"Oh?nakasimangot ka na naman!"
"Manahimik ka nga kuya! Aasarin mo na naman ako ehh"nagtatampo na ako sa kanya ehh..
"Oh anong nangyari dyan sa dalawa?"takang tanong ni mom ng makapasok ng kotse at umupo sa tabi ni dad.
"Hindi ko rin alam honey"nagkatinginan na lang kami ni kuya.
"Pahiram ako ng phone mo vanna"ehh?may phone naman toh si kuya sakin pa manghihiram?
"May phone ka naman kuya ehh"sabi ko.mamaya kung anu pang gawin ni kuya sa phone ko.
"Bilis na vanna picture lang tayo dali"nagningning naman yung mata ko.hihi agad kong kinapa yung phone ko at ibinigay kay kuya..
"Smile"nakasmile na ako ng takpan niya yun ng kamay niya edi pag flash camera di nakuha..
"Kuya naman ihh"inis na sabi ko.
"Pfft--hahaha...eto na smile"di na ako nagsmile mamaya niloloko na naman ako ng unggoy na toh.hihi wag kayo maingay unggoy tawag ko kay kuya pag naiinis ako.
"Ayaw"bigla naman niya akong kiniliti..
"Wahhh kuya naman ihh"*pout*nakikiliti kase ako.
"Smile na kase"sinet na niya yun at umakbay sakin..
"Smile"nagsmile naman ako..
"Kiefer yakapin mo si nirvanna babangga tayo"napalingon kami ni kuya kila mom at nanlaki ang mata ko.babanga kami.Imbis na si kuya anf yayakap sakin ako na lang ang yumakap sa kanya.
"NIRVANNA"
"Kuya"napapikit na lang ako ng tumama ang ulo ko sa kung ano.
*crassssssshhhhhh\creakkk*
-
Masakit ang ulo kong naimulat ko ang mata ko.napahawak ako sa ulo.Huhu...Ang hapdi..Napalingon ako sa gilid ko at nakita kong walang malay si kuya.hala?Bakit siya natutulog?
"Kuya?"Tawag ko pero hindi naman siya gumalaw.Kaya napakunot noo ako..Hay naku baka ginogood time na naman ako ni kuya...
"Uy..Kuya....Hehe.....Gising na..Po...Dali"Kiniliti ko na rin siya*Pout*Bakit ayaw niya magrespond?Nakakatampo na eh..
hahawakan ko sana yung mukha niya ng may mapansin ako.Nakahinto kami.Nakarating na ba kami sa pupuntahan namin?Eh?Nasan na si daddy?
Lumingon ako sa drive seat at nakita ko rin na nakabukas ang pinto ng kotse at maraming bubog....Agad akong dumungaw dun at nakita ko si daddy na walang malay..
Napatakip ako sa bibig ko.B-bakit andaming dugo?
"Daddy?"Tawag ko.Huhu....Bakit lahat sila natutulog?Wala tuloy akong karamay...*Pout*
"Daddy..wake up..Pupunta pa tayo sa sinasabi mo ....Uy daddy"Kaso hindi rin siya gumalaw..Lumabas na lang ako ng kotse at pumunta sa kanya...
"Uy daddy"Tawag ko sa kanya.Inalog ko naman siya kaso bakit parang wala siyang respond.inilagay ko na lang ang ulo ko sa bandang dibdib niya at halos kumunot ang noo ko.
"Daddy?B-bakit wala kang heart beat?Nabibingi ba ako?"tanong ko.Sabi kase ni mommy kapag walang heartbeat ang isang tao.Ibig sabihin nun patay na.Nabingi lang siguro ako.Inulit ko lang kaso wala talaga eh..
"Daddy naman eh....Kuya..!"Pinahid ko yung luha ko.Ayaw kase nilang gumising.Nakakainis sila
"Gumising na kayo...Sigeh kayo kapag di kayo gumising matutulog na lang din ako"Biro ko kaso tuluyan ng bumuhos yung luha ko ng mapansin kong duguan rin si mommy.
"daddy!Mommy!Kuya...Wake up"Inalog alog ko silang dalawa kaso hindi sila gumalaw.pinahid ko na naman yung luha ko.
"Bakit ba ayaw niyong gumising?"Iyak ko.Pinagtitripan kase nila ako eh...
"Ahrayy"bigla kaseng may humablot sakin.nakakainis naman eh..Ang sakit eh..
" Nasan ang daddy mo?"Halos mapatalon ako sa gulat sa lakas ng sigaw niya...Napatingin na lang ako sa lalaking nasa harap ko.Napatitig lang ako ng matagal sa kanya...
"Huh?"Bakit niya hinahanap si daddy ko?
"Nasan ang daddy mo?Bingi ka ba?"
"Uh..Eh...Dahan dahan naman kuya...Wag mo kong sigawan...ayan sila oh natutulog"Turo ko sa kanila.Nagsalubong lang niya ang kilay niya at nilapitan si dad.
"hoy tanda...Gumising ka"halos manlaki ang mata ko....Nang kwelyuhan niya si daddy..
"Hoy...Gumising ka nga wag kang matulog..P*T* naman..."
"Sandali wag mong saktan yung daddy ko"Pinilit ko siyang ilayo kay dad...Kase naman baka masaktan si daddy eh.
"gumising ka...Magtuos tayo...Pinatay mo yung girlfriend ko"
"Ano ba kuya?"Sigaw ko habang umiiyak.
"Tumigil ka na...Nasasaktan na yung daddy ko eh....Sino ka ba huh...?"Inis na tanong ko.
Walang emosyon niya lang akong tiningnan at hinablot ang braso ko.
"Sino ako?Ako lang naman yung boyfriend ng babaeng namatay dahil sa pagpapabaya ng daddy mo"
"Bakit?Pano mo nasabing nagpabaya yung daddy ko?nandun ka ba sa tabi niya nung time na nagmamaneho siya.Napaka judgemental mo eh...Nakakainis..Ka...."Pinagpapalo ko siya.Nakakainis kase siya eh.
"Aww..Sh*t ano ba...Tumigil ka ngang isip bata ka"
"Bad ka...Hindi ka naman inaano ng daddy ko...Bad ka"Pinagpapalo ko lang siya.naiinis ako sa kanya.
"Ano ba!Sabi kong tumigil kana"
"Ahray"NApaupo na lang ako sa sahig ng itulak niya ako.Tumulo na rin ang luha ko.
"Bad ka...."
"Tss..."
"daddy,mommy,kuya....Inaantok na ko...Matutulog na rin po ako"sabi ko.Kumikirot yung ulo ko....Napapikit na lang ako...Pakiramdam ko hinihila ako......
