CHAPTER 40-LOST OF ATTENTION.

11.9K 202 4
                                    

NIKKI 'S POV.

"Are you sure na ayaw mong dun muna samin nila mommy?"Tanong ni kuya.Hinatid na kase niya ako dito kila nick.Ngumiti lang ako kay kuya.

"Ayos lang naman ako dito kuya "Sabi ko.Tiningnan niya lang ako ng puno ng pag aalala.

"Princess,ayoko lang maulit yung nangyari kanina"Tumango na lang ako at pinisil yung pisngi niya....Sobra talaga siya kung mag alala...

"Hindi na po yun mauulit promise! Hehe mag iingat na po ako"Sabi ko.Tumango naman siya at ginulo yung buhok ko.

"Wag ka ring magpapalipas ng gutom,baka mawalan ka na naman ulit ng malay "Tumango lang ako kay kuya.Sinabi rin niyang wag akong masyadong magpapagod.Ang weird lang kung mag alala ni kuya...Para bang sinasabi niyang mag iingat ako sa lahat ng pagkakataon..

"Hehe!"

"Basta nikki !Kapag may kailangan o gusto ka tawagan mo lang ako"Ngumiti naman ako bilang sagot.He kiss my fore head pagkatapos ay pinitik ang tungkil ng ilong ko.

"Wag mong kakalimutan yung mga bilin ko para rin yun sayo at sa baby mo"Napakunot noo naman ako.Anong baby sinasabi ni kuya?.

"Baby?"Tanong ko.Agad namang ngumiti si kuya.Alanganin pa nga eh...

"Uh oo!Bibilhan kita ng baby doll"Napatango na lang ako.Hehe.Yun lang pala yun akala ko yung katulad na kay precious hehe..

"Sigeh pasok kana sa loob princess"Nginitian ko lang si kuya bago pumasok ng gate.Nagwave lang ako kay kuya habang papalayo na yung kotseng minamaneho niya.Haysst.Naka uwi rin finally.Medyo nawala yung hilo ko pagkatapod akong pakainin ni kuya ng strawberries.

Sayang nga ubos na eh.Naggegrave na naman tuloy ako.Pagkapasok ko sa loob nakita ko agad si nick sa may sala at may kausap sa phone.Hindi ko na lang siyang nilapitan baka sigawan lang niya ako.Nakakatakot pa naman siya.Bigla akong nakaramdam ng gutom.

haysst.Makapunta nga sa kitchen...Sana naman may strawberry sa ref.Maingat lang akong naglakad.Sabi kase ni kuya baka madapa ako...Pag nadapa ako magagalusan ako at the same time masasaktan...ehh?Ang sweet ng kuya ko..Hehe...

Pagkarating ko sa kitchen ay agad kong binuksan yung ref at halos lumuwa yung mata ko.

"Wahhh ! Strawberry"Agad kong kinuha yung strawberry na nakalagay sa bowl.Huhu.Agad akong kumuha dun at kinain.Ang sarap talaga ng strawberry lalo nat kapag sinawsaw sa ketchup hihi...Agad akong naglagay ng ketchup dun at sinawsaw dun yung strawberry.

"Hihi!"

"Nick pakikuha nga nung stra------anong ginawa mo?"Biglang sigaw ni precious sakin kaya nabitawan ko yung mangkok  na may ketchup*Pout*

"Bakit ka ba nang gugulat?"Inis na sabi ko."Pakiramdam mo tuloy umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ng makita ko ang bruhang toh.

"Anong ginawa mo sa mga strawberries ko?"Galit na tanong niya.Kumunot lang ang noo ko.Eh bakit ba siya nagagalit?

"Bakit ka ba nagagalit?Parang kumain lang naman ako ng konti"Iritadong sabi ko.Napairap lang siya sakin.

"Yun na nga,kinainan mo,eh akin yan eh,that's mine ! Mang aagaw "Sigaw niya.tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Teka ! May pangalan mo baayan?Nasan?Wala naman akong ma----"

"Boba ! Walang pangalan yan...Edi nalason ka na kung may ginamit na panulat diyan"Singhal niya sakin.Inirapan ko lang siya.Kumukulo talaga yung  dugo ko sa kanya grr.

"Makabobo ka kala mo perpekto ka.Malandi ka nga"Inis na sabi ko.Hindi ko lang alam kung san nanggagaling yung inis ko.Nagulat na lang ako ng damputin niya yung tinidor sa mesa.

SEDUCING MY BOSS [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon