x31: At His Place.. (part2~)

[RACHELLYN's PoV]

"CHELLE.."

Lalo akong kinabahan sa pagtawag na yun sakin ni Adrian.

Ang boses at expression nya kasi, talagang napaka-seryoso.

"Bakit?" I asked him calmly. CALMLY kahit ba ang totoo ay parang aatakihin na ko sa puso!

"CHELLE, M--"

"PAPAAAAAA!!" Agad na nawala ang 'serious moment' namin dahil sa pagsigaw na iyon ni Andy.

My baby sounded very scared there and was about to cry!

Mabilis kaming nagtungo ni Adrian sa kung nasaan sya. Kita naming nakatayo sya sa sofa, marumi ang damit nya na natapunan yata ng juice at.. may tinuturo sya sa TV.

"PA-PAAA! MAY COCKROACH POHH!" >o

Cockroach?? Oh.. May ipis nga na gumagapang sa may gilid ng TV screen.

"BABY? Wag ka matakot at umiyak!" sabi ko kay Andy. "Parang ipis lang yan na gumaga-- WAAAAAA~!!!"

BIGLANG LUMIPAD YUNG IPIS PAPUNTA SAMIN NI ADRIAN!! Napatakbo tuloy ako sa likuran ng baby ko at dun ako nagtago!! >___

Rinig kong tumawa si Adrian. Lokong yun talaga!

"MOMMYYY!! BUHAT!!" niyakap ako ni Andy at nagpabuhat sya dahil sa takot.

At dahil takot din ako na maliparan ng ipis, sa may likod na lang ng sofa ako nagtago habang yakap ko ang baby ko!

Takot na takot na nga kaming mag-ina pero si Adrian, tawa pa rin nang tawa!

"AY HALA CHELLE! LUMIPAD PAPUNTA SA INYO YUNG IPIS!"

"EEEEEEEE!!" napatili ako sa sinabi ni Adrian! Yung ipis, lumipad daw samin! Nasan na yun?! Baka gumagapang na yun sa likuran ko ah?! WAAAA NOOOO.. Para kong nanigas at napahigpit ang yakap ko kay Andy. "AD-RI-YAAAAN!! PATAYIN MO NA YUNG I-PIIIIS!!" >O

Tumawa lang sya ulit! Ang sama nya ah!

*pzzzz*pzzzz*

Kumalma na ko nang marinig kong gumamit si Adrian ng spray..

Tumayo na ko't hinanap sya. Nandun sya sa may tabi ng shelf ng TV at may hawak na pesticide.

Yung ipis, patay na rin sa sahig.

WEW.. Ang layo naman pala nung ipis samin.. T3T

"WALA NA YUNG COCKROACH PO??" tanong ni Andy.

Matawa-tawang napatingin samin si Adrian. "Wala na anak! HAHAHA! Wag ka matakot, PARANG IPIS LANG YUN NA GUMAGA-- WAAAA~ HAHAHAHA" aba't ginaya pa talaga nya ang sinabi ko kanina?! >///

Psh.. Umupo na lang kami ni Andy sa sofa habang sya, tinapon na yung ipis.

Marumi nga pala ang damit ng baby ko.. Kaso nakakatamad syang palitan ng damit.. Nakakainis kasi si Adrian eh.. >___

"Oh?" si Adrian, cool na cool na tumabi samin ni Andy. "Bakit nakasimangot ang mommy na kung umarte eh HINDI takot sa ipis? Hindi takot pero nung lumipad na, pfft.. WAAAAA~ HAHAHAHA"

>///

Tsaka di naman talaga ko takot sa ipis eh! Basta gumagapang lang, di ako takot pero pag nalipad na at dumikit na sakin, psh..ibang usapan na yun..

"Hayy titigil na nga ko.." pilit tumigil si Adrian sa pagtawa pero kung makangiti naman..hmp. "Mommy Chelle, wag ka na magalit.."

"Hindi ako galit.." mahina pero inis kong sagot.

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!