Chapter Fourteen

52.8K 1.2K 15
                                    

KALALABAS lang ni Devin mula sa banyo at nakatapi pa ng tuwalya. Binuksan ang closet upang humanap ng maisusuot. Gusto niyang malula sa napakaraming damit na nakahilera sa closet. Magagandang lahat iyon at mamahalin.

Buong buhay niya'y hindi siya mahirap pero hindi siya nagmamay-ari ng mga ganoon kagaganda at mamahaling damit. Hindi dahil sa hindi niya kayang bumili mula sa allowance niya kundi walang silbi gaano man kaganda ang isang damit sa dati niyang anyo.

Kahit ang mga panloob ni Mariz ay pulos mga designer's label. All in scanty laces and string bikinis. For her, they do not serve the purpose dahil halos wala namang natatakpan. Kumuha siya ng isang kulay-puting lace panties at isinuot kasabay ng pagbagsak ng tuwalya sa sahig. Humarap sa salamin at napahugot ng hininga sa briefs na halos nakikita rin naman sa pinong mga laces ang harapan niya.

Dumako ang mga mata niya sa isang puting cotton blouse. Hinila at isinuot. Hindi pa niya nagawang ibutones man lang lahat ang blusa nang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Jason.

She almost panicked sa ikalawang pagkakataong napasukan siya ni Jason na halos hubad. She couldn't just pick up the wet towel para itakip sa ibabang katawan. She is supposed to be married with this man at may anak na. Ano ang dahilan para itago niya ang katawan na kung tutuusin ay nakita na ni Jason bilang si Mariz?

She took a calming deep breath. Sinikap bale-walain ang sariling anyo bagaman wala sa loob na inilagay sa dibdib ang isang kamay.

Si Jason ay itinulos sa pagkakatayo. Enchanted. She was so alluring wearing only her blouse. At bago pa nailagay ng asawa ang kamay sa bahaging nakabukas na blusa, he already had caught a glimpse of those twin delights that he couldn't help the untimely arousal.

Si Devin ay parang gusto nang maupos sa pagkakatitig ni Jason sa katawan niya.

"D-dumating—ka na pala." halos hindi lumabas sa bibig niya iyon.

"Kani-kanina pa," he said in a harsh voice. Humugot ng hininga at itinuon sa mukha niya ang mga mata. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng lalaki sa embarrassment na nasisilip sa mga mata ni Devin. And her face turned rosy pink to emphasize the obvious. Hindi kaya sumosobra na ang drama ng asawa to play demure? But surely, hindi nafe-fake ang pamumula ng mukha. O dala marahil iyon ng hot water mula sa shower.

"M-may kailangan ka sa... akin?" nauutal pa ring sabi niya. How she wish na lumabas uli ang lalaki.

"May tawag ka sa telepono," ani Jason na naalala kung bakit napapanhik siya sa halip na sa library magtuloy. "Kaibigan mo raw. Ninia ang pangalan. Wala akong natatandaang may kaibigan o kakilala kang Ninia..."

Umilap ang mga mata ni Devin at ibinalik ang tingin sa loob ng closet. Naghanap ng shorts, palda o pants na maisusuot. At dahil nalilito ay hindi mahagip ng tingin ang hinahanap.

"May—mga kaibigan akong hindi mo kakilala," sagot niya na yumuko sa closet. Unaware na sa ginawa'y lalong natambad sa lalaki ang likuran niya. Jason inhaled sharply. Firm and rounded hips and a perfect behind. His desire failed to notice some changes that lingered in his mind.

"Sagutin mo sa extension, Mariz," wika nito sa nanunuyong lalamunan. "Kanina pa sa linya ang kaibigan mo."

Muling tumuwid ng tayo si Devin. Itinuon ang tingin sa telepono sa table lamp sa tabi ng kama. "Mag—bibihis muna ako..." hindi niya yata magagawang humakbang patungo roon nang half-naked habang nagmamasid si Jason.

"Does it matter?" Muling hinagod ni Jason ng tingin ang asawa. He couldn't help the teasing tone dahil na rin sa nakikitang pagkailang ni Mariz. Pagkailang na nagpapagulo sa isip nito at gusto nitong magalit. "This is ridiculous, Mariz. You are acting as if I haven't seen your body. You didn't suffer from amnesia, kaya siguro ay madali mong maaalala kung paano mo bale-walang inilalantad ang katawan mo sa akin, o kahit na marahil sa kaninong lalaki!"

Impostor - COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon