Simula

2M 37.3K 27.8K

Ito po ang third book ng Until He Was Gone. This is both a prequel and a sequel. Please be patient with the ups coz my priority is EBNAB. Thank you so much for supporting this story! Hope you'll continue to support this till the end.

---------------------------------------

Simula

"Bro, wanna play ball?" Kakadating lang ni Azi galing sa kanila.

I told him I'm not in the mood to go out. Ang tigas talaga ng ulo ng isang ito. Pumasok sa loob ng kwarto ko si Josiah at Damon. Nag dala pa talaga siya ng kanyang team.

"What the fuck, dude? You're decaying inside your room. Go out, man!" Ani Azi sabay dribble ng bola. Mabilis na lumipad ang dirty finger ko sa ere.

Humalakhak siya.

"Dammit, I told you I'm not in the mood..." Paos pa ako sa nagyari kagabi.

Kinusot ko ang mata ko. Hinawi ni Josiah ang kurtina kaya lumiwanag ng husto doon. Hinawakan ko ang ulo ko. Damn! I just want to sleep the whole day.

"I hate you guys." Because it's true, I hate them right now.

Pero mas naiinis ako kay Kuya Justin. I told him to go slow. Now I'm a wreck. What's it called again? Jim Beam and Jack Daniels? Sabi ko sa kanyang beer lang muna dahil first time ko pang uminom. So much for being his apprentice.

Naririnig ko na ang tawa niya galing sa labas. Kasama niya si Rafael at si Knoxx. Tinaas ko ang kamay ko nang nakitang umamba ng high five si Knoxx sa akin.

"You cool, bro?" Aniya.

Ngumisi ako at ginulo ang buhok.

"I heard muntik ka ng ma lason ng Jim Beam." Knoxx chuckled.

"Or ma comatose?" Nagtaas ng kilay si Rafael.

"Non sense. I'm good. Si Kuya ang na comatose kagabi. Dad was too angry to let him sleep."

Bumaling silang lahat kay Kuya Justin. Syempre, nagalit si daddy nang nalaman niyang pinainom ako ng alak ni Kuya. Kahit na kagustuhan ko iyon, still Kuya Justin is responsible for that.

Napuno ng kantyaw si Kuya habang dumiretso na ako sa bathroom. I'm not sure if I can even dribble a ball right now. Masyadong masakit ang ulo ko para tumakbo. I just really wanna rest.

After the cold shower, naabutan ko silang lahat sa kama ko. Azi's too curious about the alcoholic beverages. Naaalala ko sa kanya ang sarili ko kahapon.

"Fuck you, Kuya. I just wanna try." Iritadong sinabi niya kay Knoxx nang pagbawalan siya nito.

"Try my ass. You're still a kid!" Ani Knoxx.

"Isang taon lang gap natin. Kung bata ako, bata ka rin."

Umiling na lang ako at naghanap ng maisusuot. Hindi ko na maalala ang nangyari kagabi. Ang alam ko ay pinagalitan ni daddy si Kuya Just. Nasali pa 'yong issue na ayaw ni Kuya Justin mag major ng business. Dad's too hard on Kuya Just these past few days. Kaya naiintindihan ko kung gusto niyang mag loosen up.

Until Forever (Book 3 of Until Trilogy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!