Talumpati tungkol sa Pag-ibig

16.9K 37 19
                                    

by: Ethelou A. Sellana

Magandang umaga sa ating lahat, ang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa pag-ibig kung ito nga ba ay inspirasyon o distraksyon? Ano nga ba ang pag-ibig? Ang pag-ibig ay kadalasang pinag-uusapan ng karamihan, ito ay hindi nakikita sapagkat ito ay nararamdaman, ito ay pinapakita sa pamamagitan ng mga kilos at salita. May apat na anyo ang pag-ibig , may pagmamahal sa pagitan ng mga kaibigan, may pagmamahal sa pagitan ng babae at lalaki, may pagmamahal sa pamilya at may pagmamahal sa Dios. Ngunit ang mas nakakapukaw atensyon ay ang pag-ibig sa mga kabataan habang nag-aaral. Ang pag-ibig habang nag-aaral ay may magandang maidudulot sabi nga ng iba at may hindi din magandang maidudulot.

Sabi ng karamihan, kapag ikaw ay umiibig palagi kang nakangiti at maaliwalas ang mukha, masayahin at masigla. Aktibo sa klase at hindi umaabsent at tumataas pa nga daw ang kanilang grades? Siguro nga sila yung mga taong ginagawa nilang inspirasyon ang pagmamahal. Sabi din ng iba ito ay distrakyon sa pag-aaral, nahahati ang iyong oras sa pag-aaral at sa iyong minamahal. Madalas pa ngang iniisip ng kabataan ang kanyang lovelife kumpara sa kanyang mga takdang aralain o proyekto. May ilan din kasi na ang kanilang minamahal ay nakakaimpluwensiya ng masama sa kanila kagaya ng umabsent dahil may date, may iba din na nag te-text kahit may klase na dahilan din kung bakit sila nadistrak. At higit sa lahat ito ay isa din sa dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang maagang nabuntis at nag-asawa.

Pero kung ako ang papipiliin , ang pag-ibig ay isang distraksyon, bakit? Dahil hindi maganda ang naidudulot nito, bakit hindi muna natin ipagpaliban ang ang ating nararamdaman. Sundin muna natin ang payo ng ating mga magulang na tapusin muna ang pag-aaral. Gawin nating inspirasayon ang ating pamilya at mga kaibigan. Lagi niyong tatandaan na "True Love Waits" may tamang panahon ang lahat, wag tayong magmadali baka tayo lang ay masaktan. Yung mga kabataan na ginagawa nilang inspirasyon ang pagmamahal mabuti itong pakinggan pero may katapusan yan, hindi sa bitter ako pero sa murang edad ay hindi maiwasang kayo ay masasaktan lang, lokohin o kayay iwan. Malungkot na isipin pero yan ang katotohanan. At kapag ikaw ay nasaktan maaapektohan ang iyong performance sa klase nag bibigay lamang ito ng distraksyon sa inyong puso't isipan, wag niyong kakalimutan na tayong mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan.


Pag nabasa mo to, marunong kang mag-basa. Dejowk😂
Pag nabasa mo to, follow mo ko yun lang naman. Welcome😂

Wag mong angkinin o e copy paste baka magka pareho kayo ng kaklase mo hahaha😅

Talumpati tungkol sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon