33th Chapter

1.4K 24 0

→ Niko Point of View ←


Sobrang na miss ko na si Anika, hindi kasi siya tumatawag sa akin kahit text man lang wala. Kapag nagkasalubong kami sa school iniiwasan niya ako. Ano ba ang gusto ng babaeng 'yon?

Naglalakad ako ngayun patungo sa classroom namin dahil last subject na namin ang history, ang sarap ngang hindi na pumasok kasi ang boring ng history.

" Anika.." Tawag ko sakanya kasi nakasalubong ko siya at papunta din siya sa last subject niya, pero hindi man lang niya ako pinansin.

" Anika, ano ba?.." Sabi ko at hinawakan ang braso niya.

" Niko!nasasaktan ako.." Sabi niya kaya binitawan ko siya.

" Ano ba ang problema mo ha?.." Tanong niya sa akin.

" Ba't mo ako iniiwasan? may problema ba?.." I said.

" Ang bilis mo namang makalimot no! pwes ito yung problema natin, nakalimutan mo na ba yung sa kotse ha?para mo pa nga akong kinokontra e! pinapakialam mo ang buhay ko at sa daddy ko, sino kaba ha? your just my boyfriend.." She said at umalis.

Hinayaan ko lang siyang umalis dahil wala din naman akong masabi sa sinabi niya. Oo boyfriend niya ako, and it means na kasali na ako sa buhay niya at isa pa nag-aalala lang naman ako.

~


Pagkatapos ng last subject namin umuwi na ako, wala kasi ako sa mood, paano palagi kong iniisip si Anika. Sobrang na miss ko na talaga siya.

Pumasok ako sa kwarto ko na lutang ang isip ko kay Anika. " Anak..." Tawag ni Yaya sa akin kaya binuksan ko ang pinto at may dala siyang gatas at biscuit.

" Para saan 'yan manang?.." Tanong ko.

" Bilin ng Mama at Papa mo sa akin bigyan daw kita ng gatas at biscuit kapag matutulog kana.."

" Manang naman e! hindi na ako bata.." Sabi ko at tumawa naman si Manang.

" Ikaw talagang bata ka, sige na ubusin mo na 'yan.." Sabi ni Manang, tumango nalang ako at kinuha ang dala niyang tray.

Tinawagan ko si Anika at tenext pero wala..Hindi siya nag-reply at hindi siya sumasagot.

To be Continued..

INSTAGRAM: inday_giggly
TWITTER: indaygiggly

I am a Bad Girl(Completed)Where stories live. Discover now