11 GIVE ME A BREAK!

214 25 12

"Lee!" makabasag-eardrums na tawag ni Mitoy. Humahangos ito papunta kay Rainydusk.

"Oi, Mitoy. Nakasagap ka na naman ng tsismis sa tindahan ni Aya, 'no?"

"Grabe Lee ang daming tambay ro'n at ang dami nilang pasabog na tsika tungkol sa mga kapitbahay natin alam mo sobrang nakakagulat ang mga tsismis hindi ko keri sobrang nakakagulat at nakakabaliw talaga Lee kapag narinig mo baka umusok ang tenga mo grabe talaga sobra-sobra ang revelations 'di ka maniniwala kung malaman mo lang pambihira talaga nakakatindig-balahibo Lee sobra talaga--"

"Stop, stop!" naiiritang sabi ni Rainydusk. P'wede ba huminga ka naman?"

Tumigil naman si Mitoy, nag-inhale-exhale.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale...

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Rainydusk.

"Inhale, exhale," sagot ni Mitoy. "'Di ba sabi mo huminga naman ako?"

Walk-out.

Katulad ng tuloy-tuloy na pagsasalita ni Mitoy, ganyan ang mangyayari kung walang mga bantas at pananda o punctuation marks sa batas ng pagsusulat (rules in writing). Kailangan ang mga ito para malinaw na maiparating ang mga mensaheng nilalaman ng iyong isinusulat.

Sa tulong din ng mga bantas at pananda o punctuation marks, naipararating ang damdamin o ekspresyon ng bawat pangungusap. Higit sa lahat, ang mga ito ang nagsisilbing gabay ng mga mambabasa kung gaano katagal ang ititigil nila sa bawat linyang binabasa.

1. Full Break

a. period/tuldok (.)
b. exclamatory point (exclamation mark)/tandang padamdam (!)
c. question mark/tandang pananong (?)
d. colon/tutuldok (:)

Full break punctuation marks ang mga ito. Ang ibig sabihin, anoman sa mga bantas na ito ang ginamit sa dulo ng pangungusap, dapat kang tumigil para huminga nang buo.

Paano iyon?

Itulad natin sa music. Ang whole note ay may katumbas na apat (4) na bilang/counts o kumpas/beats. Ilagay natin sa puwesto ng mga bantas at pananda na nabanggit sa itaas. Kapag na-encounter natin ang full break punctuation marks na ito, break to breathe while counting 1 to 4.

Example to Read

Masaya bang mag-aral? (hinga <1, 2, 3, 4>) Siyempre naman! (hinga <1, 2, 3, 4>) Bukod kasi sa marami tayong matututunan sa paaralan ay magkakaroon din tayo ng mga bagong kaibigan. (hinga <1, 2, 3, 4>) Mararanasan din natin ang mga sumusunod: (hinga <1, 2, 3, 4>) field trip, camping, intrams, at iba't iba pang masasayang aktibidad.

2. Semi-Break

a. comma/kuwit (,)
b. semi-colon/tuldok-kuwit (;)
c. double dash/em-dash/dalawang gitling (--)

Hindi katulad ng Full Break, ang Semi-Break ay hindi pare-pareho ng katumbas na bilang ng paghinto.

Ang comma at semi-colon ay maaaring bigyan ng katumbas na two (2) counts. Ang em-dash naman ay one (1) count.

Example to Read

Masaya sa silid-aklatan; (hinga <1, 2>) marami kang mababasang mga libro. May Literature, (hinga <1, 2>) Mathematics, (hinga <1, 2>)  Science, (hinga <1, 2>) at marami pang iba. Kaya kung wala kang magawa sa free time mo sa school, (hinga <1, 2>) tumambay ka lang sa silid-aklatan -- (hinga <1,>) 'wag ka lang matutulog.

Note: Hindi fixed ang mga bilang/counts na ibinigay sa unahan. Ang mga ito ay magsisilbing gabay lamang para maibigay at maipakita natin ang kaukulang haba o iksi ng mga bantas sa pagbabasa.

Tandaan, ang full break punctuation marks ay may mas mahabang kaukulang bilang ng paghinto kumpara sa semi-break punctuation marks.

Tara, Mag-Aral Tayong Magsulat!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!