ALLYSSA'S POV:

"Finally you decide to stop riding his car pag papasok at uuwi ka" sarcastic na sabi ni Jess kay Ysabel pero inirapan lang sya nito
"Sino yun?" tanong ko kay Jessica
"Yung leader ng 4 flies" asar na sagot nya sakin
"4 flies?" curious na tanong ko sa kanya tapos tumango lang sya tsaka nya tinuro yung tatlong lalaki na kasalukuyang natutulog
"4 flies short for F4 dahil mukha silang lamok at kasing ingay rin nila ito" gigil na sabi nya
"Lamok? Kaya palagi kang gigil sa kanila?" tanong ko sa kanya tapos tumawa lang si Ysabel
"Mismo! Sarap nilang tirisin! Lalong lalo na yung nasa gitna" asar na sabi ni Jess habang naka tingin kay Joseph na kasalukuyang napagitnaan ni Kyle at Ernest kaya tumawa lang kaming dalawa ni Ysa

Nakatambay na naman kasi sila dito se detention! Naka tutulog silang tatlo habang naka upo ngayon sa may sofa.

Ito namang si Jessica kahit kailan galit na galit sa kanilang apat pati nga sa kapatid ni Ysabel na si Xander galit na galit sya eh wala namang ginagawa.

Pinaka unang reason kung bakit galit na galit sya sa kanila ay dahil daw palagi nalang kaming naaway ni Ysabel ng dahil sa kanila tapos sunod naman ay dahil palagi syang pinag tritripan nitong tatlong kasama namin ngayon dito sa detention.

Hindi pa rin kasi tapos yung parusa nilang lima dahil sa palagi nalang nag extend ng one month yung parusa nila kaya mas lalong humahaba yung pag stay nila dito sa detention. Kaya lang naman palaging dinadagdagan ni Sir Jim yung parusa nila ay dahil sa palagi nalang kasing nakikipag away si Jess kina Kyle at Joseph.

"Are they still bothering you?" out of nowhere na tanong ni Ysa sakin kaya umiling lang ako sabay ngiti
"Yung totoo?" tanong naman ni Jess kaya tumango lang ako
"Seryoso!" sagot ko nalang sa kanila

Palagi nila akong tinatanong kung inaaway or iniistorbo pa rin ba ako ng MG. Sinabi ko nalang sa kanila na hindi na nila ako ginugulo kahit na sa totoo lang hindi pa rin nila ako tinitigilan. Ayaw ko lang na malaman nila dahil sa makikipag away na naman sila ng dahil lang sakin.

Ayaw ko nalang silang madamay pa.

"Sabihan mo lang kami pag may ginawa na naman sila sayo" sabi ni Jess kaya tumango lang ako
"Mamaya matakot ka na naman mabully" pang asar na sabi sa kanya naman ni Ysa kaya tumawa lang ako
"Anong takot!" mataray na sabi ni Jess tapos bigla nalang naubo si Ysa
"Ano!" asar na tanong ni Ysa sa kanya
"Look who's talking! Hindi ka takot? Seryoso ka ba? Wag ako lokohin mo babae ka" natatawang sabi ulit sa kanya ni Ysa kaya tumawa lang rin ako
"Well, noon yun! Iba na ngayon! Hindi na ako matatakot sa kanila" mayabang na sagot ni Jess tapos nag smirk lang si Ysa
"Seriously?" sarcastic na tanong sa kanya ni Ysa tapos tumango lang sya
"Well see then kung hindi ka na talaga takot mabully" natatawang sabi ulit ni Ysa tsaka kami nag high five dalawa

Itong si Ysabel parang member lang ng F4. Anlakas rin mang asar lalo na kay Jess. Pare pareho silang palaging inaasar si Jessica.

"Allyssa" tawag sakin ni Ysa kaya ngumiti lang ako sa kanya
"Please always remember that both of us are always here for you no matter what happened! We will protect you! Pag baliktarin man nila ang mundo ikaw pa rin ang bestfriend namin. Wala akong pake kung kahit gaano kaiba ang buhay mo samin dalawa! We didn't creat this friendship bese on what kind of life we have! We choose you as our friend because that is what we wanted! I don't care if your poor or not as long as your a good person that is what matters to us" seryosong sabi ni Ysa kaya tumango lang tapos bigla namang pumalakpak si Joseph

Hindi man lang namin napansin na gising na pala silang tatlo at kasalukuyang nakikinig sa usapan naming tatlo

"Your so lucky my dear" sabi ni Joseph sakin
"Bakit naman?" tanong ko naman
"Because you have friends like them! They are ready to fight for you and to protect you! That is what true friends are" seryosong sagot naman ni Ernest
"So ganun rin ba mga kaibigan mo?" sarcastic na tanong ni Ysa sa kanya tapos tinignan ni Ernest yung dalawang katabi nya tsaka sya lumingon ulit samin
"Siguro!" kinakabahang sabi nya tapos bigla lang syang siniko ni Joseph
"Gag*! Anong siguro! Wag na wag mo kakalimutan na tropa na tayo simula nursery! Na kami palaging nakikipag away para sayo" asar na sagot ni Joseph kaya natawa lang kaming tatlo
"Basta! Always treasure your friendship because that is more powerful that you ever imagine" sabi ulit ni Ernest kaya tumango lang ako tsaka na sya tumayo mula sa pagkakaupo nya sa may sofa
"It's time to go home" sabi ulit ni Ernest tapos dinala yung bag nya
"Let's go" sabi nya kay Joseph at Kyle tapos tumayo nalang rin yung dalawa tsaka na sila nag lakad palabas ng detention room

Sa totoo lang hindi ko talaga inaasahan na magiging kaibigan ko itong dalawang katabi ko ngayon.

Yung dati nawawalan na ako ng pag asa mag aral dito sa school na ito at yung gustong gusto ko na lumipat ng school kaso sabi nga ng magulang ko sayang yung chance na ibibigay sakin dahil magagamit ko rin ito para makapag tapos ng college.

Hindi ko inakala na makikilala ko silang dalawa tsaka hindi ko rin naisip na makakausap ko ng ganto yung members ng F4.

Kahit sobrang ibang iba yung buhay nila sakin, hindi nila pinaramdam na naiiba ako sa kanila. Never akong na out of place sa kanila. Yung hindi nila ako kinahiya na kahit member lang ako ng Social class at lahat sila ay member ng First class. Hinding hindi nila pinamukha sakin na naiiba ako sa kanila, yung wala silang pake kahit mahirap man lang ako.

Laking pasasalamat ko sa kanilang dalawa dahil pinaparamdam nila sakin yung feeling ng may tunay na kaibigan, na hinding hindi ka iiwan kailan man.

ALYANNA'S POV:

"Gusto mo bang magpa sundo nalang ng personal driver mo?" biglang tanong sakin ni Angelo habang nag drive sya
"What?" tanong ko sa kanya
"Should Mang Nonoy pick you up in our house everyday?" tanong nya ulit sakin
"Did you hear us earlier?" tanong ko sa kanya tapos tumango lang sya
"Why? Ayaw mo na ba ako isabay?" curious na tanong ko sa kanya
"No, of course not! I'm just asking! Baka kasi ayaw mo ng maki sabay sakin! You can ask Mang Nonoy to pick you up everyday! If ever na hindi ka nya masundo you can ride my car naman" seryosong sabi nya sakin kaya napa isip lang ako
"Di naman sa ayaw ko ng sumabay sayo pag pasok at pag uwi! It's just .. I don't want to make Jessica worried about me anymore" malungkot na sagot ko sa kanya pero hindi sya sumagot

Hindi naman sa umaayaw na ako maki sabay sa kanya. Ayaw ko lang kasi mag alala pa ng lalo si Jessica sakin dahil sa palagi nalang ako pinag kakaguluhan ng mga tao sa school dahil sa gusto nilang malaman kung ano ba talaga ang meron kami ni Kyle.

"Are they still bothering you?" biglang tanong nya sakin
"Who?" curious na tanong ko
"My ex!" seryosong tanong nya tapos umiling lang ako
"Well, hindi sya yung gumugulo sakin kundi yung mga kaibigan nya at yung mga ibang students sa school" sagot ko nalang sa kanta tapos bigla nyang itinigil yung sasakyan nya sa isang kanto
"Why are you stopping?" tanong ko sa kanya
"Starting tomorrow magpa sundo ka na kay Mang Nonoy!" seryosong sabi nya kaya tumango nalang ako
"Para hindi ka na rin nila pagka guluhan at pag usapan" sabi nya kaya tumango lang ulit ako

So nag aalala sya sakin?

Ang assuming ko naman kung ganun!

"By the way do you want to visit your hacienda this weekend?" biglang sabi nya sakin kaya bigla akong napasigaw
"Why are you screaming!" asar na sabi nya sakin kaya tumawa lang ako
"Gusto mo ba o hindi?" asar na tanong nya sakin
"Syempre gusto!" tuwang tuwang sagot ko naman sa kanya kaya nguniti lang sya

OH MY GOD!

Sa wakas makakauwi na rin ako ng Cavite! Matagal na akong hindi nakaka punta sa hacienda simula nung lumipat ako ng Manila.

Shocks!

Hindi ko expect na bigla syang nagka idea na dalhin ako sa hacienda!

"Are we really going to Cavite?" tanong ko sa kanya
"If that's the only way to relieve your stress and depression in school then why not" sagot nya sakin kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla ko nalang syang niyakap
"Thank you so much Angelo! I really really appreciate it" tuwang tuwang sabi ko habang naka yakap pa rin sa kanya

Habang naka yakap ako sa kanya bigla nalang nya ako tinulak palayo sa kanta tapos pag tingin ko sa mukha nya naka tulala lang sya.

"Sorry!" sabi ko nalang sa kanya pero hindi sya sumagot at humarap nalang sya sa may manubela tsaka na sya nag drive nalang ulit

My god!

Hindi ko inaasahan na may side oala syang ganto!!

So worried rin pala sya sa pagka stress ko sa buhay!!

Shocks!! Kinikilig tuloy ako!!

Secretly Married To The Campus Prince (ON GOING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!