Chapter 2

89.9K 1.7K 158
                                    

Walong taon ang tanda ni Vince sa kanya so he must be about twenty eight now. Bahagya lang ang nabago. Nag-mature ng kaunti sa apat na taong nadagdag sa edad nito. The tall, dark, and devastating Vince Saavedra. Gumugol ng anim na taon sa kolehiyo dahil anak lamang ng isang mahirap ngunit matinong pulis ng San Ignacio. Made his way through college sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa araw at pag-aaral sa gabi.

Recipient ng San Ignacio Rural Bank Foundation scholarship. Ang bangkong pag-aari ng pamilya niya maliban sa Textile Mills na pinamamahalaan ni Rodrigo dela Serna. Iyon ang naging daan upang makarating ng Amerika ang binata at manatili roon ng apat na taon.

At hindi niya alam kung saan siya kumuha ng pagpipigil sa sarili upang huwag itong yakapin tulad noon. Marahil dahil hindi na siya ang teenager na sunod ng sunod dito. O marahil dahil hanggang ngayon ay taglay pa rin niya ang sama ng loob para dito.

Vince never said goodbye when he left for the States. Totoong sa loob ng apat na taon ay nagpapadala ito ng cards and gifts sa mahahalagang okasyon ng buhay niya subalit wala siyang sulat na sinagot nito.

Hindi rin umuwi si Vince nang mamatay ang daddy niya two-and-a-half years ago. Vince should have paid respect for her father. Malaki ang utang na loob ni Vince sa daddy niya.

"Tititigan mo na lang ba ako?" may bahid ng pagkaaliw ang tinig ng binata.

Lumunok si Moana dahil pakiramdam niya'y biglang nanuyo ang lalamunan niya.

"W-when did you arrive?" Sa wakas ay may salitang lumabas sa bibig niya.

"Kamakalawa ng hapon dumating si Vince, hija," si Adrienne ang sumagot. "I tried to inform you of his arrival pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataong sabihin sa iyo. You were in a hurry last Monday dahil may lakad kayo ni Raffy..."

Hindi kumibo si Moana dahil alam niyang totoo ang sinasabi ng ina. Since her mother remarried more four months ago ay maraming mga bagay ang nabago sa kanilang mag-ina. Nagtayo siya ng pader sa pagitan nilang dalawa.

Sinikap niyang kaswal na magkibit ng mga balikat. Isang tipid at walang buhay na ngiti ang ibinigay niya kay Vince.

"W-welcome back..." pagkatapos ay sumulyap sa ina kasabay ng paghakbang paatras sa pinto nang marinig ang sunud-sunod na busina sa labas. "Bye, Mom..." dinaanan niya ng mga mata si Vince at mabilis na tumalikod.

"Moana Marie..."

Nahinto siya sa paghakbang kasabay ng pagpikit sandali ng mga mata. Maliban sa namayapang ama, tanging si Vince lamang ang tumatawag sa kanya sa dalawang pangalan niya. Nagdadala iyon ng maraming masasaya at malulungkot na alaala.

Nilingon niya ito.

"Don't stay late..."

Sandali siyang natilihan sa sinabi nito. Hindi pa naglipas-minuto sa muli nilang pagkikita pero heto at tila walang namagitang mga taon sa kanila.

"Hindi na ako bata, Vince. I am a grown up woman now..." mahina lang iyon pero hindi kaila kay Vince ang talim sa likod ng tinig niya.

"Don't I know that?" Hinagod siya nito ng tingin at gustong manayo ng balahibo niya sa pagkakatitig na iyon ng binata sa kanya. "Still I want you to come home early, Moana," may bahagyang ngiti sa mga labi nito nang sabihin iyon but she knew him too much not to notice the warning underneath the smooth voice.

Gusto niyang mainis. Pero hindi niya gustong makipagtalo dito sa harap ng ina at sa asawang-kauli nito. Sa halip ay isang matamis na ngiti ang ibinigay niya rito.

"And if I don't?" she challenged na sinamahan ng bahagyang ngiti.

Nagkibit ng mga balikat ang binata. "Siguro'y padadapain kita..." then he grinned as he surveyed down her body at huminto sa may pang-upo niya. "And you wouldn't like it, sweetheart..."

Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon