How to write one-shots

4.6K 167 16
                                    

How to write one-shots

© Shupershimmer

Ewan ko kung may nagtanong na nito, pero feeling ko meron. Saka, masabi lang na may dinagdag ako.

Hindi ako masyadong mahilig magsulat ng one-shot pero yun ang mas madalas kong basahin-- tamad ako, e. Kaya, para sa mga tamad na writer, magbibigay ako ng subjective opinions about it.

Shimmer's Suggestions:

1. One-shot is one-shot

What I mean is, kung gagawa ka ng one-shot, iisa lang ang plot. Hangga't maaari, iisa lang ang conflict. Bakit? Kung ayaw mo, edi bumuo ka na lang ng mahabang kwento.

Para sakin, ang one-shot, dapat nakafocus sa iisa. May takbo ang storya, at hindi masyadong paikot-ikot. In short, wag nang run-on.

Huwag magsingit ng problema ng hardinero ng bida mo-- na extra lang naman-- lalo na't walang kakonek-konek sa plot. Kuha mo? Okay.

Utang na loob, dumiretso ka sa pakay ng pagsulat mo nyan.

2. Not too many characters

One-shot lang'yan, baka naman magpasok ka ng isang batalyon? O baka pangalanan mo pa lahat? As much as possible, lead characters lang. As much as possible, hayaan mong bumida ang mga bida.

Ge, pagbigyan na natin ang kaunting supporting characters. Baka maiyak ka pa, e.

3. Be short, yet concrete

Mas prefer ko ang one-shots na maikli -- one to two pages only. But, I prefer the most kung one page lang. 

Bakit?

Walang one-shot na kayang punuin ang pages ng isang chapter. For me, considered na siya as Short Story. Mas okay parin ang one page lang, pero may sense ang buong page. Hindi nakakaantok basahin at hindi paikot-ikot.

Be as direct as you can. But, don't forget to write as what a writer must do. Hindi porket one-shot, e, bara-barahin mo na. Common sense.

4. Not too much convo

In connection sa shortness ng one-shot, makakatulong kung babawasan ang conversations, and change it to descriptive or what-kind-of-paragraph.

Mas mainam na ang important talks na lang ang ilagay sa loob ng quotations. The rest, you can state it.

At syempre, with flying colors parin.

Pag masyadong madaldal, tipong pati ang pakikipag-usap ng bida sa tindera ng mani sa kanto, nasama pa; at humaba na ang one-shot, yet, ang labo parin ng kwento, i-i-exit ko na lang yan, no.

Magbabasa na lang ako ng rated SPG kesa sa one-shot mo.

Maikli kasi ang pasensya ng one-shot reader at pag naramdaman kong run-on ang kwento mo, maboboring ako. Baka matae lang ako sa pagbabasa. No way.

5. Beginning, Climax, Ending

At least, kahit ang tatlo lang na 'yan, mapanindigan mo. Hindi dapat sila mawala sa one-shot na gagawin mo.

Pero mas madalas, hanggang climax lang ako. Bakit po? Kasi, mas gusto kong iniiwan sa ere ang reader. Mas gusto kong magwakas ang pagbabasa nila na mataas ang anticipation. Oo, bitin.

But it is your choice. Like I had said, be convincing sa Ending; kahit maikli lang 'yan, isulat mo parin sa paraan kung paano mo isulat ang Epilogue ng mahabang kwento.

6. One POV

Masakit sa mata yung may pasingit-singit na "Chok-chik POV" tapos kapiranggot lang ang pinagsasabi, panibago na naman "Keke POV."

Nakakaloka po.

Imbes na mapuno ng sense ang one-shot mo, nakasiksik lang ang pagpapalit ng POV.

Mas maayos kung iisang point of view lang ang nagsasalita sa story para hindi nakakalito, at hindi nawawala ang anticipation. Whether first, second, or third POV, basta napapanindigan hanggang dulo.

6. Short time span

Last but not the least, mas okay ang one-shot na sa iisang panahon lang nangyari. For example, sa loob lang ng iisang oras, iisang araw, o iilang araw nangyari ang beginning, climax, at plot mo.

Gaya nga ng sabi ko, wag nang magpaligoy-ligoy. Lalo na kung mabubuhay naman ang story without that freaking 'Makalipas ang one year.'

Again, sinuggest ko 'to sa mga story na kayang mag-exist kahit walang long time-span. Kung kayang alisin ang kaartehan na yon, then good. Mas effective sakin ang mga ganung one-shot.

Tipong kahit ilang minuto lang ang kwento, may sense parin.

**

Well, na sayo parin kung paano mo pagkakasahyin sa one-shot ang idea mo, but make sure na may mapapala, at mapupulot ang reader despite itself.

Writing Tips (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon