15.2

2.1K 184 41
                                    

I know, I know bitin na bitin kayo the other day.✌🏻 patatagalin pa ba natin toh?!😬

Part two na agad agad... love ko kayo eh!😉

Play the song attached to this part okies?! Promise, it will set the mood😉
😍💛💙💚💙💛😍

****************

Dei wasn't able to sleep very well last night. She didn't even know how she was able to find her way back home after what happened. The way Richard held both of her hands brought shivers down her spine. The way he looked deeply in to her eyes found its way to her very soul. She couldn't believe that she just said yes to that date. She could hardly imagine how well Richard persuaded her with those mesmerizing eyes. And that moment kept her awake almost all night.

As soon as she woke up, she immediately grabbed her watch from the bedside table and checked the time. It was already six o'clock in the morning. She rose from the bed and went to the window to feel and breathe in the breeze of the Sagada morning. She looked up in the sky and took the moment to say her morning prayer.

"Great morning po! Thank you Lord for another day to live. Thank you po kasi hindi Niyo ko pinapabayaan. Thank you for bringing Tita Rosie and Richard in to my life. Somehow po, nararamdaman ko na hindi na ako nag-iisa. Salamat po sa tulong Niyo through them. Ngayon ko lang po ulit nararamdaman yung maging masaya kahit na sa mga simpleng bagay. Pero Lord, natatakot pa rin po ako. Natatakot akong maging masaya dahil alam ko panandalian lamang itong lahat. Yung takot sa puso ko ngayon mas dumoble pa. Kung dati natatakot lang po ako sa posibilidad na mahanap ako ni Mark dahil alam ko po ang kaya niyang gawin sa akin. Ngayon po lalo akong natatakot simula ng makilala ko si Richard. Hindi ko po pinagsisisihan na hayaan ang sarili kong makilala siya dahil ang totoo po nyan, talagang yung puso ko kakaibang saya yung nadarana sa tuwing kasama at kausap ko siya. Pero lalo po akong natatakot ngayon dahil alam ko sa sarili kong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya lalo na po at madalas kaming magkasama.  Natatakot po ako na baka dumating yung araw na hindi ko na mapigilan ang puso ko at tuluyang mahulog sa kanya, at siya ay mahulog sa akin. Dahil nasisigurado ko po na pag dumating kami sa puntong iyon, lalo ko pong hindi makakayanan kung may mangyayaring masama kay Richard. Mahalaga na siya sa akin kaya ayoko rin siyang mapahamak. Kung sakaling dumating ang oras na matunton ako ni Mark dito, hindi po kakayanin ng konsensya at ng puso ko kung madadamay ang ibang tao, lalong lalo na po si Richard. Kaya hinihiling ko po na tulungan Nyo ko. Yung puso at isip ko po ngayon talagang nagtatalo dahil sa takot. Dahil sinasabi ng isip kong nababalot ng takot na wag na kong tumuloy ngayon at tigilan ko na ang pakikipagkita at pakikipagkaibigan kay Richard. Pero yung puso ko tumatalon, nagpupumiglas at parang gustong kumawala papunta sa kanya dahil alam nitong doon lang ako sumasaya. Deserve ko po bang sumaya ngayon kahit alam kong masasaktan ko lang siya sa huli? Nahihirapan po ako Lord. Ayoko pong maging selfish kay Richard pero gusto kong pabigyan ang puso ko na maging masaya. Bigyan Nyo po ako ng sign Lord. Alam kong ituturo Nyo sa akin kung ano ang dapat..."

She didn't notice the tears already flowing in her eyes while she was crying in her silent prayer until she heard Tita Rosie calling her name from the kitchen. She wiped her eyes dry, instantly opened the door and went to the kitchen where she found Tita Rosie standing just beside the dining table. She went near her and asked,

"Tita pasensya na ho hindi ko kayo narinig agad. Kanina pa ho kayo?" She asked

"Iha, Maine, pasensya na nagising ba kita? Naku hindi naman, ako nga yata ang nakaabala. Oh bakit mugto yang mata mo? Umiiyak ka ba?" Tita Rosie asked as Dei stopped in front of her.

"Aaah, hindi po tita. Okay lang po talagang gising na ko. Puyat lang po ito." She gave an alibi.

"Ikaw na bata ka. May puyat bang medyo mamasa-masa pa ang mata? Parang kakaiyak mo lang eh. Ano bang nangyari? May masakit ba sayo?" Tita Rosie inquired.

"Ay wala po tita, wag niyo na po akong alalahanin. Kumain na po ba kayo? May bread pa po ako dyan, sabay na po tayo mag-agahan." Dei replied trying to change the topic.

"Sige lang iha, tapos na ako. Napadaan lang ako talaga para kumustahin ka. Medyo matagal na din kasi nung huli kitang nabisita. Pero hindi rin naman ako magtatagal dahil marami akong gawain." Tita Rosie responded.

Dei smiled as she succeeded in changing the topic and said, "Ganun po ba? Salamat po sa pagbisita. Okay naman po ako dito. Wag niyo po akong alalahanin. Kinakaya naman po."

Tita Rosie smiled back at her and replied, "Oh sige, sige, hindi na ko magtatagal ha. Pero Maine, babae din ako kaya alam ko yang ganyan. Malakas ang ESP nating mga babae. Kaya kahit di mo sabihin, nararamdaman kong may pinoproblema ka. Ipagdasal mo yan iha. At pag handa ka ng magkwento, sa susunod na punta ko kwentuhan mo na ako ha."

"Opo tita. Thank you po. Salamat po sa lahat lahat." She answered as tears brimming in her eyes once again.

"Oh sige na, wag ka na iiyak ha. Kung anuman yang bumabagabag sayo, sana malampasan mo. Ipagpray mo. Pagpepray din kita. Wala man akong idea sa pinagdadaanan mo Maine, gusto ko lang sabihin sayo na iisa lang ang buhay na binigay sa atin ng Diyos. Kaya dapat sa iisang buhay na iyon, palagi natin pipiliin na maging masaya. Palagi mong susundin kung ano ang tinitibok ng puso mo. Dahil naniniwala ako na kung nasaan ang puso ng tao, doon siya tunay na liligaya. Kaya wag ka ng umiyak ha. Gusto ko sa susunod na magkikita tayo dapat nakangiti ka na. Yung ngiti na hindi lang dahil sinasabi ng isip mo na kailangan mong ngumiti. Yung ngiti na hindi pilit. Yung ngiti na galing dito...ngiti na nagmumula sa puso." Tita Rosie finished her statement pointing at her heart as she looked directly in to Dei's.

"Opo tita, tatandaan ko po. Promise po. Maraming maraming salamat po." Dei's tears fell continuously with Tita Rosie's words as it struck her. Indeed, Lord gave him an answer in an instant through Tita Rosie's words of wisdom. She wiped her tears with the back of her hands as she walked with Tita Rosie to the front door. She opened it for her and smiled as she bid her goodbye.

As soon as Tita Rosie left, she went back to her room and checked the time again. It was already quarter to seven. She still has an hour and fifteen minutes to get ready for the day.

"Deserve mo ba talaga toh Dei? Pero sabi nga ni Tita, kung nasaan ang puso mo, doon ka tunay na liligaya. Salamat po sa sign Lord! Isa lang naman po ang sigaw ng puso ko ngayon eh, alam kong alam Nyo na po yun."😍

****************

A/N: Eto naaaa, konting kembot na lang talaga magdedate naaa! Tuloy na tuloy na!😍

~ Salamat po sa patience niyo. Next chapter "friendly date" na nila. Thank you po sa patuloy na pagtangkilik sa kwentong ito. Hindi pa din ako makapaniwala na #244 na tayo sa ranking! Thank you po. Sana nag-eenjoy pa rin kayo!😘

~ Do you believe in signs? Naincorporate ko siya dito kasi talagang naniniwala ako sa signs ni Lord. Based on experience at siguro sa lakas na din ng faith ko. Pero God really works in ways so unexpected it feels surreal. Nakakaamaze diba?!😍 wala lang, nashare ko lang... hehe!

~ Please feel free to vote, comment or ask questions...i will reply to all of you as soon as i can... syempre, love ko kayo eh!😘

~ again and again, not proofread!✌🏻

🧚🏻‍♀️tinkybella🧚🏻‍♀️

Safe HavenWhere stories live. Discover now