Three//

52 1 3
                                    

Three//

*mahabang hikab*

Grabe! Ang boring naman magturo ng prof na ‘to. Nakalimutan ko na nga anong subject yung tinuturo niya eh. Buti may nakakatagal pa dito. -____________-“

*tingin sa paligid*

Ang daming tulog. Tsk. Kung ‘di pa ‘to matatapos, ‘di magtatagal, isa na rin ako sa kanila. Tsk.

*mahabang hikab ulit*

Tae, nakakaantok talaga. Malapit na malapit na talaga akong bumigay. Naku, antok! Lubayan mo ako! Parang awa mo na! Naluluha na ko.

Waaaaaaaaaah! Di ko na talaga kaya! Ayoko na! Matutulog na ko! Naiiyak na ko sa antok.

Sinubsob ko na yung mukha ko sa desk ko. Hilang-hila na talaga ako ng antok.

Alam ko 3 hours pa ‘to eh. Shet! Isang oras pa lang yung nakakalipas. Itutulog ko na lang talaga ‘to.

Malapit na kong makarating ng dreamland.

Nararamdaman ko ng nabablock na yung pandinig ko sa sinasabi ng prof namin. Pati yung paghiwalay ng kaluluwa ko sa katawan ko nararamdaman ko na din. Para akong hinihigop.

Ayan, antok na antok na talaga ak-

*poke*

“Hmm..” habang nilalayo ko yung braso ko sa kung sino man ang nang-iistorbo sakin.

*poke*

“Hanubaaaaaaaaaa..” mahina kong sabi ng sa pisngi naman niya ko tinusok ng daliri niya.

*poke*

“Takte! Ano ba?!” napaangat na ng tuluyan yung ulo ko sa pagpoke niya sa mukha ko sa pangalawang pagkakataon.

Shiiiiiiiiiiiiiiiiiiit. Napalakas yata!

Nakatingin na kasi lahat ng kaklase ko pati na rin yung prof namin sakin.

Leche! Akala ko ba tulog ‘tong mga ‘to?! Ba’t gising na gising sila ngayon?!

“Ms. Pineda, is something wrong?” tanong ni Sir .. ano na nga bang pangalan nito?!

“Ahh.. no sir. There’s none,” may ngiti pang kasama yan.

“Okay, but please. If you are trying to take a nap, take the couch here in front. We can always study the behavior of a sleeping person,” Aish, nahuli pala ako. Leche lang!

“Thank you for the invitation Sir. I’ll try to take that in mind,” alien pa ko dito, kailangan magalang.

Naiinis akong tumingin sa taong naging bwisit sa nakalipas na limang minuto ng buhay ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Nakangiti siya sakin. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko.

“Jocelyn!” madiin yung pagkakabulong ko. Anoba! Bestfriend ko ‘to nung high school. Anong ginagawa nito dito?!

“Hi, Marj! ^_________^”

“Ngiting-ngiti ka pa dyan, parang wala kang kasalanan sakin.”

“Sorry! Ang cute mo kasing matulog eh! ^_________^”

“Ewan ko sayo!”

Bastos kami. May prof kami, nagdadaldalan kami. =)))))

“Kailan ka pa lumipat dito?” tanong ko sa kanya.

“Matagal na,” sagot naman niya na parang  walang pakialam sa sinabi ko. Pareho kaming nakaharap sa harapan para hindi kami mapansin.

“Ang tagal mong nawala ah. Kailan ka pa nakabalik?” tanong naman niya sakin.

“Last week lang,” sagot ko pabalik.

“Hmmm.. so, kumusta na kayo ni Tyron?”

Napatingin ako sa kanya.

”Sinong Tyron?”

Tumingin din siya sakin. Nakangiti. Saka tumingin ulit sa harapan. Nakatitig lang ako sa kanya.

“Alam kong bitter ka sa kanya pero sana nakamove-on ka na. Matagal na yun Marj, sana mapatawad mo na yung tao. Alam mo naman yung totoong nangyari, hindi niya yun ginusto,” sabi niya sakin.

Nakatitig pa rin ako sa kanya. Tumingin ulit siya sakin.

“Patawarin mo na siya, Marj,” malungkot niyang dagdag habang nakangiti pa rin siya. Tapos tumingin ulit siya sa harapan.

Tumingin na din ako sa harapan.

“Wala akong kilalang Tyron, Jocelyn. Hindi dahil sa nagkukunwari ako, hindi ko talaga siya kilala.”

Napalingon siya sakin. Gulat yung mga mata niya. Ngumiti na lang ako sa kanya.

“Makinig na nga lang tayo, hindi ko naman alam yung sinasabi mo eh.”

Humarap na lang siya ulit sa harapan. Tahimik lang kaming nakikinig. Tahimik naming pinapakiramdaman kung magsasalita ba kami, kung kakausapin ba naming ang isa’t isa.

*BLAAAAAAAAAAAAAG*

Napatingin kaming lahat sa kakabukas lang na pinto.

“I hope you have a very good explanation in disrupting my class, Mr. Tan,” sabi ni prof, na hindi ko pa rin matandaan kung anong pangalan, sa lalaking nangahas guluhin ang klase niya.

“Yes, Sir. I’m looking for Ms. Marjulie Rose Pineda.”

 -----

Author's Note: [Pangatawanan ang pagiging bold ng a/n's. =)))] 3 weeks na din ang nakalipas nung last update nito. Sorry sa mga readers nito. :))) ayun, itatry kong habulin ng mga 3 chaps bago matapos ang June. Busy na kasi ulit sa school.

Ayun lang. Kthanksbye! :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Memories [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon