Yulie's POV

"Sige, order ka lang ng gusto mong kainin." sabi ko kay Kenchan.

Masayang-masaya naman siya at umorder ng napakarami. Pagkatapos naming umorder, kumain na kami. malamang, di naman pwdeng titigan namin yung pagkain.

"Burp!" ako

"Waiter, magkano lahat?" tanong ko sa waiter.

Sinabi na ng waiter yung cost ng inorder namin.

"Oh Kenchan, bayaran mo. Magccr lang ako." sabi ko sabay tayo.

"O-oh teka! Akala ko ba date natin to? Ikaw ang nag-aya ah, kaya ikaw ang magbabayad!" sabi niya sakin

"Ako lang ang nagyaya, pero ikaw ang magbabayad. Tss, sige na, cr lang ko."

"Hoy teka-- ang dami kong inorder tapos ako din pala ang magbabayad? Leche ka talagang babae ka!" sigaw niya sakin

"Waiter, kapag di niya binayad, ipagpahugas niyo ng pinggan yan, okay?" sabi ko tapos dumiretso na sa CR

Paglabas ko sa CR. Yes! Nabayaran na ni Kenchan yung mga inorder namin. Kaya umalis na kami sa restaurant. Inaya ko naman siya sa playground. Nung una ayaw niya, kasi daw, gabi na daw, baka daw may multo o aswang. Binatukan ko, kasi ang OA lang eh.

Nakaupo kami sa swing.

"Akala ko ba nililigawan mo ako?" Kenchan

"Oo, nililigawan kita. Hindi ba halata?" ako

"Hindi."

"Tss, pano mo naman nasabi? Nag eeffort kaya ako araw-araw para sayo, kahit walang kwenta ka!" sabi ko sakanya

"Oh ayan! Kagaya niyan, nililigawan mo ako pero sinasabihan mo ako ng walang kwenta. Ikaw ata ang walang kwenta sating dalawa eh. Tapos nung isang araw, akala ko bibilhan mo ako ng damit, pinasukat mo lang pala sakin. Kanina naman sa resto, pinag order mo ako ng pinag order, ako din naman pala ang magbabayad." sabi niya sakin

"Aba! Nagrereklamo ka ba, ha?!" sigaw ko sakanya

"Baliw!" sabi niya sakin

Napabuntong hininga na lang ako. "Hay! Alam mo hindi ko nga alam kung bakit ginagawa to eh. Kahit alam ko namang, marereject lang ako. Alam naman natin ang tipo mo eh, yung mga sexy, magaganda, hot at chick type. Yung mga nasa FHM. Tss, maniac ka kasi. Pero tatry ko lang naman eh, baka sakaling magpalit yang isip mo." sabi ko sakanya

"Ang dami mong sinasabi eh. Alam mo pwde namang magpalit ang tipo ko, wag ka lang abnormal. Baka sakaling magugustuhan din kita."

"Abnormal? Ako?! Sipain kaya kita dyan!"

"Dyan ka nanaman, may nanliligaw bang nagbabanta pang sisipain ang nililigawan? Buset kang babae ka."

"Oh ikaw din naman ah, may nililigawan bang sinasabihan ng buset ang manliligaw? Bastos ka talaga"

"Tss, ikaw naman ang nauna ha? Hindi lang ako ang bastos. Bastos ka din naman!"

"Ah bastos talaga ako. Lalo na kapag tumawag ako ng mga engkanto at multo ngayon. Alam mo, hindi din masama ang idea ko, since tayo lang ang andito. Para naman may kasama tayo."

"Heh! Tumigil ka nga. Di kana bastos." sabi niya sakin

Ayun! Natakot din! Wahahaha. :D

Micah's POV

Hay salamat! NagkaPOV din ako. Nakakahiya naman sila Kimeeko at Yulie. Si Kimeeko, namomoblema sa estado nila ni Nash, gago din naman kasi ni Nash eh.Si Yulie naman, nililigawan si Kenchan, kaya busy siya. Ako? Wala. Wala akong balita tungkol sa lovelife ko. Lagi ko na lang kasama si Kevin, at nauumay na ako, nakakasuka na ang mukha ni Kevin.

"Kevin!" sigaw ko sakanya. Opo, kasama ko nanaman siya ngayon. Nasa kwarto ko kami. Nakahiga ako sa kama, habang nagcocomputer naman siya.

"Kevin!" sigaw ko ulit. Ksi hindi niya ako pinansin. Busyng busy siya sa pagcocomputer. Kaya tinapunan ko na ng unan.

"Ah sht." lumingon siya sakin. "Problema mo? Bakit mo ako binato ng unan ha?"

"Eh kasi naman Kevin, lahat sila, busy sa lovelife nila, ako at ikaw? Wala! Wala tayong problema. Nakakaumay diba? Gumawa ka nga ng problema. Para namang may problemahin tayo!" sabi ko sakanya habang nakasimangot

"Ah gusto mo talaga ng problema? Yung malaking problema?"

"Oo, kasi nakakasawa na, lagi na lang tayong magkasama, minsan naman magkaproblema tayo." sabi ko sakanya

"Ah alam ko na, gusto mo talaga ng problema diba?" tanong niya, tumango naman ako sa sinabi niya.

"Pano kung buntisin na lang kita? Siguradong malaking problema yun!" sabi niya tapos tumawa ng pagkalakas lakas, at pumapalakpak pa.

Tinapunan ko siya ulit ng unan. This time, yung malaki na. "Hay! Kalokohan ka talaga Kevin. Bobo ka talaga!" sabi ko sakanya

"Aba! Ako pa ang kalokohan dito? Hindi ba ikaw? Imbis na nagpapasalamat ka dyan, dahil wala tayong problema, tapos ikaw nag iisip ka pa ng pwdeng problemahin dyan. Baliw ka nga!" sbi niya sakin

"Tss, oh edi SALAMAT PO KEVIN! Nagpapasalamat ako sayo ng lubusan!" sigaw ko sakanya.

- - - - -

Lazy's note: Short update eh? Uy ha, make a peep lang sa Married to a Haughty. External link na lang :) Salamat readers. And kapag gusto niyong padedicate, message niyo ako. Pero dinededicat-an ko lang ang mga nagcocomment, and ang mga readers na nasa reading list ang story ko. ^o^

Mr. Casanova is a daddy [LuYoon FF]Where stories live. Discover now