Chapter 19: Manager Ry

2.2M 52.1K 14.5K
                                    

Josh's Point of View


Months have passed. Ganoon pa rin naman. Puro away. Pero this time ay hindi na masyadong pagpapahirap ang ginagawa namin. Basta some things have changed. Ewan ko nga lang kung ano 'yun.

Pero the last few months may napansin akong medyo kakaiba sa mga kaibigan ko. Parang may mga problema na hindi naman talaga problema.

'Yung kay Ice, alam ko na 'yun. Hindi ko naman sinasadyang marinig.

'Yung kay Xander naman hindi ko alam. Basta ang napansin ko, madalang na siya mangbabae. Hindi sympre nawawala ang mga babae niya pero nabawasan na sila ng lagpas kalahati. Minsan nga narinig ko pa siyang nagsalita mag-isa. "I need to win. I know I'll win. Someday, I surely will." Ayan 'yung sinasabi niya. Baliw ata 'tong lalaking 'to.

'Yung kay Ken naman... ewan ko rin. Pero malakas ang kutob ko na tungkol 'to doon sa babaeng nakwento niya noon. 'Yung boses na maganda raw. Tinamaan siguro sa boses ng babae. Ang problema niya ay kung paano niya malalaman kung sino ang may ari ng boses na 'yun.

Buti pa ako walang problema. Walang inaatupag.

"Ang tagal naman nila!" reklamo ko habang hinihintay 'yung apat na babae. Nasa may No Name kami ngayon nila Ice, Xander at Ken kasi may sasabihin daw si Manager Ry na importante.

"Malapit na raw sila," matamlay na sagot ni Manager. Isa pa 'to. Mukhang may problema rin.

"Ano ba kasing sasabihin mo, Manager? Game na! Para makapaglaro na kami ng basketball."

"Mas maganda kung sabay sabay niyong malalaman."

Lumabas muna siya sandali kasi may aasikasuhin lang daw siyang importanteng bagay. Kaagad ko namang siniko ang katabi kong si Xander. "Tingin mo bakit tayo pinatinawag ni Manager?"

"Aba, anong malay ko? Magkakasama tayo nu'ng nagtext siya kaya paano ko malalaman?"

Sabi ko nga wala akong mapapala sa kanya.

"Manager!" sigaw ng kakarating lang na si Sab na nakangiti pa pagpasok na pagpasok sa office ni Manager.

"Ingay!" reklamo ko sa kanya. Nagulat naman ata sila na kami ang inabutan nila at hindi si Manager.

"Ay. Mali ata tayo ng napuntahan. Nasa impyerno ata tayo." Pagpaparinig ni Sab saka tumingin sa direksyon ko.

"Ganoon na ba kami ka-hot para isipin mong nasa impyerno ka na?"

"Wow. Kapal ng mukha. Hot ka? Talaga? Sigurado ka?"

"Oo. Siguradong sigurado. Halata naman tinatanong pa."

"Hot-hot-in mo mukha mo. Nasabi ko lang na nasa impyerno ako kasi may nakita akong demonyo."

"Hoy! Sinong demonyo sinasabi mo?"

"Malamang ikaw. Nagtatanong pa. Halata naman."

"Hindi ako demonyo! Gwapo pwede pa."

"Ano kamo sabi mo? Gago?"

"Gwapo! Anong gago sinasabi mo diyan? Gwapo sabi ko! Gwapo!"

"Ah. Gago." Tumatango tango pa siya.

Bwisit 'to ha. "Bigyan kaya kita ng cotton buds at linisin mo 'yang tenga mo. Pangit ka na nga, bingi ka pa. Paano ka na niyan?" sabay tayo ko sa upuan.

"Eh kung bigyan kaya kita ng alcohol at ibuhos mo d'yan sa mata mo! Panglinis lang. Pangit ka d'yan! Ang ganda kong 'to tapos sasabihan mo akong panget?" Tulad ko ay tumayo na rin siya sa upuan niya.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon