Chapter XXIX

2.1K 28 12
                                    

Nagpaalam muna siya kay Yaya Lina at kung pwede pakibantayan niya muna si baby Raffy.

„Maliligo po muna ako, Ya. At tatawagan ko na rin si Ralph. Mukhang nagtatampo na sakin un, kasi nakalimutan ko ung cellphone ko at hindi ko siya natawagan“, sabi ni Asher at pumunta na ng kwarto.

Agad na tinawagan ang kasintahan pero hindi niya makontak ito. Sinubukan niya ulit ng ilang beses pero wala pa rin itong marinig na sagot galing sa binata.

“Galit na siguro un sa akin”, malungkot na sabi ni Asher sa sarili.

“Bakit ko ba kasi nakalimutan“, at tinignan ang calling list niya. Napansin niyang nasagot niya ang isang tawag ni Ralph pero alam niyang sa mga oras na iyon ay hindi niya hawak ang telepono nito.

Nang biglang niyang maalala si Pj.

„Sinagot niya kaya? Ano kaya sinabi nito?“, nag-aalalang bulong ni Asher sa sarili.

Sinubukan niyang tawagan si Pj para tanungin kung may tumawag ba sa kanya kanina, pero nalungkot siya ng hindi sinasagot ni Pj ang tawag niya. Maya’t maya pa ay, tinawagan niya ulit ang kasintahan pero ganun pa rin ang naging resulta.

Naligo na lang muna siya at saka tinignan ang anak. Pagkalabas niya ng kwarto, sakto namang lumabas si Yaya Lina galing sa kwarto ni baby Raffy.

„Tulog na si baby Raffy,Ya?“

“Oo, iha. Katutulog lang. Napagod siguro sa paglalaro niyo kanina“,tuwang-tuwa na sabi ni Yaya Lina.

„Sige po, Ya, tignan ko lang po siya.“

„Gusto mo bang dalhan kita sa kwarto mo ng pagkain?“

“Hindi na po, baba na lang po ako mamaya. Magpahinga na po kayo”, lambing na sabi ng dalaga at pumasok na siya sa kwarto ni baby Raffy.

Umupo siya sa tabi ng anak.. “Anak, sana kausapin na ako ng Tito Ralph mo, kasalanan naman kasi ni Mommy kaya galit si Tito ngayon”, malungkot na sabi ni Asher na animo’y kausap talaga ang anak.

Hindi nagtagal bumaba si Asher at kumuha ng makakain at saka pumanhik ulit sa kwarto. Sinubukan niyang tawagan ulit ang kasintahan pero wala pa rin siyang naririnig na sagot nito. Nakailang text message din siya pero talaga atang galit sa kanya si Raph. Nakatulugan niya na ang kanyang ginagawa at hindi niya narinig ang tawag ng kanyang kasintahan.

Dumating ang mag-asawa at napansin na namumugto ang mag mata ng kanilang anak. Nakita rin nila ang phone ni Ralph na nasa sahig. Kinuha ng daddy niya ang cellphone at saka lumapit sa kanyang anak.

„Gusto mo pa ba ito or ipapamigay ko na lang?“,biro ng kanyang ama.

Nilingon ang ama at kinuha ang cellphone.

“Sorry, pero hindi ko lang mapigilan. Dad, kailangan ba talaga na dito ako magpa-therapy? Hindi ba pwdeng sa Pilipinas na lang?”, tanong ng binata na nagmamakaawa sa ama.

“Hay! Pag-ibig naman talaga”, sabi ng ina na nakalapit na pala sa kanila.

“Hon, mas maganda kung kausapin mo ang anak mo”, napapailing na sabi ng ama.

“Parang mababaliw ako kapag hindi ko siya nakikita, lalo pa at wala na siyang oras sa akin”,patuloy ng binata.

“Hindi ba, sabi niya na magiging busy siya sa trabaho?”, paglalambing ng ina para mapanatag ang loob ng anak.

„Ma, alam ko un  pero sana kahit busy siya, sana kahit saglit lang tawagan or itext man lang niya ako. At gusto ko rin andoon lang ako malapit sa kanya. Kaya please, sana pakiusapan niyo ang mga doctor kung pwde sa pinas na lang, please“, parang batang nagmamakaawa si Ralph.

“Tignan ko kung papayagan ka nila, besides much better kung doon ka na lang sa pinas, para mas madali kang gumaling. Sa nakikita ko, mas lalo ka pa atang lumala“, pagbibiro ng ama at nagtawanan na lang sila sa huling sinabi ng ama.

Inayos ni Ralph ang telepono at nakita niyang nakailang messages din ang dalaga sa kanya at ang dami niyang message sa mailbox niya na galing kay Asher. Iisa lang naman ang mensahe ng dalaga at ito ay humihingi ng tawad dahil nakalimutan niya ang cellphone after nung lunch nila ng kliyente niya.

Nahimasmasan naman ang binata sa nabasa niya at nalaman niyang kliyente niya ang kasama nito. Sinubukan niyang tawagan pero nag-riring lang ito at naisip niya na baka tulog na ang kasintahan.

“Sana Papa God, payagan ako ng mga doctor na doon na lang sa Pinas magpa-therapy. Gusto ko sanang makasama ang pinakamamahal kung prinsesa”, bulong nito sa sarili at napa-buntong hininga na lang ito.

BRIDGE TO FOREVER (Ashienda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon