x31: At His Place.. (part2~)

Magsimula sa umpisa

Nakangiti pa rin syang tumitig sakin.

Naalala ko tuloy yung naputol na sasabihin nya kanina..

"Adrian, ano na ba yung sasabihin mo dapat sakin kanina? Yung bago sumigaw si Andy?"

"A-Ah.." inalis nya ang tingin nya sakin sabay kamot sa batok. "Mmm.. Tsk.. Ano.. Yayayain ko na sana kayong umuwi.. Ihahatid ko kayo.."

"Eh? Kala ko ba sira kotse mo?"

"Oo sira nga.. Sa taxi ang ibig kong sabihin, sasamahan ko kayo umuwi.."

"Ah.." Somehow, I feel DISAPPOINTED.. "Wag na. Nagtext nga pala kasi si CJ kanina.. Dadaanan na lang daw nya kami dito maya-maya.."

"Ganun ba.. Uhm.. Si Andy, paliguan ko na lang. Natapunan sya ng juice eh oh."

"Di na. Sa bahay ko na lang sya papaliguan, wala kaming towel eh.."

"Tss. Dito na para diretso tulog na sya sa inyo tsaka marami naman akong towel dito na pwede nya magamit." lumapit sya kay Andy at kinandong yun. "Diba 'nak? Gusto mo bang maligo sa CR ko?"

"YES PAPA!!" na-excite naman si Andy.

Hinayaan ko na sila. May point si Adrian eh at ayaw ko namang maging KJ.

Nag-stay na lang ako dito sa sofa, still disappointed..

Sa sobrang seryoso ng facial expression kanina ni Adrian, yun lang pala ang gusto nyang sabihin? Ang ihatid kami ni Andy? Psh..

I was expecting something else.. Something like, 'CHELLE, GUSTO MO BA, BUUIN NA NATIN ANG PAMILYA NATIN?'.

Akala ko talaga sasabihin nya yan dahil sa mga sinabi ni Levi kanina. Akala ko maiisip nya yun pero di naman pala.

Masyado akong nag-assume.

I know that Adrian is very willing to take responsibility as Andy's real father but to settle down for good?? I don't think so.

Kaysa mag-settle down, mas gugustuhin nyang maging binatang-ama na lang. Playboy eh. Papahirapan nya lang ang sarili nya kung mag-aasawa na sya.

Pero buti na nga lang at napa-maling akala lang ako kanina.

Kung YUN kasi ang itinanong ni Adrian sakin, HINDI KO ALAM KUNG ANONG ISASAGOT KO.

Malamang, magugulo lang ang utak ko nang sobra-sobra kung yun nga ang tinanong nya.

*sighh..

GOD.. Thanks God at hindi yun ang itinanong sakin ni Adrian.

Although gusto ko sana ang ideyang yun para sa anak namin kaso..hindi naman tamang magsama kami nang wala kaming nararamdaman para sa isa't isa. And most importantly, I'm still with CJ. I love CJ and I can't just leave him para buuin ang pamilya namin ni Adrian. That's a big NO-NO.

Pero...

Argh.. Enough thinking na nga! Walang dahilan para problemahin ko ang issue na yun 'cause first and foremost, di naman yun tinanong ni Adrian! Diba?! Psh..

Nagpunta na lang akong kusina. Sinimula kong hugasan ang mga maruruming gamit dun para i-distract ang sarili ko at para kahit papaano rin eh may naitulong ako sa naganap na reunion.

"MOMMY!!" ang saya-saya ni Andy na tumakbo palabas ng CR. Naka-tapis sya gamit ang isang malaking towel. "TAPOS NA KO MAG-LIGO PO!" at tumakbo ulit sya papuntang sala.

Sunod naman na lumabas ng CR si Adrian. Medyo basa ang damit nya pati buhok. Tss. Paano nya ba pinaliguan ang anak namin at nabasa sya nang ganyan?? =.=

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!