Chapter 12: Cats and Curiousity


"You can't say anything about the mansion, or about us, or what happened to you last night. Keep everything you've seen and heard in your head. That is... if you still want to preserve your useless life."

Nakatuon lang ang paningin ko sa harap habang nakaupo sa passenger seat ng asul na Bugatti Peyvron ni Van. This jerk doesn't deserve this heavenly car. Uh. My useless life. Yun ang mga binitiwang salita ni Sebastian bago kami umalis ng mansion. Nakakainis! Gusto kong manakit ng tao! Gusto kong bugbugin ang Tres na yun! Pero siyempre, hindi ako isang Superhuman. May mga limitasyon din ang kakayahan ko. Nakakabadtrip lang yung feeling na wala akong kalaban-laban kay Tres. Na wala man lang akong nagawa nang bigyan niya ako ng death threat kanina. Gusto ko talagang saktan ang pesteng Sebastian Freniere na yun!

Ikinuyom ko ang aking kamao at tumingin sa driver's seat. Van, in his glorious perfection, is just serious and silent while driving the car. Isa pa itong buwisit na ito. What he did last night is... is so... is so unnecessary. Grr! It really felt wrong to be defenseless.  I gritted my teeth. I'm so annoyed with everything! Then without a word, I punched the car window beside me. I heard a silent crack because of the strong impact. But it's not the window that's broken. It's my friggin hand! Damn it! It's a bullet proof car! Crap!

Agad na nagpreno si Van sa pagkagulat sa ginawa ko subalit madali rin niyang naibalik ang focus sa pagmamaneho.

"What the hell do you think you're doing? Do you want to break my bloody car?" He cursed. I glared at him habang pinipilit na balewalain ang kirot sa aking kamay. But I just can't ! Damn! Kelan pa ako naging masochist?

"Damn you!" I screamed at him. Crap! My friggin' hand is freaking painful. Tsk! Totoo pala yung naririnig ko about sa sobrang sakit na gusto mo nang mamatay. Van, unaware of my condition, grabbed my right arm harshly. Medyo natatanaw ko na ang Montello High. It's Saturday! Thank God! Marating ko lang ang dorm, mananahimik na ang kaluluwa ko!

"Anumang oras ay hawak ko ang buhay mo kaya ayusin mo ang sarili mo!" Nagtitimping wika ni Van. Hindi niya binitiwan ang braso ko. Mas humigpit lang ang hawak niya habang nagmamaneho ang isa niyang kamay. It brought more pain into my hand.

"Ouch! Damn it! Careful!" Hindi ko natiis at muli ko siyang sinigawan. Napatingin naman siya sa nagda-dark red ko nang kamay. There's something thoughtful that crossed his face then it washed away with blankness. Lumuwag naman ang pagkakakapit niya sa braso ko. Pero hindi niya pa rin iyon binibitawan.

"Tiisin mo yan. You deserved it," seryoso niyang wika. Mas binilisan niya ang pagpapatakbo sa sports car. Sh*t! It's like we're on a race! Uh! I definitely don't need a car crash! Hinayaan lang kaming makapasok ng guard sa gate. Hindi siya huminto sa tapat ng boy's dormitory, sa halip ay sa mismong Montello Main Building siya tumigil. Agad siyang lumabas ng kotse. Hahawakan ko pa lang ang handle ng pinto ay agad na niya iyong nabuksan at hinila na ako palabas.

"Jerk!" I hissed. Naglakad--correction-- kinaladkad niya ako papasok ng building at huminto kami sa tapat ng school clinic. I looked at him unbelievingly. Dinala niya ako sa school clinic. That's the most hilarious joke I've ever got! Hey people! Van has got a heart!

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!