sya^ raw ang no.1 fan ni baby Andy!! Hanep na bata yun ba..may FAN na!! XDD kohmapsumnida nga pala sa patuloy mong pagread dito sa PB.. ;))) 

- - - - - 

x30: At His Place.. (part1~) 




[RACHELLYN's PoV] 


Saturday, quarter to 6PM na. 


Papunta kami ngayon ng baby ko sa condo ng tatay nya. 


Naka-taxi lang kami. Di kami masundo ni Adrian eh kasi biglang nasira raw ang kotse nya. 


Buti na nga lang din at pinayagan kami ni CJ. Alam ko namang papayag sya pero nang nasabi ko na ang tungkol sa 'surprise' ni Adrian, para syang nag-alangan bigla. 


Syempre, alam ko na kung bakit.. 


At alam ko rin kung paano ko sya mapapayag.. 


Para mapapayag sya, binigyan ko lang naman sya ng hindi mabilang na kiss and 'I LOVE YOU'! 


And as usual, UMABUSO SYA ULIT. Naka-ilang kiss at 'I love you' na nga ko sakanya eh hiniling nya pa na matulog sa tabi ko kagabi! >///< 


Pinagbigyan ko naman sya. Mahal ko ehh. Hehe..ayt! Madalang na rin kasi sya makapag-stay sa bahay kaya ganun.. 


Super busy na kaya sya sa school nya. Graduating na kasi sya tsaka unti-unti na rin syang sinasanay ng parents nya sa pag-handle ng family business nila.. 


*sigh.. 


Lagi na lang ako napapa-sigh pag naiisip ko kung gaano na sya ka-busy ngayon.. 


Feeling ko kasi, nagiging pabigat na kami ni Andy sakanya.. 


Napakarami na nga nya kasing ginagawa tapos pinipilit nya pang dumalaw samin kahit gabing-gabi na, kahit pagod na pagod na sya.. 


Minsan nga nang super late na sya nakadalaw, hindi na kami nakapag-usap pa kahit saglit kasi bumagsak at nakatulog na sya agad sa sofa! 


Naaawa tuloy ako sakanya.. Masyado na syang nahihirapan sa dami ng inaasikaso nya tapos dumagdag pa kaming mag-ina.. 


"PAPAA!!" sigaw ni Andy dito sa tabi ko. Nakadungaw pala sya sa bintana kaya agad nyang nakita si Adrian na hinihintay kami sa may labas ng condominium building. 


Pinahinto ko ang taxi sa tapat ni Adrian. 


Pagkahinto nun, sya na ang nagbukas ng pinto sa side ni Andy at agad na binuhat palabas ang anak namin. 


"Labas na Chelle." utos nya sakin. 


"Teka. Di pa ko nagbabayad noh." sagot ko sabay kalikot sa bag ko. 


"Di na. Ako na magbabayad." may inabot syang perang papel dun sa driver. "Keep the change na ho."


"AH SALAMAT!" tuwang-tuwa naman si Manong. 


"CHELLE? HALIKA NA." Psh! Bakit ba sya nagmamadali?! 


Inis akong bumaba ng taxi habang sya, todo ngiti. 


Pumasok na kami ng building nang buhat-buhat nya pa rin si Andy habang ako, sumusunod lang sakanila. 


Sumakay kami ng elevator. Medyo nag-alala ako sa baby ko kasi takot sya pag nasakay sa ganito eh! 


Pero mukhang okay naman si Andy. Nakayakap lang sya sa leeg ng tatay nya.. 


Sa 6th floor kami huminto at lumabas then naglakad ng unti. 


#1220.. 


Yan ang number ng pintong hinintuan namin. 


Number 1220.. Quite significant.. 


Err..did I say SIGNIFICANT?? 


Nagulat na lang ako nang nag-doorbell si Adrian! Bakit nya ginawa yun sa sarili nyang bahay?! 


Pagka-doorbell nya eh binuksan nya yung pinto. Parang siraulo lang talaga sya. =.= 


"Chelle, una ka na." Wow naman. Nagawa nya pang magpaka-gentleman ah? 


But in fairness, bagay sakanya. Nakakakilig. Pero unting kilig lang ah! Very slight lang! >///< 


Una nga kong pumasok sa unit nya. 


Aba, ang linis at-- 


"CHELLYYYY!!" 


O___O May bigla na lang yumakap saking babae! 


Wait.. CHELLY raw.. Isa lang ang tumatawag saking CHELLY eh! 


"MI..MILLIE??" niyakap ko itong babae at kinapa-kapa ang likuran nya. "I..IKAW BA YAN??" 


"AKO NGA!!" bumitaw sya sakin at hinarap ako with a very cheerful smile. 


Oh God.. It is Millie! Yung bestfriend ko nung highschool na..iniwan ko.. 


I managed to give back a smile but I couldn't help to get teary as well. 


Parang nung nakaraan araw lang ah, naalala at namiss ko sya then now.. She's right in front of me.. 


"CH-CHELLY?! WAG KA UMIYAK!" para syang nag-panic. 


Naiyak na nga ko at niyakap ulit sya. "So..Sorry Millie! Sorry bigla na lang akong uma..umalis non.. Bigla na lang..akong--" 


"ANO KA BA!" hinimas nya ulo ko. "Alam na namin kung bakit mo nagawa yun at syempre, naiintindihan ka namin.. Never din kaming nagalit sayo kaya wag ka na umiyak.." ginantihan nya ko ng mahigpit na yakap. "WE MISSED YOU, CHELLY.." 


"ANONG KAGULUHAN TOH??" mayabang na tanong ng isang lalaki na nagmula pa sa looban nitong bahay. 


Minukhaan ko pa sya and.. IT WAS LEVI! ANG PLAYBOY RIN NA BESTFRIEND NI ADRIAN! 


"LEVI.." tawag ko sakanya habang naiiyak at nakayakap pa rin ako kay Millie. >___< 


"Tsktsk, Millie! Ba't mo pinaiyak si Chelle?!" 


"UY, DI KO SYA PINAIYAK NOH!" depensa ni Millie. "DI KO KAYA MAGAGAWANG PAIYAKIN ANG BESTY KO!" >3< 


"HINDI MAGAGAWA PERO AYAN NA NGA! UMIIYAK NA SYA DAHIL SAYO!" 


"ANG KULET! SABI NANG DI KO SYA PINAIYAK EH!" >O< 


Natatawa akong humiwalay kay Millie at kinusot ang luhaang mga mata ko. 


"Grabe.. Namiss ko yang pagtatalo nyo.. Hanggang ngayon, aso't pusa pa rin kayo." ^///^ 


Ngumiti sila parehas sakin. 


Si Levi, lumapit kay Millie at inakbayan sya. "YEP! Aso't pusa pa rin kami pero ngayon, ASO'T PUSANG NAGMAMAHALAN NA KAMI!" 


"YUUCK! ANG SAGWA!" siniko ni Millie si Levi. Hehe. Parang nung high school lang ang eksena ngayon. 


Nag-aasaran sila, nag-sasakitan tapos mamya, magta-tampuhan na yan. Ang kaibahan nga lang ngayon eh nag-mature na ang mga itsura at porma nila. 


"Edi palitan natin!" inalis ni Levi ang pagkakaakbay nya kay Millie pero hinawakan naman nya ang kamay nun. "NGAYON, ASO'T PUSANG MAG-ASAWA NA KAMI!" 


O___O 


Di sana ako maniniwala pero pinakita ni Levi yung mga kamay nilang magka-hawak na may WEDDING RING! 


"K-KASAL NA KAYO?!" pasigaw kong tanong sakanila! O///O 


They smiled at me again. 


"Yes Chelly.." nagbablush na sagot ni Millie. "Mag-two years na kaming married.." 


"Oh my god.." napatakip ako ng bibig in too much surprise and happiness. 


I can't really believe it.. My two closest friends na pag nagdidikit dati eh parang bombang sasabog, ay kasal at mag-asawa na ngayon?? 


"ANG TAGAL NAMANG KAMUSTAHAN YAN?" rinig kong reklamo ni Adrian na nasa likuran ko. 


Sina Millie at Levi, natulala kina Adrian kaya napalingon ako sa likuran ko kung nasaan silang mag-ama. 


Buhat pa rin ni Adrian si Andy at kakapasok lang pala nila. 


"UYY!! YAN NA BA SI ANDY?!" excited na lumapit sakanila si Millie. 


"SYA NA NGA." nakangiti at mayabang na sagot ni Adrian. 


"NICE PARE.. ANG LAKAS LANG NG DUGO MO AH?" bilib na bilib naman si Levi. 


"TALAGA! ANG DAMI YATANG NAMANA NITO SAKIN KUMPARA SA NANAY NYA!" ang yabang talaga ni Adrian!! Nakaka..psh! >3< 


"HINDI RIN! YUNG SHAPE KAYA NG MUKHA, KAY CHELLY! PATI YU--" naputol ang sinasabi ni Millie dahil may bigla kaming narinig na NABASAG na crystal-something mula sa mas loob nitong bahay. 


"AH SHIT!" napatakbo si Levi papunta sa kung saan nanggaling yung tunog. "DEMI!!" 


Demi?? O___o 


Si Millie sumunod kay Levi. 


Si Adrian tumabi naman sakin. "Hayy ang likot din ng anak nila eh noh." 


"ANAK??" ulit ko sa sinabi ni Adrian. 


"Oo. Anak nina Levi at Millie, si Demi." 


"TALAGA?! MAY ANAK NA RIN SILA?!" 


Tumango si Adrian at mabilis akong napasunod kina Millie. 


Sa dining ko sila nakita. Si Levi, naglilinis ng nabasag na pinggan sa sahig. Si Millie, may buhat na batang babae! 


WAAAA.. ANG GANDANG BATA.. *O* 


"Demi baby, that was bad. Di ka dapat nangingi-alam ng gamit dito. Mag-sorry ka kay Tito Adrian ah?" sabi ni Millie sa anak nya na mukhang walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Ang bata pa kaya nya. Mas bata pa nga sya sa baby ko eh tsaka..ang ganda nya talagang bata.. Mana kay Millie! 


"Ayos lang, wag mo na pagalitan ang bata.." suway ni Adrian na nasa tabi ko na pala at buhat pa rin talaga si Andy. Di ba sya nangangalay? 


"PAPA!!" tawag ni Andy kay Adrian sabay turo kay Demi. Si Demi naman, sumama bigla ang tingin sakanya. "ANG PRETTY NG GIRL PO.." *O* 


"EH?" - Adrian 


"Ay Andy! Hindi ka nagkakamali dyan!" - Millie 


"Aba, aba. May taste yang anak nyo pag dating sa mga babae ah!" sabat ni Levi na tapos na sa paglilinis. 


"ANAK NAMAN!" inalis ni Adrian ang pagkakaturo ni Andy kay Demi. "GUTOM KA LANG KAYA MO NASASABI YAN! TARA NA NGA'T MAG-DINNER NA TAYO!" 


Adrian talaga.. Inaway tuloy sya nung mag-asawa dahil sa sinabi nya. 


Sa pag-kain, pinagtabi namin ni Millie ang mga anak namin. Hehe, tuwang-tuwa ko masyado sakanila! Kinikilig ako kahit ba sinusungitan lang ni Demi ang baby ko.. >///< 


Habang kumakain, kwentuhan na rin kami, lalo na kami ni Millie! Kami ang lubos na nakakapag-kwentuhan kasi yung dalawang lalaki ang busy sa pag-assist sa mga anak namin na kumakain. 


Tinatawan nga namin sila ni Millie habang dini-differentiate namin ang 'Levi and Adrian' NOON sa 'Levi and Adrian' NGAYON. 


Noon, pangbobola lang ng mga babae ang inaatupag ng dalawang yan then ngayon, nag-aalaga na sila ng anak nila. 


Napaka-unbelievable lang. It's still very hard to believe na nagbago na nga ang mga playboy na toh nang magka-anak sila. 


After dinner, nagyayang uminom ng konti si Levi. Pumayag na rin ako kasi canned beers lang naman ang iinumin tsaka konti lang talaga. Magbabyahe rin kasi silang mag-asawa pauwi tulad ko. 


Bago ang inuman, iniwan muna namin ang mga anak namin sa sala. Doon, nagkasundo silang dalawa sa pagdodrawing habang nanonood ng TV at kaming matatanda naman ay sa dining. 


"ADRIAN!" tawag ni Levi na may itinaas na canned beer. "PARA SA SUCCESSFUL NATING PAGKAKALAT NG LAHI! CHEERS!" 


At nag-cheers nga ang dalawang loko-loko but very proud na mga ama. 


"TAYO RIN CHELLY!" gumaya si Millie. "PARA SA PAGKAKARON NA NATIN NG MAGANDA AT GWAPONG ANAK! HIHI.. CHEERS!" 


Natatawa akong nakipag-cheers sakanya. 


Pero si Levi, humabol ng isa pa. "PARA SA REUNION NATING APAT! NA SANA MAULIT PA!" 


We all raised our canned beers and altogether we shouted, "CHEERS!". 


Umayos na kami ng pwesto sa table afterwards. 


Yung mag-asawa, super close na nakaupo sa tapat namin, as in naka-akbay pa si Levi kay Millie while kami ni Adrian, magkatabi nga pero may distance. Medyo ang awkward nga eh. 


Nagsimula ang kwentuhan sa pagkakaplano ng reunion na toh. 


Si Adrian pala ang may pasimuno nito at ni-rush lang ang pagplano kasi paalis na pala sina Millie pa-Amerika! Nakakalungkot naman, dun na pala sila titira at mag-aaral kasama ang baby nila.. 


Alam na rin pala nila ang lahat ng nangyari at ang sitwasyon namin ni Adrian ngayon.. 


Adrian told them everything just a few days ago, kasabay ng pagplano nya sa reunion na toh. 


Pero napansin ko, parang iniiwisan nilang maging topic yung tungkol saming dalawa ni Adrian? Mabilis kasing napunta ang kwentuhan namin sa story nina Millie at Levi.. 


Their story caught my whole attention though. I was shocked to know na nabuntis lang pala ni Levi si Millie nung first year college pa lang sila! But it was still good, kasi mahal naman nila ang isa't isa at pinanagutan sya ni Levi. Nagpakasal pa sila ah after nya manganak.. 


Sobra akong natutuwa sa nangyari sakanila. Para sakin, bagay talaga sila sa isa't isa. 


I am really happy for them but at the same time, nakakaramdam ako ng..pagka-inggit.. 


"Ma.." malambing na tawag ni Levi kay Millie. "Naiingit ako sa kanila.. Gusto ko rin ng baby boy.. Gawa tayo mamya ah??" 


"EHH AYOKO NA! ANG HIRAP KAYA MAGBUNTIS AT MANGANAK NOH! TSS.." tanggi naman ni Millie sabay inom. 


Parang batang nagtampo si Levi. "Mahirap nga pero dadamayan naman kita ah! Tulad kay Demi! Nahirapan din ako dun lalo na nung naglilihi ka! Utos ka nang utos, hanap nang hanap ng mga pagkaing out-of-this-world, MAHIRAP YUN AH PERO GINAWA KO LAHAT!" 


"Walang-wala naman yan kumpara sa physical pain na naranasan ko! Masakit kaya magbuntis, diba Chelly??" 


Nakangiti akong tumango sakanya. Totoo naman yun eh. 


"Ano naman.." ayaw talaga magpatalo ni Levi. "At least, nasa tabi mo ko at inalagaan kita nung panahong yun.." 


Bigla akong napatingin kay Adrian nang sabihin yun ni Levi. 


Nakangiti sya but I know, his smile is just a forced one. 


Natamaan kaya sya sa mga sinabi ni Levi? 'Cause he wasn't there when I needed him to support me.. 


Pero..kaya lang naman sya wala sa tabi ko kasi di ko sya binigyan ng chance na gawin yun.. 


Nakaka-konsensya.. At MAS nakonsensya pa ako nang napunta ang usapan sa pag-aalaga ng baby. 


Levi was so proud na nagawa nya ang mga bagay tulad ng pagtitimpla ng gatas, pagpapalit ng diaper, pagpupuyat pag tinotopak ang baby, LAHAT NA NG BAGAY NA HINDI KO PINA-EXPERIENCE KAY ADRIAN. Parang nananadya lang si Levi eh.. 


"Ang yabang mo.." natatawang binato ni Adrian ng mani si Levi. "Kaya ko rin naman gawin ang mga yan eh kaso.." 


Natigilan magsalita si Adrian. He finished his sentence with a little sigh then tumayo sya. 


"Oh san ka pupunta?" tanong ni Levi sakanya. 


"Ichecheck ko lang ang anak ko." at iniwan na nga nya kaming tatlo dito. 


"Hala, napikon na yata si Adriani.." si Millie talaga, di pa rin nya nalilimutang tawaging ADRIANI si Adrian. Ganun kasi nila yun tawagin dati, para raw magkakatunog ang pangalan namin- Levi, Millie, Chelly, Adriani. =.= 


"Di yun pikon. Malamang napapag-isipan na nya na sobrang mali ang ginawa nya kay Chelle." confident si Levi habang nainom. 


Oo, sobrang mali nga ang ginawa sakin ni Adrian pero may mali rin ako diba..?? 


"OI LEVI!" sigaw ni Adrian mula sa sala. "YUNG ANAK NYO, INAAWAY ANG ANAK KO!!" 


Madali kaming tatlo na pumunta sa sala. 


Adrian's comforting Andy na umiiyak while si Demi, nakatayo lang sa tapat nila at masama ang tingin sa baby ko! 


"Baby ko.. Anong nangyari?" lumapit ako at tinulungan si Adrian sa pagpapatahan sakanya. 


"DEMI!! *sob* GINULO NI DEMI PO YUNG.. *sob* YUNG DRAWING KO PO!!" >o< 


"Demi! Say sorry to Andy." utos ni Levi sa anak nya. 


"SORRY.." nakasimangot na sabi ni Demi. 


Si Andy, umiiyak pa rin! Psh. Ang iyakin naman ng baby ko.. T3T 


"No, Demi baby." nilapitan ni Millie si Demi. "Say sorry again and kiss him!" ^3^ 


"SORRY ANJI." kiniss nga ni Demi si Andy sa..sa LIPS! WAAAA.. 


ANG FIRST KISS NG BABY KO.. *o* 


"OI!!" sabay na sigaw nina Levi at Adrian! 


"KYAAAAA!!" tili naman ni Millie! 


"HOY ADRIAN! TSANSING ANAK MO!" - Levi 


"ANAK MO ANG HUMALIK! HINDI ANAK KO!" - Adrian 


"MAGTIGIL NGA KAYO! PARA MATAPOS NA, IPAPAKASAL NA LANG NATIN ANG MGA ANAK NATIN SA TAKDANG PANAHON, OKIE?!" ^3^v - Millie 


"AYOKO NGA!" - Adrian & Levi 


"EHHH.. BAKIT NAMAN??" T3T - Millie 


"AYAW KO KAYANG MAGING MANUGANG YAN!" sabay ulit sina Levi at Adrian with matching turuan. 


Natigil na lang sila nang tumakbo si Demi kay Levi at nagpabuhat. 


Antok na ang anak nila.. 


Pa-9PM na pala kaya nagpagdesisyunan na rin nilang umuwi. 


Pero bago yun, nagkuhanan pa muna kami ng picture for remembrance! And the best shot was yung kay Demi at kay Andy! Sa kuhang yun, ang antok na si Demi ay naging sweet! Ni-rest kasi nya ang ulo nya sa balikat ng baby ko.. ^///^ 


"BYE CHELLY!" nagyakapan kami ni Millie sa may pintuan. "Alam mo na ah! Bantayan mong maiigi si Andy mo! Dapat wala syang girlfriend hanggang sa mag-dalaga si Demi namin!" 


Ngumiti ako at tinignan si Demi na buhat-buhat ni Levi. Ayiee.. Nakatingin sya kay Andy na nakatayo sa tabi ni Adrian! >///< 


"REUNION ULIT AH! NEXT YEAR!" sinuntok ni Levi si Adrian sa braso. 


"At balitaan nyo rin kami!" dagdag ni Millie. "Dapat iupdate nyo kami sa mga nangyayari sa inyo! Ito kasing si Adriani, last minute na kami binalitaan tungkol sayo kaya ito tuloy, bitin ang bonding natin.." 


Millie embraced me one last time, Levi did too and then umalis na sila. 


Nakakalungkot isipin na aalis na sila ng bansa sa Monday at next year ko pa sila posibleng makita ulit.. 


"OOH! THOMAS!" tumakbo papasok ng unit si Andy nang marinig nya ang theme song ng favorite show nya sa TV. 


While I stayed here and waited for Adrian who was closing the door. 


Nagkatinginan kami pagkasara nya ng pinto and that was when confusion hit me again. 


Bakit kaya di nya binalita agad kina Millie ang tungkol sa pagkikita at pag-aayos namin? 


"Chelle.." napa-ayos ako ng tayo sa pagtawag nya. "Na..Nagustuhan mo ba ang surprise ko sayo?" 


Uh.. His surprise.. 


"Napansin ko kasi non, na parang namiss mo ang dalawang yun kaya..naisip ko na gawin yung reunion.." 


"Oo.. Namiss ko nga sila and.. Our reunion was great." nginitian ko sya. "Thank you sa surprise mo, Adrian.." 


Adrian just stared back at me with a very serious expression. Walang ngiti or any emotion sa mukha nya. 


Yung mga mata nya, they are only looking straight in my eyes, making my heart pound so hard. 


By his look, alam ko na may gusto syang sabihin sakin but I can't tell what it is.. 


Ang alam ko lang, KINAKABAHAN AKO NGAYON. 


Kinakabahan nga ako pero hindi natatakot.. Just.. What exactly is this feeling?? 


"CHELLE..." 




xxxxxx TBC~ 

WAIT! DYAN LANG MUNA AH! EHE.. Shemms.. Sorry kasi..alam nyo na TQT 

Oh another reason pala kung bakit kay @aijel1028 ito naka-dedic! Korek kasi ang hula nya sa surprise ni Adrian!! WEEEE!! HANG-GALING!! *hagis confetti plus round of applause!!* XDD 

SA IBANG NAG-GUESS: mahaha i love u all! Better luck next time!! Lolol.. X3

AAAND THANKS NA SA LAHAT NG PB. READERS.. v^___~v

[baby Andy & baby Demi nga pala.. ;3] =========>>

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!