napangiti ako at kusang tinanggap ang kamay niya...
"Alis na po kami tita..See you soon"kaya napatawa na lang sila..Umupo na ako dahil medyo nahihilo na ako.
"ayos ka lang?"Tanong ni leo sakin..Napadilat naman ako.
"I don't know..."
"Magpahinga ka lang..Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo"Hindi na ako sumagot dahil pumikit na lang ako.Nahihilo talaga ako hayss..
---
napamulat na lang ako ng maramdaman kong huminto kami.."Gising ka na pala nirvanna"
"Nasan na tayo?"Tanong ko.
"Nandito na tayo sa airport..Di lang kita ginising kase nagpapahinga ka "Tumango lang ako at inayos ang sarili ko.Nauna na akong bumaba..
"Sigurado ka na ba talagang hindi mo ipapaalam kay nick na may anak kayo?"Agad akong napahinto ako sa tanong niya.Feeling ko nasaktan na naman ako.
